ART 14

2000 Words

Nagising ako na masakit na ang kanang braso ko. Hindi muna ako nagdilat ng aking mga mata at pinakiramdaman ko ang paligid ko. Parang may nakadagan ngayon sa braso ko kaya sumasakit na. Saka agad na bumalik sa alaala ko ang mga nangyari sa amin ni Jeneive! Agad akong napamulat at tiningnan kung may katabi ba ako. Nakita ko si Jeneive na mahimbing pa rin na natutulog sa tabi ko. Ang kaniyang ulo ay nakahiga sa kanang braso ko. Siguro ay ilang oras na siyang nakaganon sa akin, kaya naman ay nakaramdam na ako na sumasakit na ang braso ko. Sa gulat ko ay agad kong inalis ang braso ko sa ulo niya, dahilan kung bakit siya biglang nagising. Agad kong hinila ang kumot para mas matakpan ang katawan ko. Nagmulat naman ng mga mata si Jeneive at nagtataka na tumingin sa akin. Kaunti na lang ang kumo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD