After dating Zamara for a whole month, I gave up. Ayoko na talaga. Hindi ko na kinakaya pa ang pag-uugali ni Zamara. She’s a f*****g spoiled brat. Gusto niya ang lahat ng oras ko ay nasa kaniya na. Ayaw niyang pumayag na hindi kami magkasama. Palagi pa niya akong pinupuntahan sa bahay namin. f**k, ni hindi ko nga alam kung paano niya nahanap ang bahay namin. O baka dahil sikat naman talaga ang pamilya ko kaya nalaman niya ang bahay ko? But I think she’s just a f*****g stalker. Murang-mura na talaga siya sa isipan ko. Naalala ko pa ‘yong mga araw na naggagawa ako ng art sa bahay namin at nananahimik ang buhay ko. Masaya pa nga dahil wala akong pasok noong araw na ‘yon at sa wakas ay malalayo ako kay Zamara. Hindi mo siya makikita at makakasama. Weekend na nga lang ang pahinga ko sa kaniya