ART 23

1500 Words

Simula nang malaman ko kung ano ang nangyari kay Jeneive, hindi na ako masiyadong makatulog. Sobra pa rin ako na nakokonsensya dahil pakiramdam ko ay may kasalanan din ako sa nangyari sa kaniya. Ako lang ang tanging kakampi niya noon, pero iniwan ko pa siya at pinaalam ko pa na naaawa lang ako sa kaniya kaya ko siya pinatulan. Hindi ako nakakatulog simula no'n. Isang beses ko lang din siya binisita. Naikulong na rin ang kaniyang ama. Ako na ang nag-take ng action para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kaniya. Kinausap ko si Dad para maaksyunan ang ama ni Jeneive. Inimbestigahan siya at napag-alaman na drug user ang ama ni Jeneive. Hindi naman totoo ang issue na ampon siya. Gawa-gawa lang daw 'yon ng mga dating kaibigan ni Jeneive. Bagsak na rin ang kumpaniya na mga kaibigan ni Jeneive

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD