TUMULOY si Juan sa bahay nila sa Taytay. Wala siyang balak umuwi ng Pasig ngayon ang isang bahay nila kung saan doon nakatira ang mama at ang isang kapatid niyang labing dalawang taong gulang.
Produkto ng isang broken family si Juan, pero kahit ganoon naging balanse ang lugar niya bilang anak sa mama at papa niya.
Pwedi siyang umuwi ng Taytay sa papa niya, pwedi rin siya sa Pasig. Maayos naman kasi ang paghihiwalay ng mga magulang niya.
Naisip niya na naman ang naging dahilan ng hiwalayan ng mga ito. Umupo siya sa paanan ng kama niya sa malaking bahay ng sariling ama.
Nahuli ng mama niya ang pangangaliwa ng papa niya sa araw mismo ng pinanganak nito ang bunso niyang kapatid na si Juanna. Pinili ng mama niya ang umalis sa bahay ng ama niya't bumalik sa Pasig. Simple lamang ang buhay ng mama niya kumpara sa sarili niyang ama na kayang ibigay ang lahat para sa kanilang magkapatid sana. But he still hoping na isang araw magiging maayos din sa pamilya niya ang lahat, lalo pa't hindi naman naging maayos ang relasyon ng papa niya sa naging kalaguyo nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya sa mga naisip.
Nahiga siya sa malambot niyang kama. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang sumagi sa isip niya ang mukha at matabang katawan ni Olivia.
"Hindi pa ako natutulog. Pero binabangungot na yata ako," aniya sa sarili.
Kung bakit ba naman sa dinami---dami ng pweding kulitan ng babae. Siya pa ang napili nito. Matindi ang pag di kagusto ni Juan sa dalagita. Hindi dahil sa laki ng pangangatawan nito. Sadyang nakukulitan lang siya kay Olivia at malaki ang pagkakaiba n'on.
Hihiga na sana siya nang napasilip siya sa cellphone niya. Mas gusto siyang makita bago magpahinga. Para sa kaniya ito ang kaniyang pahinga---si Tamara Cruz. Ilang minuto niya rin ini-stalk ito. Hindi niya alam kung bakit biglang may sumikdong lungkot sa puso niya nang makita ang larawan nito kasama ang matagal na nitong katipan. Kung gaano siya katagal na kinukulit ni Olivia, ganoon din katagal ang relasyon ni Tamara kay Aldren.
Muli kong binalik ang cellphone ko sa dala kong bag. Nahiga ako, nilagay sa ulo ko ang dalawa kong kamay. Ilang beses na ba siyang nagtangkang kalimutan si Tamara? Isa? Dalawa? Tatlo? Napakarami na. Pero wala pa rin nagbago, habang patutuloy niyang sinusubukang kalimutan ito. Mas lalo pa yata siya napapamahal dito.
Minahal niya si Tamara ng hindi niya sinasadya at para sa kaniya 'yon ang pagmamahal na mahirap balewalain. Mahirap limutin. Ang dalaga ang pangarap niya. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asang tugunin nito ang pagmamahal niya.
Umaasa siya.
"ATE. Nasaan ang ballpen ko?!"
Napasinghap si Olivia sa narinig na tawag sa kaniya ng nakakabata niyang kapatid. Kahit kailan talaga wala itong mata. Lagi na lang siya ang kinukulit at pinagtatanungan sa lahat ng bagay na nawawala rito. Hindi marunong mag-isip, naisip niya.
Pilit siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa malaking bahay nila sa Maybunga, Pasig. Nasa may veranda lang si Oliver. Kung hindi lang talaga siya pagagalitan ng mommy at daddy niya makakatikim na naman sana ito sa kaniya.
"Alam mo kung may mata lang ballpen mo. Nilapitan ka na at binatukan," turan niya rito. Pinulot niya ang ballpen nitong nahulog sa sahig. Umupo paharap dito.
"Alam mo kung hindi ka lang mataba, Ate. Nagka-jowa ka na." Binato niya ito ng papel.
Ilang beses na ba siyang tinukso nitong mataba at walang jowa? Masama ang tabil ng dila talaga ng kapatid niyang 'to. Palibhasa bunso kaya masyadong spoiled sa mga magulang nila.
"Kailan ka ba kasi mag-da-diet?" tukso pa.
"Tumigil ka. Priprituhin ko 'yang dila mo," natatawa niyang banta rito. Ngumisi lang ito sa kaniya nang samaan niya ng tingin.
Mabait naman si Oliver. Ito ang bestfriend niya, kahit labing-dalawang taong gulang palang ito. Pakiramdam niya magkasing-edad na rin sila. Bully lang talaga ito sa kaniya, pagdating sa katawan niya maging sa pagiging NBSB niya o NO BOY FRIEND SINCE BIRTH.
Paano naman kasi siya magkaka-jowa kung ang pantasya niya hindi man lang siya magawang pansinin.
Natanong niya na naman sa sarili kung kailan ba siya magugustuhan ng isang---Janito Juan Ramos.
-
---
ILANG baling na ang ginawa niya sa pagtulog, pero ayaw pa rin dalawin ng antok si Juan. Gusto niya ng ipikit ang mga mata niya, dahil alam niyang tatanghaliin na naman siya kinabukasan pag pumasok siya--- malayo pa naman ang Taytay sa eskwelahan nila sa Pasig. Mahihirapan lang siyang sumakay, okay lang din sana kung ihahatid siya ng papa niya. Ngunit alam niyang malabo, wala naman siyang natandaan kahit minsan na hinatid siya ng Papa Jose niya. Hindi nga siguro nito alam na umuwi siya sa bahay nila, masyadong abala ang daddy niya. Ayaw niya rin naman panghimasukan ang lahat ng gusto nito--- para sa kaniya matanda na ito. Ayaw niyang maging sagabal sa lahat ng gusto ng daddy niya. Ang gusto niya lang mangyari ngayon, mapag-isa siya. At sa bahay ng daddy niya, natatagpuan niya ito. Bukod kasi wala ito sa bahay nila madalas walang ibang umiisturbo sa kaniya, hindi tulad sa bahay nila sa Pasig nandoon si Juana. Hindi niya nga alam kung bakit hindi sila magkasundo nito, tunay naman silang magkapatid. May kakulitan lang din kasi si Juana, at isa pa masyado itong malapit sa nanay nilang dalawa. Hindi naman sila nag-aaway na dalawa, ayaw niya lang talaga sa matinis na boses nito lalo pag nasa bahay lang ito. Wala itong ibang ginawa kundi tuksuin siya kung magkakanobya pa ba siya. Parang si Olivia lang ito sa ingay ang pinagkaiba lang sexy ang kapatid niyang 'yon, maganda--- kaya nga suki ito sa iba't ibang pageant sa paaralan na pinili nitong pag-aralan. Isa iyon sa pinagpapasalamat niya dahil hindi nagpumilit si Juana na sa iisang paaralan sila--- e di sana tulad kay Olivia mabwibwisit lang din siya.
Pinilit na ni Juan ang matulog, kailangan niya ng magpahinga para sa maaga na pasok kinabukasan ayaw niyang mahuli sa usapan nila ng mga kaibigan niya.