Ang simula
CHAPTER ONE
"GOOD MORNING! My one and only," bungad na bati ni Olivia kay Juan. Habang nakaupo itong mag-isa sa Teatro Rizalia. Hindi nag-abalang magtaas ng tingin ang binata. Dahil alam niya kilala na nito ang boses niya.
Umiwas ito ng pasimple siyang tumabi rito sa isang mahabang bangko na kasiya ang limang katao.
"Kumain ka na?" pagpapacute ni Olivia rito, "Hindi pa ako kumakain. May dala akong nuggets dito, gusto mo?" alok niya sa binata. Nilingon siya nitong naiiling at agad ding binalik sa sinusulat.
"Chemistry? Hmmp. Baka hindi mo tinatanong magaling ako riyan. Fave subject ko," aniyang napapangiti.
Muli itong nagbaling ng tingin sa kaniya, may paniningkit ang mga mata. Umiling-iling nagpasyang tumayo, akmang aalis nang muli siyang magsalita.
"Kundi lang talaga kita mahal, e… Saan tayo?" aniyang natatawa. Alam niyang wala siyang balak kausapin ni Juanito. Ano ba ang bago? Lagi naman papansin ang labas niya sa harap nito. Kailan ba nagkainteres sa kaniya ang binatilyo? Puputi na lang yata ang uwak, hindi ito mangyayari. Pero siya si Olivia o mas kilalang Olly, hindi siya susuko ng basta-basta.
"Baby, saan tayo?" Paika-ikang pagsunod ni Olly kay Juan. Nilingon siya nitong may panggigigil na naman sa mga mata nito.
"Ano ba kailangan mo?!" tanong nitong nangingibabaw ang inis sa boses nito.
Pa-cute niyang sinagot ito. "Dinalhan kita ng pagkain, tapos ako sasagot ng assignment mo at ang pangatlo handa kitang samahan sa langit---"
"Shut-up!" singhal ni Juan sa kaniya sa naging sagot niya rito. Nagpalinga-linga ito alam niyang natatakot ito na baka may makarinig sa kanilang dalawa. Lalo na sa tabas ng dila niyang kinaiinis nito, alam niya.
Tawa siya nang tawa. Wala naman siyang intensyon bwisitin ang araw nito. Pero hindi niya alam kung bakit labis ang tuwang nararamdaman ng puso niya pag may nakikita siyang pagkapikon sa mga mata nito.
"Nagbibiro lang. Para naman hindi ka na mabiro, Mahal," aniya. Kumindat pa siya sa gawi ng binatilyo. Tinalikuran siya nitong umiling-iling.
Nagpatuloy ang binatilyo sa paglabas ng Teatro. Sinundan ito ni Olly hanggang sa labas. Walang tao gaano sa building kung nasaan sila ni Juan.
Sabado ngayon kaya walang estudyante gaano maliban sa mga miyembro ng Teatro at sa mga student council ng university. Kabilang na sila si Juan bilang miyembro ng Teatro Rizalia at siya naman ay isang student council ng buong education department.
"Pwede bang huwag mo akong sundan, Piggy!!" galit na singhal ni Juanito sa kaniya nang lingunin siya nito.
Pero hindi man lang nagawang matinag ni Olly sa tinging pinupukol ng binata sa kaniya at sa naging madalas nitong tawag sa kaniya. Tulad lang naman ito ng tawag sa kaniya ng iilan 'Olly 'd oily' kaya sanay na siya. Sweet pa nga para sa kaniya.
Ngumiti siya ng matamis dito, "Juanito, kailan mo ba ako papansinin?" malakas na sigaw ni Olly nang muli siya nitong tinalikuran. Biglang huminto si Juanito sa paglalakad, bagamat hindi siya nilingon alam niyang narinig nito ang tanong niya.
Sa lakas ba naman ng boses niya, aabot pa yata ito sa rooftop maging sa guard house ng university.
"Kabisado ko ang preamble---" pagpapatuloy niya.
"Periodic table easy lang 'yan, elements of arts of principle design? Chicken lang sa akin 'yan!" aniya.
Nanatiling nakatayo lang si Juan sa may 'di kalayuan, sapat na para marinig siya.
"Ano ba gusto mo, french kiss? Torrid kiss? African kiss? Italian kiss?"
"Shut up!" malakas na sigaw ni Juanito nang lingunin siya nito. Pinaglipat-lipat ang tingin sa mga mata niya.
"Mahal na mahal kita, Juanito Ramos!!" ganting sigaw ni Olly sa harap ng binata. Hindi man lang natinag sa galit na galit nitong tingin sa kaniya.
Basta ang alam niya, mahal niya ito period--- walang comma.
Napasinghap siya ng hangin nang tumalikod ito. Dire-diretsong umalis. Walang nagawa si Olly, kundi binalikan ang bag at ang baong pagkain para sana sa kanila ni Juan. Kung bakit ba naman kasi ang choosy ng isang 'yon, aniya.
Napataas ang kaliwang kilay niya sa naalala. Lahat naman yata nagiging choosy pagdating sa kaniya.
Sino ba nagkagusto sa kaniya? Wala man lang siyang natandaan. Malayong-malayo siya sa kaibigan niyang si Tamara, na halos lahat naging jowa na yata nito. Pero s'yempre maliban kay Juanito Ramos, dahil naging bantay sarado niya ito at walang kahit sino'ng nakakalapit dito.
Siya lang dapat, aniya. Pero hindi naman lingid sa kaalam niyang gusto ni Juan si Tamara, iyon nga lang pinipilit niyang paniwalain ang sarili niyang sa kaniya lang magkakagusto si Juan. Kahit na imposible, sigaw ng isip ni Olivia.
E kung magustuhan niya na lang kaya ako? aniya sa sarili. Minsan nga naiisip na lang ni Tamara na pikutin o gayumahin si Juan e. Para mapasakaniya na agad ito. Pero syempre ayaw niya namang lumabas na desperada sa lahat, mahal niya ito--- oo. Pero iba na ang usapang gayuma at pikot. Hindi siya ganoon kadesperada, para sa kaniya inspirasyon niya lang ito. Hindi iyon magbabago. Iba kasi ang sayang hatid sa kaniya ni Juan, makita niya lang ito buo na ang ara niya--- isama pa ang pambwibwisit niya rito na mas lalong nagpapasaya sa kaniya.
"Ngumingiti ka na naman d'yan." Hindi na pala namalayan ni Olivia ang pagdating ng kaibigan niyang si Weng. Alam na alam talaga nito kung saan siya pupuntahan. Sabagay, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kaniya at may alam na may gusto siya kay Juan? Wala na siguro. Mabuti na nga lang hindi sila sa iisang eskwelahan nag-aaral ni Oliver e. Wala siguro itong gagawin kundi kakantyawan na lamang siya, pag nalaman nito ang mga moves niya para kay Juan. Okay na iyong sa bahay lang nila sila magtutuksuhan hindi na ito makaabot sa campus kung saan siya nag-aaral. Maingay ang kapatid niyang iyon, e kanino pa ba magmamana? Siguro sa kaniya, sigaw ng isipan niya.
"Nasaan si Juan?" tanong nito sa kaniya. Kinibit niya lang ang balikat niya sa tanong nito sa kaniya. E, hindi niya rin naman kasi alam kung saan na nagsuot si Juan matapos siya nitong iwan.
"Sa puso ko," natatawang sagot niya sa kaibigan niya.