Episode 2- You

2403 Words
"Para ka naman pusa eh!" reklamo na ni Dev habang nasa gitna sila ng dance floor habang nag sasayaw. Ikinikiskis kasi ni Ara ang pisngi sa suot n'ya. "Kainis ka kasi bakit mo kasi ako sinabihan na amoy kalawang ayaw na tuloy mawala sa isip ko." naka simangot na usal ni Ara. Napangiti naman si Dev. "Di ba kakaunin ka ng sugo ng impiyerno mong kaibigan bakit di mo itanong sa kanya kung anong amoy mo baka naman sabihin mo e dinidiscriminate kita." "Hell no! Bakit ako mag tatanong sa kanya ng ganun bukod sa nakakahiya______Hello po Tita." bating bigla ni Ara ng lapitan sila ng Ama at Ina ni Devin na nakangiti. "Hello hija. Where is your parents?" tanong ni Dana na nakipag beso-beso kay Ara saka nag mano naman sa papa ni Devin. "Umuwi po muna si Mommy sa Netherland si Daddy naman feeling ko po sumunod." natatawang sabi ni Ara. Natuttuwa talaga silang mag kakapatid sa mommy at daddy nila. Matatanda na ang mga ito ang hilig pa palagi mag-away na akala mo mga teenager pa. Lalayas ang mommy n'ya kapag magkaaway ang mga ito tas bigla mag lalaho na lang na parang bula ang Daddy nila ang ending kinakaon pala nito ang ina na wala pang 24 hrs na nawawala. Masyado kasing lapitin talaga ng babae ang Daddy nila ang Mommy naman nila saksakan ng selosa kahit na kikita naman nilang walang naman ginagawang masama ang Daddy nila. So far naman happily married parin ang parents nila for more than 30 years. "Ang Daddy mo talaga masyadong takot na takot mawala ang Mommy mo." biro naman ni Dylan. "Bakit ikaw ba hindi?" tanong naman ni Dana mabilis naman yumakap si Dylan sa braso ng asawa. "Mawala ka pa lang nga sa paningin ko pakiramdam ko na wawalan na ako ng lakas." "Oh my God Dad!" bulalas naman ni Devin na parang hiyang-hiya sa sinabi ng ama. Natawa naman si Ara na pinag masdan ang bagong kasal. Tulad lang din ang mga ito ng parents n'ya na kahit matandana makikita pa rin sa mga mata ng mga ito ang labis na pag mamahal sa isa't-isa. Sana ganun din sila ng magiging asawa n'ya. Napalingon s'ya kay Devin saka bumuntong hininga. "So anong stage na ba ang relationship nyo nag improved na ba?" tanong naman ni Dylan sa kanilang dalawa. "We're still in getting to know each other, Dad." "Bakit ba minamadali mo ang mga bata and beside mukhang hindi pa nga na eenjoy nitong si Ara ang pagiging dalaga n'ya kaya tigilan n'yo ang pamimilit sa pag papakasal ang dalawang yan "Hello Hija, asan ang parents mo?" "Hindi po sila naka attend si Mommy po kasi umuwi ng Netherland si Daddy naman sinundan si Mommy without my mom's approval." ngiti ni Ara. "Ang Daddy mo talaga takot na takot sa tuwing nawawala sa paningin n'ya ang mommy mo." wika naman ni Dylan na tinapik sa balikat ang anak na panganay. "So kayong dalawa, may maganda bang improvement." "Dad!' tamad na usal ni Dev. "Bakit ba? wala bang improvement." tanong pa ni Dylan. "Ilang months na bang kayo." Napasimangot naman si Devin na nilingon s'ya na akala mo naman e luging-lugi ito kapag sila ang nagkatuluyan nakakababa ng dignidad. Tinaasan ng kilay ni Ara ang binata kailangan n'yang iligtas ang pride at p********e n'ya na inaalipusta ni Devin sa klase ng tingin nito. "Tito, where in just getting to know each other. Ang sabi n'yo walang pilitan diba so date date lang muna fling-fling pero no string attach. Right Downy." ngisi pa ni Ara na lalong ikinasimangot ni Devin. Napangiti naman si Dana na lingon ang anak na tinapik sa likod. "Yes! Hija don't worry malinaw ang usapan namin ng Mommy mo. Walang pilitan kaya i-enjoyed n'yo lang sarili n'yo." "Thank you, Tita Dana. Your such an angel kaya love na love ko din po kayo e." "Sus nambola ka pa talaga." usal naman ni Devin. "Nag momotor ka pa rin ba Ara?" tanong naman ni Dylan. "Yes, Tito. Mas madali po kasi sa way of transfortion kapag nasa field ako." "Well point granted pero mag-iingat palagi hija." "Yes, Tito of course. Gusto ko pa rin naman mabuhay sa mundong ibabaw." ngiti ni Ara. "Your exactly opposite of your twin sister pero mas gusto ko ang personality mo. You reminds me of me when I'm young." wika ni Dana. "Mi'! Napaka-imposible naman. Noon nagustuhan kayo ni Daddy dahil he loves your scent na in love s'ya sayo dahil dun pero si Ara, no offense pero amoy s'yang kalawang Mi," ngisi ni Devin sabay tawa ng hampasin ng ina sa braso habang tumatawa. "Napakasama talaga ng ugali mo. Sa impiyerno ka ba nag-aral." lalo ng natawa ang mag-asawa sa banat na tanong n'ya kay Devin. "Naku hija sorry natawa lang talaga ako. Ano ka ba naman Dev." pinalo pa ni Dana sa balikat ang anak na natatawa na lang din. "Wag kang maniwala dyan kay Dev, Hija nag papansin lang yan hindi ka amoy kalawang. Ang totoo hija amoy kang alikabok." biro pa ni Dylan na malakas pang tumawa na ikinalingon sa kanila ng ibang bisita. "Ang sama n'yo sa akin. Tita." parang batang labi ni Ara na lumapit kay Dana na na mumula na rin ang pisngi sa pagtawa. Yumakap s'ya sa braso nito. "Sorry talaga! Ano ka ba naman kasi Dylan." "Sorry hija nag jojoke lang naman ako hija." natatawa pa rin wika ni Dylan. "Hindi yung joke Dad totoo yun." Ani Devin na pulang-pula na ang punong tenga sa pag tawa. "Tita siguro amoy downy din ang bat and balls ni Dev." bigla wika ni Ara sabay ngisi ng biglang huminto na sa pag tawa si Dev at bigla na lang nag walk out. "Hahahaha! Saan pupunta yun?" "Binata na ang anak ko na hihiya na." biro naman ni Dylan na napasunod na lang sila ng tingin sa papalayong si Devin. ******** "Ara." tawag ni Dennis na tumatakbo na lumapit sa kanya palabas na s'ya ng hotel dahil nasa labas na si Luzifer para kaunin s'ya. "Ano lumipad nanaman ang Ate mo maka sigaw ka ng Ara d'yan marinig ka nanaman ng kuya mo." ani Ara na huminto sa pag labas ng hotel. "Hindi ako maririnig nun nowhere to found si Kuya kasama n'ya si Cortney." umasim naman ang mukha ni Ara ng marinig ang pangalan ng babaeng laging kasama ni Devin. "Baka nasa suite n'ya si Kuya kasama si Ate Cortney." "Ate talaga? Sa akin Ara lang di rin halata pagiging bias mo ano." 'Ayaw ko kasing maging ate ka lang, Gusto kitang pakasalan kung mahihintay mo ako." ngisi pa ni Dennis. "Gusto mo bang ipakulam ako ng kuya mo ha?" "Bakit naman n'ya gagawin yun? Kapag ginawa yun ni Kuya ibig sabihin tama ang hinala ko." kumunot naman ang noo ni Ara. "Ano naman ang ibig sabihin nun?" "Kung papayag ka sa akin mag pakasal then sasabihin ko sayo ang sekreto ni Kuya." tumawa naman si Ara. "Kapag kasing amoy mo na ang kuya mo saka tayo ulit mag-usap." "Bakit hindi mo ba gusto ang amoy ng pabango ko?" tanong ni Dennis. "Amoy ka pang diaper kaya better luck next time." "Ara-----Aw!" daing ni Dennis na hahabol sana sa kanya ng muli na s'yang napalingon at makita si Devin na binatukan ang kapatid na sapo-sapo ang likod ng ulo. Napasimangot naman si Ara hindi dahil sa ginawa nito kay Dennis kundi sa babaeng nakayakap sa braso ni Devin. Si Cortney na isa beauty queen na parang sumakabilang buhay na ang utak dahil 'di n'ya alam kung paano ito nakapasok noon ng beauty pageant. Mukhang dinaan lang talaga sa ganda at sexy kaya ito nakapasok pero ang alam n'ya abogado ito at bar basser din pero 'di nya na rinig kung ginamit ba nito ang pinag-aralan o humawak ito ng kaso. Mukhang naka tsamba lang ata kaya nakapasa pero feeling nya kinalawang na ng bongga ang utak nito kaya wala ng alam. "Ano ka ba? Bakit lagi mo na lang sinasaktan si Denden." sita n'ya kay Devin. "Kaya ka di' ginagalang ng lalaking yan kasi you let him treat you that way." "Hindi ko hinihingi kay Den na igalang n'ya ako. As long as hindi naman n'ya ako binabastos walang problema sa akin. Kaya tigilan mo na ang laging pananakit sa kanya porket ikaw ang nag papaaral sa kanya." sita pa ni Ara sa binata na inalis ang kamay ni Cortney na nakayakap sa braso nito. "Mag-aaway ba tayo?" "Hindi! Dahil wala akong time na makipag debate sayo. Dennis bumalik ka na sa loob text-text na lang." tulak pa n'ya kay Dennis na napakamot naman ng ulo. "Saan ka pupunta?" habol naman ni Devin. "Makikipag patentero kay kamatayan bakit sasama ka?" "Sasama ka talaga sa demonyong yung." nakasimangot na nilingon ni Ara si Devin. "E anong paki-alam mo. Pinakialaman ba kita kung kasama mo ang aswang na yan?" lantarang pang turo ni Ara kay Cortney na sumimangot rin. "Ayusin mo pananalita mo Ara kung ayaw mong magka problema sa akin." "Suhuuuuuuuussssss! kala mo ba kikilabutan ako sa sinasabi mo. Alam n'yo kayong dalawa talaga bagay talaga kayo, bakit kaya hindi na lang kayo ang mag pakasal para naman mabalanse ang eco system." 'Na pipikon na ako sayo ha." ani Cortney na susugod sana kay Ara ng mabilis na pigilan ni Devin. "Kapag sumama ka pa sa luzifer na yun, you will never see me again." banta pa ni Devin. "Puwede ba Dev, wag kang showbiz ako ang may hawak ng multi-million hotel project mo tingin mo matatakot mo ako sa bantang yan. Ikaw ang kabahan kapag ako ang tinoyo, isa sa mga poste ng hotel na itatayo ko isasama kita sa buhos ng semento." "Ara! Ara!" sigaw ni Dev pero derederetso lang si Ara sa pag layo hanggang sa makita na n'ya si Luzifer na dumating dala ang motor nito. "Arabella." malakas ng sigaw ni Devin ng makita inabot nito ang helmet na inabot ni Luzifer saka ito umagkas. Akmang hahabol pa s'ya ng pigilan s'ya ni Cortney. "Let her go Devs." inis naman pumiksi si Dev sa pag kakahawak ni Cortney at napatngin sa papalayo ng sila Ara at Luzi." napamura na lang si Diego. Ang totoo alam n'ya kung saan talaga pupunta si Ara, lingid sa kaalaman ni Ara nalaman n'ya na kasali pala ito sa underworld drag race na mahigpit na pinag babawal sa pilipinas dati din s'yang member doon ngunit hindi na s'ya active sapol ng pahawakin na s'ya ng ama ng mga negosyo nila kaya nawalan na s'ya ng time sa pakikipag compete sa mga competion pero sigurado s'yang kilala ng lahat si Lightingvolt sa pangalan bilang isang legend. 8 taon din s'yang namayagpag bilang si Lightingvolt sa underworld. Wala ng nakatalo sa kanya kahit pa si Luzifer na alam n'ya si night panther noon pa. Kakaalis lang n'ya ng underworld ng sumali naman si Ara at lately lang n'ya nalaman ng pabantayan n'ya ang kilos ni Ara at Luzifer. Alam naman n'ya na magaling talaga si Ara sa pag momotor at may ibubuga talaga ito pero hindi pa rin safe para sa isang babae ang drag race tiyak na kapag nalaman ng parents nito ang pinasok na profession ng anak tiyak na mag hahalo ang balat sa tinalupan. Hindi naman n'ya magawang mag sumbong dahil alam n'ya na masaya si Ara sa underworld kahit pa napakadelikadong sport ang drag race. "Stay here." "Saan ka pupunta? Don't tell me susundan mo ang babaeng yun." "It's really none of your damn business." sagot naman ni Devin saka nag mamadaling bumalik sa suite n'ya at iniwan si Cortney na di rin naman n'ya alam na darating talaga. After makapag bihis agad n'yang tinawagan ang headmaster ng underworld na nagulat sa muli n'yang pag tawag after 2 years n'yang pag wala. ******** Halos umusok na ang gulong ni Ara ng hapitin at pilitin n'yang habulin ang kulay gold na Ducati Superleggera V4 pero parang pinag lalaruan lang s'ya ni Lightingvolt na di n'ya akalain na makakalaban n'ya sa loob ng arena. Hindi lang naman s'ya ang nagulat sa pag dating ng isang kulay Gold na motor ng i announce ng headmster na kasali ngayon gabi si Lightningvolt talaga naman nag ingay ng husto ang crowd at bumaha na ng pustahan sa pagitan nilang tatlo nila Luzifer pero gaya ng inaasahan kahit matagal na nawala sa arena si Lightningvolt wala pa rin talaga makatalo rito. Walang magawa ang motor nya na super upgraded na sa motor nitong bagay na tawagin talagang lightingvolt. Gold ang motor nito habang itim at gold naman ang motocycle suit nito napaka astig nitong tingnan. Tindig pa lang at built ng katawan nito nakaka intimidate na kaya naman ng mag simula na ang game medyo na disappoint pa s'ya dahil na iwan ito na parang hindi ito nakikipag compete pero ng makaikot na sila ng isang laps nagulat talaga s'ya ng bigla na lang itong parang lumipad at nalampasan ng walang kahirap hirap lahat ng kasali. Parang nang-aasar pa ito ng tapatan s'ya at bombahin ang accelarator ng motor na parang hinahamon pa s'ya pero nag mukha s'yang amature kahit si Luzifer hanggang sa matapos ang game. 2nd placer lang sya at si Lighting volt ang nanalo ng magkatabi sila sa awarding 'di n'ya maiwasan na mapalingon rito ng makatabi na ito sa awarding. Rules ng underworld bawal na mag hubad ng helmet kahit natanggap ng trophy at cash prize para sa safe identity nila na hindi puwedeng mabunyag. But something in him feels like familiar to her na di lang n'ya ma explain. Standing beside him parang ewan ba n'ya parang si Devin ang na iisip n'ya gawa ng hieght at built ng katawan nito kaya parang familiar sa kanya pero kilala n'ya si Devin hindi ito mag aaksaya ng oras para sa mga illegal na gawain na tulad nito. Masyado iyon deretso mag-isip kaya imposible na maging ito si Devin. "You." narinig pa ni Ara na ikinalingon n'ya rito ng bigla itong magsalita kaso malagong iyon at mahina dahil sa suot na helmet. "Would you like to marry me?" tumaas ang kilay ni Ara sa tanong nito. Ano daw? niyaya s'ya nitong magpakasal. Mukhang malakas yata ang hangin nito sa katawan. "Sorry your number cannot be completed as dialed please dialed the number and go to hell." ani Ara sabay talikod. Ka turn-off porket nanalo akala mo na kung sinong hudas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD