Chapter 15

1982 Words

NAGISING SI Richell na nasa mga bisig pa rin ni Sais ngunit wala na sila sa buhanginan ngunit nasa kubo na malapit sa dalampasigan. Nakaupo siya sa kandungan nito habang ito ay nakasandal sa poste. Hindi mapigilan ng dalaga na sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Tiningala niya ang nakapikit na binata. Pinaglandas niya ang hintuturo sa matangos nitong ilong at napahagikhik dahil sa pagkislot nito. Hindi siya nagsasawang titigan ito dahil kung pagbibigyan lamang siya ng tadhana ay ayaw na niyang mawalay dito. "Ang gwapo mo," sambit niya. "I know," sagot nito. Dahan dahan itong nagmulat ng mga mata at tumitig sa kanya. "And you're so beautiful," humalik ito sa kanyang noo. Napapikit si Richell at hindi niya namalayan ang pagpatak ng kanyang mga luha dahil sa masuyong boses

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD