Tulala lamang siya habang nakatingin sa paghampas ng alon sa buhanginan. Ang pagdampi ng hangin sa kanyang balat ay nagbibigay ginhawa sa kanya kahit papaano. Sumasakit na ang ulo kakaisip kung saan siya kukuha ng pambili ng gamot ng kanyang ama at pagkain nila. Dahil sa kalandian niya ay ayaw na niyang bumalik sa malaking bahay at ilang araw na rin siyang tumigil sa pagtanggap ng pera sa kanyang amo. Gusto niyang totoong bayaran ang mga naitulong ng mga ito kahit buong buhay siyang magtrabaho sa bukid wag lang niyang makasama sa iisang bubong si Sais. Kahit naman sa bukid ka magtrabaho dahil talagang maharot ka. Pati kwadra nga pinatos niyo. Okray niya sa sarili. Napapahilamos nalang siya ng mukha kapag naaalala ang naging pagtatalik nila sa kwadra. Muntik na silang maabutan sa akto