TEARS ARE falling from her eyes, the pain is killing her inner peace but she can't do anything but to cry. Parang pasan niya ang mundo habang nakatulala sa higaan, kagigising lamang niya at ang unang ginawa ng kanyang mata ay ang lumuha agad. Ni hindi niya alam kung paano sila nakauwi ng ama. Ang dapat ay masayang araw nila ay naging bangungot para sa kanyang. Overthinking worsen her burden. "Richell, anak gising ka na ba?" Mabilis niyang tinakpan ng unan ang mga mata pagkarinig sa boses at mga yabag ng kanyang ama. Hanggang sa makalapit ito ay nanatili siyang nagpanggap na tulog. "Malalim na ang gabi anak kaya't kailangan mo nang kumain, naghanda ako ng hapunan." Bigla siyang tinamaan ng konsensya dahil sa kalandian niya ay ang ama pa ang nagpagod para sa kanilang haponan. Pakiramdam