Donna's Pov: Nanatiling nasa harapan kami ng portal. Ni walang gumagalaw kahit isa sa aming grupo. Alistong pinagmamasdan din ni Jiro ang dalawang team na nasa harap namin. Mabilis ding humarang sa amin ang mga Senior at Junior para maprotektahan kami sa oras na magkaroon ng hindi magandang sitwasyon. Nakatayo pa din ang team nina Efraim at Kathleen. Halatang hindi nila inaasahan ang pagdating namin. Lahat naman yata kami. Nawala ang portal na nilabasan namin pero nanatili kaming nag-oobserba sa paligid. Nasa isang maluwang na tila arena kami. Hindi nga lang ako sigurado kung ito na ang pinakatuktok ng Heaven's Arena dahil sa sarado ito at hindi lang naman kami ang narito. May sapat na distansya ang team nina Efraim sa team ni Kathleen. Hindi nga lang ganoon kalayo iyon. May tatlong