Crayon's Pov: Sinamaan ko lang ng tingin si Uno nang walang anumang hipan ng hangin n'ya ang apoy na ginawa ko. Nandito kami ngayon sa isa sa mga training room sa Main building. Wala s'ya dapat dito pero kinailangan ko ng kalaban para sa training ko. Isa pa, mukhang wala s'yang magawa ngayong araw na ito kaya sinasabayan n'ya ang trip ko. "Halatang wala ka sa sarili." Naka-poker face pa s'ya at naupo sa sahig. Tinanggal ko din ang moon orb ko at naupo din. "Wala talaga." Mula pa kanina nang umalis ako sa opisina ni GrandMaester ay masama na ang timpla ko. Hindi ko nagustuhan ang paraan nila pero katulad ng dati ay wala akong magawa. "Ngayong alam mo na ang lahat. Siguro naman ay sapat ng dahilan iyon para dumistansya ka kay Donna. Hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa inyo but do