Donna's Pov: Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Crayon. He's someone else. Hindi na s'ya ang dating Crayon na kilala ko. Malamig ang mga mata n'ya, hindi din nakatulong ang nakakatakot na aura na inilalabas n'ya. Death. Iyon ang ipinagsisigawan ng aura at kapangyarihan n'ya. He's superior, sila nina Queven at Bernadette. Nakahihigit sila sa amin, lalo na sa antas ng kapangyarihan at kontrol sa kakayahan, alam ko iyon. Pero ni kahit minsan ay hindi n'ya ipinaramdam sa akin na nasa itaas s'ya, na naiiba s'ya. Ngayon lang. Pakiramdam ko ay umalerto lahat ng bahagi ng katawan ko nang muli s'yang humarap sa akin. "I'm telling you... Hindi na ako magpipigil mula sa oras na ito," he said, colder than ice. Hindi ko man gusto ay nakaramdam ako ng takot. Nasa mga mata n'ya ang kasiguraduhan