PROLOGUE

1498 Words
Donna's Pov: Muli kong pinag-aralan ang paligid. Kada umaga, pagkagising ko pa lamang ay nakagawian ko na ang pag-oobserba sa paligid. Umaasang isang araw, magbabago ang paligid ko. Na mawawala ang maitim na usok na bumabalot sa buong paligid at pumapatay sa mga patay nang puno at halaman. Na mawawala na ang nakakatakot na dala ng kadiliman na sumasakop sa kabuuan ng langit. Na mababago at magiging maayos ang pamumuhay namin. Na hindi na namin kailangang magtago sa kung anumang panganib na laging sinasabi nina Papa. Pero walang nagbago. Ganoon pa din ang lahat. Mula sa unang beses na magmulat ako ng mga mata dito hanggang sa naintindihan ko ang mga bagay-bagay. Hanggang sa mga oras na ito. Walang nagbago at mukha ngang mas lumala pa ang kadilimang lumalaganap sa buong Libyn. Kahit na sasampung taong gulang pa lamang ako ay naiintindihan ko na ang mga nangyayari sa paligid ko. Maging ang mga palihim na pag-uusap nina Papa at ng iba pa kasama ng kakambal kong si Zen. Nagsimula lang naman silang mag-usap ng palihim nang lumabas ang simbolo sa may batok ko. Katulad ko ay may kapareho ko ding simbolo si Zen. Ganundin ang lahat ng nandito, pare-pareho ang simbolong mayroon kami. Kakaiba nga lang ang sa amin ni Zen, para kasing literal na buhay ang liwanag at kadilimang mayroon sa simbolo namin. Alam ko din kung sino at ano ako. Bata pa lamang ay naipaliwanag na sa amin ni Uncle Braham ang mga dapat naming malaman. S'ya ang nagtataglay ng kakayahang mag-restore ng mga pangyayari na nasaksihan n'ya at mga alaalang ipinasa sa kanya ng mga ninuno n'ya o tinatawag na Mind Regeneration. We are Mongrels. Pero hindi ako sang-ayon sa description n'ya sa lahing pinagmulan namin. He told me, kasama ang mga ilang batang nandito din sa Libyn that we Mongrels are mixed blood. But we're not. Cursed Blood. That suits us better. Dahil base sa mga kwento n'ya, pinangingilagan kami ng mga nagmula sa iba pang kaharian. Maging dito sa sarili naming kaharian ay parang mga kriminal na nagtatago kami. Ang ilalim ng mga bulkan at pinakailalim na parte ng mga kweba ang naging tahanan namin sa mahabang panahon. Kung tutuusin iilang pamilya lamang kami na nandito. Noong una ay hindi naman mahigpit sa amin ang mga matatanda. Pero nitong nakaraan ay halos hindi na nila kami palabasin sa kweba. Sabagay, wala namang pinagkaiba ang tanawin dito sa labas at sa loob ng kweba. Parehong nababalot ng kadiliman. Walang buhay. At hindi makikitaan ng kahit anong senyales ng pag-asa. "Donna!" Napatingin ako sa isang batang lalaking tinalagang maging taga-bantay ko sa lahat ng oras. "Nandito ka na naman. Kapag nalaman nila na umakyat ka na naman dito, siguradong mapapagalitan ka na naman." Tiningnan ko lang si Dice at muling tiningnan ang paligid na nasisilip ko mula sa may kalakihang siwang dito sa bukana ng kweba. "Naisip ko lang Dice, kung ano ang buhay natin kung wala tayo sa lugar na ito," wala sa sariling sabi ko. Hindi ko s'ya madiretso na kakaibang takot na ang dala sa akin ng kadiliman. Ilang sandali ding nanahimik s'ya bago sumagot. "H'wag kang mag-alala sa oras na maging tagumpay ang pakikisalamuha ko sa mga tao sa pupuntahan ko babalikan kita dito at kukunin." Napatitig ako sa nangungusap na asul na mga mata n'ya. Punong-puno iyon ng kislap at pag-asa. "Paano kung hindi ka na makabalik dito o kung makabalik ka man ay wala na ako dito?" Nagdesisyon kasi ang magulang at ilang matatanda na iaalis ng Libyn si Dice at ang ilan pang bata. Ngayon ang araw na iyon. Para magkaroon ng normal na buhay ang ilan sa amin. Delikado daw ang gagawin nilang pag-alis sa lugar na ito kaya ilan lamang ang mga maiisama. Dice held my hand. "Pangako iyon. Anumang mangyari, babalikan kita." Tumango na lang ako sa kanya. Namulat na ako sa katotohanan na sa mundong ito, lalo na sa lugar na ito na kinamulatan ko na walang permanente. Hindi ko kailangang umasa dahil pagkabigo lamang ang magiging resulta niyon. "Halika na," mabilis na sabi n'ya at inalalayan akong bumaba sa batong inuupuan ko. Ngunit bago pa ako tuluyang makababa ay nanigas na ang katawan ko. Kasabay ng napakadilim at napakasamang presensya na nasa likuran ko. Na-estatwa din si Dice at nanlalaki ang mga matang napatingin sa likuran ko. Gusto ko ding tingnan ang may-ari ng nakakatakot na presensya na iyon pero hindi ko magawang lumingon. Panganib ang isinisigaw niyon. Purong kadiliman kaya maging ang katawan ko ay nanlamig. Agad na nakabawi si Dice, kumilos s'ya at mabilis na hinila ako papunta sa likod n'ya. Kitang-kita ko ang itim na nilalang na puro butas ang katawan. Nanlilisik ang mga matang nakatingin s'ya sa amin. "What are you?" asik ni Dice. Umikot din sa amin ang mapusyaw na asul na aura n'ya. Nanatiling nakatingin sa amin ang nilalang. Humakbang s'ya at mahigpit na humawak sa malaking bato. Mas lalo akong nakaramdam ng panlalamig nang maramdaman ang komplikadong presensya na ibinibigay ng nilalang. Madilim. Malamig. Nakakaakit. Wala sa loob na napahakbang ako palapit sa nilalang. "Donna!" Mabilis na hinawakan ni Dice ang braso ko at pilit akong ibinabalik sa likuran n'ya. "He's hurting," mahinang sabi ko at itinuro ang nilalang. May kung ano sa kanya na umaakit sa akin. Kinakalma ng kadilimang nagmumula sa kanya ang kalituhang nararamdaman ko sa loob ko. Itim na itim ang kabuuan n'ya. Pero malinaw na nakikita ko ang unti-unting pag-agos ng itim na usok mula sa ibabang bahagi ng katawan n'ya. "He's in pain," sabi ko. Kasabay ng paghandusay ng nilalang sa harap ko. Itinaas pa n'ya ang butas-butas na kamay at pilit na inaabot ako. "Don't!" Muli akong pinigilan ni Dice pero hindi ako nagpapigil. Nginitian ko lang ang kababata ko at tuluyang lumapit sa nilalang na nagiging itim na usok na. Umupo ako sa harap nya at marahang itinaas ang kamay ko. "You're hurting..." Hindi sumagot ang nilalang bagkus ay tumingin direkta sa mga mata ko. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o nginitian n'ya talaga ako. Nakarinig ako ng mga yabag. At ng nagpa-panic na boses ng mga magulang ko. "Hollow!" Narinig kong sabi ng isa sa mga matatanda. "Baby, stay away from him!" Nanginginig ang boses ng ina ko. Walang muwang na tiningnan ko lang sila. Lahat sila, larawan ng takot at pagkagulat. May pagkamuhi din sa mga mata nila. "He's harmless... I'm comfortable with his presence," inosenteng sabi ko na nakapagpalaki ng mga mata nila. Hindi ko na lang sila pinansin pa at muling binalingan ang nilalang na nakahandusay sa harapan ko. Mistula na s'yang naaagnas. Naging usok na lang ang kalahati ng katawan n'ya. Maging ang mga kamay n'ya ay nagiging itim na usok na. He's fading. There's something with him that attracts me. Pero wala akong maramdaman kundi kadiliman ng aura n'ya. "You're fading," inosenteng sabi ko at hinawakan s'ya. The adults called me pero hindi ko sila pinakinggan. "Anong nangyayari?" Ilang pares ng paa pa ang dumating. "Donna!" I heard my twin called me. Pati ang kamay n'yang humila sa akin palayo sa nilalang. Niyakap ako ni Zen at mabilis na inilagay sa likuran n'ya. Namamanghang napatingin ako sa nilalang na hinawakan ko. He's not fading anymore. Ang mga itim na usok na nawala sa kanya ay kusang bumalik. Muling nabuo ang itim na itim na katawan n'ya. Hindi lang iyon maging ang mga butas ng katawan n'ya ay napunan. "Wow..." Natutuwang tiningala ko ang nilalang na nakatayo na ngayon sa harap namin. Itim na itim ang katawan n'ya. Pero agad ding nag-c***k ang buong katawan n'ya at parang buhangin na humiwalay ang itim na kulay n'ya sa mismong katawan n'ya. Nawala iyon, napalitan ng katawan ng tao. "Anong nangyayari?" mahinang tanong ni Zen. Mahigpit din ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko. Tumutok sa akin ang mga itim na mata ng nabuhay na nilalang. "Milady." Agad s'yang yumukod at lumuhod sa harapan ko. Inosenteng tiningnan ko lang s'ya. Katulad na namin ang kanyang itsura. Maliban sa dalawang braso n'yang napapaikutan ng mga itim na simbolo. Maging ang kasuotan n'ya ay itim na itim din. "Ako si Erebus, ikinagagalak kong makilala ang nilalang na lumikha sa akin," sabi pa n'ya at tiningala ako. Nakangusong tiningnan ko s'ya. Napatingin ako kay Zen nang itaas ni Erebus ang kamay n'ya. Pa-simpleng umiling ang kakambal ko. Nang tingnan ko ang mga matatanda at mga magulang namin ay umiling din sila. Muling tumutok kay Erebus ang mga mata ko. Kusang kumilos ang kamay ko at iniabot iyon sa kanya. Sa pagdidikit ng mga kamay namin ay muli kong naramdaman ang presensyang nagmumula sa kanya. Evil. Wicked. Darkness. Kadilimang tila tumatawag sa akin. Kadilimang tila pumupuno sa kakulangang nararamdaman ko sa loob ko. I don't know why pero naramdaman ko ang tila tahanan mula sa kadilimang binuhay ni Erebus sa akin. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD