Chapter 1- Haunted

1560 Words
Donna's Pov: Muling binalot ng walang hanggang kadiliman ang buong paligid. Sa batang isip ko ay namamangha pa din ako kung paano pang nagiging mas madilim ang dati nang itim na itim na paligid. "Handa ka na?" Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang malingon ang kakambal ko. "Ready na ako! Excited na din ako!" Kumikislap ng mga matang ginulo n'ya ang buhok ko. "Ito na iyon Donna." Tumango ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay n'ya. Ito ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung saan magsisimulang mabago ang kapalaran ko at ang araw na sumibol ang pag-asa sa puso ko. Ang araw ng pag-alis namin sa lugar na ito. Ang araw na lilisanin namin ang isinumpang kaharian ng Libyn. Tatlong buwan na ang nakakaraan mula nang umalis sina Dice at ang iba pa para mamuhay ng normal sa labas ng Libyn, kasama ang mga ordinaryong tao. At ngayon, kami naman. Katulad ng napag-usapan ng mga matatanda ay susunod kami sa kanila. Kakaunti na lamang ang lahi namin kaya mas makabubuti kung sama-sama kami. "Humanda na ang lahat, ang mga bata manatili sa gitna." Mabilis na nagsisunudan kami sa utos ni Uncle Ignacio, s'ya ang tumatayong pinuno sa amin. Magkahawak ang kamay na pumagitna kami ni Zen sa magulang namin, ganundin ang iba pang ka-edadan namin. Ang iba namang matatanda ay minabuting pumwesto sa harap at likuran ng grupo. Marami din kami, sampu kaming mga bata at nasa tatlumpu ang mga matatanda. Nagsimula na kaming kumilos palabas ng kweba. Halos gumilid din kami sa mga puno para lamang itago ang presensya namin sa mga kakaibang nilalang na nasa paligid. May kalahating oras na din yata kaming naglalakad nang halos lahat kami ay mapatigil. Mabilis na kumilos ang matatanda at pinalibutan kami. Muli naming naramdaman ang nakakakilabot na lamig. At halos maiyak ako nang dumampi sa balat ko iyon. It sent shivers on my bones. Parang tumagos iyon sa mga laman ko at diretsong naramdaman ng kaloob-looban ko. Halos manginig ako sa takot. Ramdam na ramdam ko ang kadilimang dala ng hangin. Pinalambot niyon ang mga tuhod ko. Naramdaman naman agad iyon ni Zen at niyakap n'ya ako. "Calm down." Ilang sandali din naming naramdaman ang kadilimang dala ng hangin. Nagsusumigaw ang kasamaang dala niyon. "Masaya akong makita kayo." Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang boses. Malamig iyon at kalmado pero ramdam ko ang panganib na dala niyon. Hindi namin agad nakita ang may-ari ng boses na 'yon. Itim na usok lang ang nagpa-ikot ikot sa harapan namin. Maya-maya pa'y tumigil ang itim na usok sa pagpapaikot-ikot at komorte sa isang nilalang. Isang tao. Nakalutang s'ya sa ere na para bang bumaba mula sa maitim na langit. Nakangiting tumapak s'ya sa lupa at sinuyod kami ng tingin. Matangkad s'ya at matipuno. Maamo ang mukha at may mga itim na itim na mata. Pero mas nakadagdag iyon ng takot sa akin. "Noldren..." Lahat kami ay napalingon kay Uncle Braham, s'ya at ang anak n'yang si Hanzel na kasama sa grupo nina Dice ang tanging natitira sa angkan ng mga Ryudus, ang angkang nagtataglay ng abilidad na Memory Regeneration. "Ikinagagalak kong makita ang bagong henerasyon ng lahi natin," sabi pa ng tinawag na Noldren at kumilos palapit sa amin. "Hanggang d'yan ka na lang!" Uncle Ignacio stepped in. Ganundin ang iba pang matatanda. Kitang-kita ko ang gulat at takot sa mga mukha nila pero nandoon din ang determinasyon na lumaban. "Ganyan ba ang tamang pakikipag-usap sa isang maharlika ng mga Mongrel?" the man asked. Mas naguluhan ako. Isa s'ya sa amin? Siguro nga dahil malakas ang koneksyong nararamdaman ko mula sa kanya. Pero bakit iba ang ikinikilos ng mga kasama namin? "Matagal nang patay ang lahat ng miyembro ng maharlika ng mga Mongrel," mariing sabi naman ni Tito Manuel, ang ama ni Dice. Pinili n'yang paunahin ang anak n'ya at sumama sa grupo namin. Umiling-iling lang ang lalaki. "Wrong. I am here, alive and I need you all of you para ibangon ang lahi natin. We'll make them pay," mapanganib na sabi ng hindi inaasahang bisita. Hindi ko gusto ang ngising nasa mukha n'ya. Walang sumagot. Pero lahat ng matatanda ay naglabas ng sandata kaya mas nakaramdam kami ng takot. "Oh, I see. Aalis kayo sa kaharian n'yo para makipagsapalaran sa lugar ng iba. Akala n'yo ba ay papayagan ko kayo?" Nakangising pa s'yang tumingin sa amin. "Anong kailangan mo?" my father asked. Tumuon sa kanya ang mga mata ng lalaki. "Oh, it's you. Ang nakalagay sa matandang propesiya ng mga Mongrel na magiging magulang ng batang nagtataglay ng madilim na kapangyarihan ng Tao'. No need to be shocked, ibang-iba ang aura mo sa lahat ng narito. Madaling malaman iyon." Pakiramdam ko ay sinuntok ako sa sikmura sa narinig. Hindi ko maintindihan ang sinasabi n'ya. Isa lang ang malinaw, ang simbolo ng Tao' o YinYang. Ang simbolong mayroon ang lahat sa lahi namin. Pero may dalawa sa amin ang nagtataglay ng tila buhay na simbolo, ako at si Zen. "Papayagan kong makaalis kayo dito nang hindi nasasaktan. Pero kailangang maiwan ng iba." Nagsimulang magtuturo ang lalaki. Labinlima sa mga matatanda ang itinuro n'ya kasama ang magulang namin at sina Uncle Braham at ang iba pa na nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Zen at ng ama ko. Iyon nga lang, sabay nilang binitawan ang kamay ko. I want to call them pero sinenyasan ako ni Zen na manahimik. "At ang anak mo," sabi ng lalaki at itinuro ang ama ko. Nanigas ako. Pakiramdam ko ay tumigil sa pagdaloy ang dugo ko. Sino sa amin ni Zen? At ano ang kailangan n'ya mula sa akin o sa kakambal ko? Humapdi ang mga mata ko nang kumilos si Zen. Lumapit s'ya sa nilalang. Hindi ko din maintindihan kung bakit sa halip na protektahan ay binigyang-daan pa ng matatanda ang kapatid ko. Nang tingnan ko ang aking ina ay malungkot ang ngiting tumango s'ya sa akin. She's telling me that it's okay. Muli ko na namang naramdaman na may inililihim ang lahat sa akin. "Anong kailangan mo sa akin?" my twin asked, coldly. Napangiti ang lalaki. "Ikaw nga. Those deep blue eyes." Pinayagan ng lalaking magpatuloy ang grupo namin ngunit maiiwan ang mga pinili n'ya at ang kakambal ko. "Ikaw na ang bahala, Manuel." Dinig ko pang bilin ni Uncle Braham. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may sekretong bilin sa sinabi n'ya. Nagsimula kaming kumilos palayo sa kanila. Gusto kong tawagin ang magulang at kapatid ko pero parang may pumipigil sa katawan ko na kumilos, ni sumigaw ay hindi ko nagawa. Hanggang sa lamunin sila ng itim na usok at tuluyang mawala. "Donna." Malamig na kamay ang gumising sa akin. Mula sa bangungot na iyon. Alam kong panaginip lang iyon pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako niyon pinapatahimik. Hinahabol pa din ako at hindi ko magawang gumising mula doon. Isang nilalang lang ang nagagawang bumawi sa akin mula sa mapait na bahagi ng nakaraan ko. "Erebus..." Mula ng araw na tulungan ko s'yang makabalik sa anyo n'ya ay sumumpa na s'ya ng katapatan sa akin. "I am a part of you. Hanggat nand'yan ka, mananatili ako." Tanda ko pa ang mga salitang iyon mula sa kanya. Aparisyon lang s'ya sa hangin sa mga ganitong pagkakataon. Pero sa oras na may sapat na kadiliman, nagkakaroon na s'ya ng pisikal na katawan. Iyon nga lamang, dahil nasa eskwelahan ako at sa mga nangyari, minabuti n'yang manatili bilang aparisyon na lamang muna. Para maiwasan na din ang takot ng iba pang estudyante. Lalo na't kakaunti lang sa kanila ang tanggap na ang pagkataong meron ako. "Ngayon na ang araw na magbubukas ulit ang eskwelahan. Maghanda ka na at baka mahuli ka pa," muling sabi n'ya. Nginitian ko lang s'ya. He's a friend. Ang tanging nilalang na nakakaintindi ng sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko ang presensya n'yang dumampi sa pisngi ko bago s'ya tuluyang naglaho. Bumalik na naman s'ya sa pagkakatulog sa pinakailalim ng kamalayan ko. Doon s'ya nagtatago. Dahil dito sa Saint Runes, sa kaloob-looban ko lang may makikitang kadiliman. Tumayo ako at lumapit sa nakabukas na bintana. Tinanaw ko ang may kadiliman pang langit. Iba na ang paligid ko. Nasa ibang lugar na din ako. Nagtagumpay akong makalayo sa madilim na kaharian ng Libyn. Pero bakit parang hinahabol pa din ako ng kadiliman? Bakit parang hindi naman yata ako nakalayo? Hindi ko pa naiintindihan ang mga nangyari noon. Pero iba na ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Kung ano at bakit nangyari ang mga iyon. Malinaw na sa akin. Ako ang batang kailangan ng anak ng sinaunang Head Mongrel. Alam iyon ng iba pa pati na ng magulang ko. Ako ang nagtataglay ng kapangyarihang bumuo ng mga nawasak na. Bumuhay sa mga lumisan na. Kapangyarihang may bahid ng kadiliman at kasamaan. Iyon ang dahilan kung bakit sinakripisyo ni Zen ang sarili n'ya. Kung bakit pinili n'yang ipagpalit ang maayos na buhay n'ya sa puno ng pait at lungkot na buhay sa Libyn. Planado nila ang lahat. They all care for me. Naiitindihan ko ang ginawa nila. Iyon ang makakabuti sa lahat. Pero pakiramdam ko ay iniwan nila akong lahat. Mag-isa sa dilim. Nangangapa. Umiiyak at nanginginig sa takot. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD