Donna's Pov: May ilang oras na yata kaming nagpapalakad-lakad sa loob ng gubat pero parang hindi naman kami lumalayo sa bukana noon. Na para bang napapagod lang kami pero hindi kami umuusad. At kahit saan kami magpunta ay parang hindi naman kami nakakalayo. Nangungunot na ang noo ni Jiro nang muli s'yang tumingala sa maaliwalas na kalangitan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip n'ya pero nagpapasalamat akong mahaba ang pasensya n'ya sa mga ganitong sitwasyon. "This forest is trapping us." Maya-maya pa ay sabi n'ya. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko. Pare-parehong clueless sa kung papaano makakalabas sa kagubatang ito. "Mukhang hindi tayo ganoon kadaling makakaalis dito." Problemadong segunda ni Daesuki. Naupo s'ya sa damuhan at pumitas ng isang bulaklak. "Oy, bakit mo pinitas? Hind