JULIE
“NO! hindi to totoo!” malakas na sabi ko matapos basahin yung sulat na iniwan ni Mama.
Hindi ako iiwan basta-basta ng Mama ko. Nananaginip lang ako. Hindi totoo to! Pilit kong sinasampal yung sarili ko dahil umaasa akong magigising ako sa bangungot na to, pero wala eh, ang pula-pula na ng pisngi ko pero hawak-hawak ko pa rin tong sulat na to.
Noon lang bumuhos yung mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa sampal o dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari, na inabandona ako ni Mama. Kagabi lang katabi ko pa syang matulog. Masaya pa sya kase nakagraduate na ko, makakatulong na ko sa kanya sa pagtatrabaho.
Pero bigla nya akong iniwan. At ang masama pa nito, kailangan kong tumira sa bahay nung kaibigan nya. Hindi daw nya kasi nabayaran yung rent dito sa apartment kaya kailangan ko na daw umalis sa lalong madaling panahon. Mamaya daw, susunduin na ako dito nung driver ng kaibigan nya. Sabi pa nya, wag na wag daw akong aalis sa bahay ng mga ito dahil dun daw nya ako babalikan.
Nanghihinang napaupo na lang ako sa sahig. Hindi ko alam kung anong nangyari, kung bakit ako nag-iisa ngayon at kung bakit umalis si Mama ng walang paalam.
Nasa ganung posisyon ako nang biglang bumukas yung punta. Nag-aalalang mukha ni Krissa yung nabungaran ko. Agad nya akong nilapitan at iniupo sa sofa.
“Sis anong nangyari? Bakit bigla kang sumigaw? At bakit ka umiiyak?” sunud-sunod na tanong nya.
Umiiyak pa rin na inabot ko sa kanya yung iniwang sulat ni Mama. Halos nanlaki din yung mata nya habang binabasa yung sulat. Pagkatapos basahin ay malungkot na iniabot nya ito sa akin.
“Gusto mo sis, sa bahay ka na lang muna?” sabi pa nya.
Umiling-iling naman ako.
“Sis, gusto ni Mama dun muna ako tumuloy sa bahay nung kaibigan nya. Ayokong magalit sya sakin pag nalaman nyang hindi ko sya sinunod” naiiyak pa rin na sabi ko.
“Pero hindi mo sila kilala, papano mo sila papakisamahan?”
“Hindi ko alam pero sabi ni Mama, mababait naman daw sila at may anak daw silang babae at lalaki na naging kaibigan ko daw nung bata ako. Naging bestfriends pa nga daw kami nung anak nilang babae eh”
“Ah so kilala mo sila?”
“Hindi eh, wala din akong matandaan sa sinasabi ni Mama. Pero bahala na. Kung eto yung gusto nya, susundin ko na lang. At umaasa ako na babalikan nya agad ako doon.”
“Basta sis kung hindi ka welcome don, tawagan mo lang ako, sa bahay ka na lang muna, ok lang naman kay mommy and daddy kung dun ka titira eh” nakangiting sabi nya.
Agad ko naman syang niyakap.
“Salamat sis ha! The best ka talaga. Buti na lang talaga ikaw yung naging bestfriend ko”
“Oo bestfriend mo na bigla mong iniwan sa ere” biro nito.
“Sis, hindi naman ikaw yung tinalikuran ko eh, yung paglalaro lang ng volleyball” sabi ko sa kanya sabay pisil sa ilong.
“Aray naman sis! Pero seriously, hindi na kami nanalo simula nung umalis ka sa team nung isang taon.”
Bigla namang napalitan ng galit yung kaninang lungkot ko dahil sa pagpapaalala nya sa mga nangyari nung isang taon.
“Alam mo naman kung bakit bigla akong umalis diba?” galit na sabi ko.
“Sis, hanggang ngayon ba naman, galit ka pa rin kay Danielle?” natatawang tanong nito. “Halos isang taon na yung lumipas ah. At hindi na naman kayo nagkita ulit after nung incident”
“Kahit na sis! Sinira nya yung buong pagkatao ko! Ilang buwan din akong pinag-usapan at halos pandirihan non sa school dahil sa ginawa nya. At si Marky, kahit anong pagmamakaawa yung gawin ko non, hindi na nya ulit ako tinanggap. Ang masakit pa, sinabi nyang manloloko ako at ipagpapalit ko rin lang sya, sa kapwa ko babae pa.”
“Sis—“
“Sis, kung hindi nya ginawa yon, masaya pa sana kaming dalawa ni Marky. At hindi ko sana tinalukuran yung volleyball. Alam mo naman na pangarap namin ni Mama na makilala ako bilang magaling na volleyball player, pero dahil sa bwisit na babaeng yon, nasira yung buhay ko!”
“Pwede ka pa namang maglaro ulit diba? May mga try-outs naman sa PSL and Shakey’s V-league diba?”
Umiling naman ako.
“Ayoko na sis, mukha lang nung bruha yung naaalala ko pag naglalaro ako ng volleyball.”
“Sus, idol mo naman dati yon!”
“Dati sis! Nung hindi ko pa alam kung gaano kasama yung ugali nya!”
“Pano sis kung bigla kayong nagkita ulit, anong gagawin mo?”
“Sis pwede ba namomroblema ko sa pagkawala ng Mama ko kaya ayoko munang isipin yang babaeng yan, kumukulo lang yung dugo ko eh”
“Sige na nga. Sorry na, hindi ko na ulit sya babanggitin.”
Ilang saglit pa ay may narinig kaming katok kaya agad itong binuksan ni Krissa.
“Magandang hapon, kayo po ba si Ms Julie Concepcion?” nakangiting tanong nung manong.
“Hindi po ako, sya po” sagot naman ni Krissa sabay turo sakin.
Ngumiti naman si manong sakin.
“Magandang hapon po, ako po yung pinadalang driver nila Mr and Mrs San Jose para sunduin po kayo” sabi nito.
Agad naman akong tumango.
“Pasok po muna kayo manong, kukunin ko lang po yung mga gamit ko” matamlay na sabi ko dito.
“Hindi na po, hihintayin ko na lang po kayo sa labas Ms Julie” sabi pa nito.
Pagkatapos ay umalis na ulit ito kaya naiwan ulit kaming dalawa ni Krissa. Tinulungan din nya akong mag-ayos ng gamit.
“Pano ba yan sis, ang layo mo na sakin.” naiiyak na sabi nito.
Katabi lang kasi ng apartment namin yung bahay nila Krissa kaya araw-araw kaming magkasama. Nalulungkot din ako kase hindi na kami madalas magkikita ng bestfriend kong to. Sobrang mamimiss ko sya.
“Sus, pwede pa rin naman tayong magkita sis, wag ka nang madrama dyan, naiiyak din tuloy ako eh” natatawang sabi ko sa kanya.
“Basta ako pa rin yung bestfriend mo ha! Wag mo kong ipagpapalit dun sa childhood friend mo!”
“Oo naman no! Ikaw lang sis! Sabi ko naman sayo, hindi ko matandaan na naging kaibigan ko yung anak nung kaibigan ni Mama eh”
“At in fairness sis, mayaman ang kukupkop sayo. May sariling driver o, bongga!
“Oo nga eh, kaya medyo kabado ako. Papano kung imaltrato nila ko don?”
“OMG oo nga sis! Tapos mapanood ko na lang sa TV na inaanod yung bangkay mo sa ilog pasig.” OA na sabi nito.
Bigla ko naman syang binatukan.
“Sis, ang morbid ng iniisip mo! Patay agad?”
“Eh hindi pa naman tayo sure kung yun talaga yung mangyayari”
“Bwiset! Unahin kita dyan eh!”
“To naman, hindi na mabiro. Ayoko lang kasing magkaiyakan tayo dito no!”
“Eh ikaw lang naman yung umiiyak eh”
“O sya halika na, sabay na tayong lumabas. Aalis din kasi ako, may practice kami ngayon, may laban kami sa Philippine Army bukas, kung pwede kang manood, punta ka ha! May tiket ako para sayo”
“Army? Eh diba yun yung team ni---“
“Korek!”
“Wag na, hindi ako manonood. Ayoko syang makita”
“Ay sus! Ang bitter pa rin”
“Tse! Sige na, aalis na ko. Tawagan na lang kita pag nandun na ko”
“Sige, ingat sis ha!” sabi nito pagkatapos ay pumasok na sa bahay nila.
Tinulungan naman ako ni manong driver na buhatin yung dala-dala ko. Pinagbuksan nya din ako ng kotse. Ay taray. Feeling ko ang taga alta-sosyedad din ako. Like you know, the conyo peeps.
“Salamat po manong” nakangiting sabi ko dito.
“Walang anuman Ms Julie. Grabe, ang laki-laki mo na, halos hindi nga kita nakilala kanina. At ang ganda mo na ngayon”
“Kilala nyo po ako?”
“Oo naman po. Halos araw-araw ko po kayong sinusundo sa bahay nyo para ihatid sa bahay nila ma’am. Lagi po kasi kayo nong naglalaro ni Senyorita Da---“
Hindi na nya natapos yung sinasabi nya dahil bigla akong nagsalita.
“Sorry po manong ha kung hindi ko kayo pinatapos, nagtataka lang po kasi ako kung bakit hindi ko maalala yung sinasabi nyo eh”
“Tama nga yung Mama mo, hindi mo na nga kami naalala. Ako si Eddie Ms Julie. At ang tawag nyo sakin non ni Senyorita Dan-dan, Lolo Eddie”
“Lolo Eddie? Dan-dan?” Shoot! Wala talaga kong maalala.
“Ok lang po kung hindi nyo na kami maalala Ms Julie. Ang mahalaga ngayon, magkikita na ulit kayo ni Senyorita Dandan” nakangiting sabi nito.
“Ahm, pwede ko pa rin po ba kayong tawaging Lolo Eddie?”
“Oo naman po!” masayang sabi nito habang patuloy na magmamaneho.
“Lolo Eddie, close po ba kami talaga nung Dandan?”
“Sobra po! Halos hindi nga po kayo mapaghiwalay nung mga bata kayo. Kaya lang kinailangan nilang umalis non papuntang America kaya nagkahiwalay kayo ni Senyorita.”
Tumango-tango lang ako kay Lolo Eddie.
“Pagbalik nga po nya dito sa Pilipinas four years ago, kayo po agad yung hinanap nya kaya lang nalaman nga namin sa Mama mo na wala ka nang matandaan sa nangyari nung bata ka pa”
“So nandyan po ba sa bahay si Dandan?” excited na tanong ko.
Para kasing bigla akong naexcite na makilala yung bestfriend ko nung bata. At natuwa din ako nung malaman na ako agad yung hinanap nya nung umuwi sila galing states. Sigurado kong mabait yun kaya ko sya nakasundo. Sana maging close ulit kaming dalawa.
“Nandito na po tayo Ms Julie” narinig kong sabi ni Lolo Eddie.
“Julie na lang po Lolo Eddie” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, ang bait mo pa ring bata ka. O sya, pumasok ka na sa loob at hinihintay ka na nila ma’am at sir. Si Senyorita Dandan, susunduin ko pa lang. May practice sila ngayon eh.
“Practice po saan?”
“Sa---“
Hindi na naituloy ni Lolo Eddie yung sasabihin dahil biglang may nagsalita sa likod ko.
“Julie hija? Ikaw na ba yan? Ang laki mo na! At tama nga si Elsa, lumaki ka ngang magandang bata” nakangiting bati sakin ng isang babae na halos kasingtanda ni Mama.
Napansin nya sigurong nakatingin lang ako sa kanya kaya bigla syang natawa.
“Nasabi nga pala samin ng Mama mo na hindi mo na daw kami natatandaan. Magpapakilala na lang ulit ako sayo. Ako si Tita Catherine mo” nakangiti pa ring sabi nya.
“Pasensya na po kayo ha pero wala talaga kong maalala.”
“Halika sa loob. Ipapakita ko yung mga pictures nyo ni Dandan”
Yaya nya sakin. Agad naman kaming sinalubong ng isang lalaki na malamang eh asawa nitong si Tita Catherine.
“Yan na ba si Julie natin?” nakangiting tanong nito.
“Yes dear. Kaya lang, hindi nya talaga tayo natatandaan.” Sagot ni Tita. “Julie, eto ang aking esposo, si Tito Daniel mo”
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Tito Daniel.
“Miss na miss ka na talaga namin hija. Lalo na si Dandan. Matutuwa yon pag nalaman nya na dito ka muna sa amin titira” sabi pa nito.
Napangiti naman ako.
“Eh diba po may isa pa po kayong anak?”
“Oh si JR, nasa states sya ngayon, pero uuwi sya next month”
Tumango-tango naman ako.
Nakangiti namang lumapit ulit samin si Tita Catherine na may dala-dalang mga pictures.
Napangiti ako nang makita ko yung pictures namin nung Dandan na magkasama. Pero parang familiar yung itsura nya. Parang nakita ko na sya. Parang si--- nah, hindi yan, siguro magkamukha lang sila.
“Oo nga pala hija, welcome na welcome ka dito sa bahay namin. Wala kang dapat alalahanin. Kaming bahala sayo” nakangiting sabi ni Tito Daniel.
“Ahm, pwede ko naman po sigurong pagtrabahuhan yung pagsstay ko po dito”
“Naku hindi kami papayag, hindi ka magttrabaho”
“Pasensya na po pero kung gusto nyo po talaga akong tumira dito, kailangan nyo pong pumayag na magtrabaho ako. Alam ko pong kakagraduate ko lang po pero mabilis naman po akong matuto. Pwede po akong magtrabaho sa company nyo” nahihiyang sabi ko.
Ayoko naman kasing maging pabigat sa kanila. Ayoko ko ding may maisumbat sila sakin balang araw kaya kailangan nilang pumayag na magtrabaho ako.
Nagkatinginan naman silang dalawa ay pagkatapos ay ngumiti sa akin.
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago anak, maprinsipyo ka pa rin. Parang nung bata ka pa” tatawa-tawang sabi ni Tito Daniel.
“Sige ganito na lang, wala pa kasing bakanteng posisyon sa kompanya ngayon pero kung gusto mo talagang magtrabaho, pwede ka sigurong maging assistant muna ni Dandan. Kakaresign lang kasi ulit nung huling assistant na kinuha namin sa kanya, medyo maldita kase at mataray yung anak kong yon. Pero nagkaganun lang yun mula nung bumalik kami galing states.” Sabi naman ni Tita Catherine.
“M-mataray po?” kabadong tanong ko.
“Wag kang mag-alala hija. Hindi ka naman siguro nya tatarayan lalo na pag nalaman nyang ikaw si Julie”
“At saka balita ko naglalaro ka din daw ng volleyball, magkakasundo talaga kayo ng anak namin.” Sabi pa ni tito Daniel.
“Opo pero tumigil na po ako sa paglalaro, mga isang taon na po”
“Oh, bakit ka naman tumigil sa paglalaro?”
“Mahabang kwento po-----“
“Mom! Dad! I’m here!” napatigil akong magsalita nang marinig ko yung familiar na boses na yon.
Oh no! Oh no! Oh no! Mr and Mrs San Jose, Dandan? Volleyball. OMG! Lord please sana hindi po sya. Sana hindi po sya.
“O andito na pala si Dandan eh” nakangiting sabi ni Tita Catherine.
“Mom, it’s Dani! Pambata lang yung Dandan. And isa pa, wala na dito yung taong nagbigay sakin ng nickname na yon.” Narinig ko pang sabi nya.
Shet! Wag kang lilingon Julie. Wag kang lilingon.
Sana talaga kaboses lang nya at kapangalan lang nya. No no no no no no no no please!!!!!
“Sino sya?” narinig ko pang tanong nito.
“Dani, natatandaan mo pa ba si Julie? Yung bestfriend mo nung bata at nagbigay sayo ng nickname na Dandan?”
“Julie hija, I want you to meet our daughter Danielle” sabi pa ni Tita Catherine.
Wala na kong nagawa kundi humarap sa kanila. Pero nakapikit ako habang humaharap sa kanila.
Please Lord, maawa naman po kayo, wag naman po sya please. Wag naman pong yung taong kinamumuhian ko.
Huminga muna ako ng malalim bago imulat yung mga mata ko. Alam nyo yung parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa, ganung-ganon yung naramdaman ko nang sya yung unang nakita ko pagmulat ko.
Oh no! Sya nga! Si Danielle San Jose nga!
At biglang bumalik sakin lahat ng galit na nararamdaman ko para sa babaeng nasa harap ko na nakangiti ng nakakaloko.
“Nice to meet you Julie” nakangiting sabi nya. Halos manlamig ako ng iniabot nya yung mga palad nya dahil nakita ko na naman yung mga ngiting yon.
“N-nice to meet you too Danielle” pilit ang ngiting sabi ko sa kanya.
Naramdaman ko na hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko kaya napangiwi ako. Pero paglingon ko sa kanya, painosenteng nakangiti lang sya.
“O halika na kayong dalawa at nang makakain na tayo at makapagkamustahan na rin” yaya samin ni Tito Daniel.
Napalunok naman ako habang nakasunod sa mag-asawa dahil ramdam na ramdam ko yung masama at madilim na aura ng taong nasa likod ko ngayon. Kailangan kong makaalis sa bahay na to sa lalong madaling panahon!
Hinding-hindi ako titira sa iisang bahay kasama ng Danielle San Jose na to!