Prologue
JULIE
1 year ago..
“Hey, bat ka nandito?” takang tanong ni Belle sakin.
“Malamang team captain nyo ko, alangan namang pabayaan ko kayo” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Pero diba anniversary nyo ngayon ni Marky? At pinagpaalam ka na nya kay coach.”
“Yeah pero ok lang naman siguro sa kanya kung sa ibang araw na lang namin icecelebrate yung anniversary namin” sabay pakawala ng pilit na ngiti.
Ang totoo nyan, bago ko pumunta dito sa school, nagsagutan muna kami sa phone. Hindi nya kasi maintindihan kung bakit kailangan kong maglaro ngayon. Matagal daw kasi nyang pinlano tong anniversary na to pero bigla ko na lang daw kinansel. Sabi pa nya, kung hindi daw ako pumayag noon, hindi naman daw nya itutuloy. Kaya nagulat sya kung bakit bigla na lang nagbago yung isip ko.
“Sure ka friend? Nakausap ko kasi sya the other day at excited na excited sya para sa date nyo”
“Ano ba, ok lang talaga, pwede pa naman naming ire-sched yun eh”
Nagulat ako nang biglang may humila sakin. Paglingon ko, si Krissa, yung bestfriend ko.
“Hoy ikaw babae, halika nga dito! Diba pumayag ka dun sa anniversary date na yon. Kasama pa nga tayo nung pinagpaalam ka nya kay coach diba? At tuwang-tuwa ka pa non! Sabihin mo nga sakin, kaya ba nagbago yung isip mo eh dahil----“
Napatigil sya sa pagsasalita dahil biglang nagsigawan lahat ng tao dito sa court. Dumating na pala yung team na makakalaban namin.
Biglang naglikot yung mga mata ko para hanapin yung taong kanina ko pa gustong makita. Napangiti ako nang makita ko syang naglalakad papalapit samin kasabay ng mga teammates nya. Pero syempre, hindi sya nakatingin sakin dahil sino lang ba ako? Isang hamak na fan lang nya.
“So tama nga ako?” bulong sakin ni Krissa.
“Huh?” painosenteng tanong ko.
“Na si Danielle San Jose yung dahilan kung bakit bigla mong kinansel yung date nyo ng boyfriend mo”
Nag-iwas naman agad ako ng tingin sa kanya.
“Sus, wag ka nga! Di no! Gusto ko lang talagang manalo yung team natin”
“Asus, wag ka nga! Alam ko kung gaano mo sinasamba yang babaeng yan! Pero hindi ako makapaniwala na kaya mong ipagpalit si Marky sa kanya.”
Natatawa ko naman syang hinampas dahil sa sinabi nya.
“Wag ka nga dyan! Parang pinapalabas mo naman na natotomboy ako sa kanya!”
“Bakit hindi ba?”
“Sis, sa ganda kong to, matotomboy ako sa isang Danielle San Jose?! No way! As in never!!” natatawang sabi ko sa kanya.
Nagulat ako dahil biglang nanlaki yung mata nya at ngumuso sa likod ko.
Shet! Napalakas ba masyado yung boses ko?
Halos nanginginig ako sa kaba at takot na humarap sa likod ko. Sana hindi sya, sana hindi sya, sana..
Pero paglingon ko, nakangiting mukha nya yung nabungaran ko. Pero ibang klaseng ngiti, yung nakakatakot, yung alam mong may hindi magandang binabalak.
“So are you sure, hindi ka matotomboy sakin? Kahit gawin ko pa to?”
At nanlaki yung mata ko ng bigla nya kong halikan sa harap ng maraming tao. At ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang may sariling buhay yung mga labi ko na tumugon sa mga halik nya. Gosh Julie, anong nangyayari sayo?
Halos habol ko yung paghinga ko nang maghiwalay yung mga labi namin. Noon lang ako biglang natauhan na nandito kami sa loob ng court at nakita ng lahat ng tao dito yung ginawa naming dalawa.
Napayuko lang ako habang pulang-pula yung mukha! God Julie, ano yun? Anong nangyari don? Bat ka pumayag?
“See guys?! May gusto nga sakin yung team captain ng volleyball team nyo.” Narinig kong sabi ni Danielle. “Pero sorry ha, kung ano man yung name mo, wala kang pag-asa sakin, I’m not into girls kasi eh. And kung magkakagusto man ako sa babae, hindi yung tipo mo. ” Pahabol pa nya na pang-aasar sakin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya tumakbo na lang ako palabas ng court habang umiiyak. Ang tanga-tanga mo Julie! Ang tanga mo!
Napatigil ako sa pagtakbo nang may mapansing tao sa harapan ko. At halos manigas ako nang makita ko si Marky sa harap ko na nakatingin lang sakin. Pero nakita ko sa mata nya ang magkahalong galit, sakit, at pandidiri. Don’t tell me nakita nya yung nangyari? Oh no!
“So kaya mo pala kinansel yung plano natin dahil lang gusto mong makipaglandian sa Danielle na yon?!” galit na sabi nya.
“No, it’s not what you think baby” umiiyak na sabi ko sa kanya.
“Hindi ako tanga at hindi ako bulag para hindi maintindihan yung nakita ko!!”
“Baby please, listen to me—“
“No! Tapusin na natin to. Happy anniversary na lang sayo! At wag na wag ka nang aasa na babalikan pa kita!” yun lang at tumalikod na sya sakin.
Halos napako naman ako sa kinatatayuan ko kaya kahit gustuhin ko man syang habulin, nanghihinang napaupo na lang sa damuhan.
Bakit? Bakit kailangang mangyari sakin to? Galit na pinahid ko yung mga luha ko.
Kasalanan mo tong lahat Danielle San Jose! I hate you! I hate you so much!!!!!!!!!!!!!