NANG makarating kami sa Mansion ng mga Zenger, unang bumaba si Master Kaiju at inalalayan niya akong bumaba sa kotse. Nagdadalawang isip pa nga ako kung kukunin ang kamay niyang nakalahad sa akin. Pero, kinuha ko na rin. Baka awayin ako ng isang ito. Lumaki ang aking mata ng makita ang pag-ring ng phone ko. Nakita kong tumatawag si Chef Rainer at hindi lamang iyon dahil nakita ko siyang tumatakbo palapit sa kotseng always naming ginagamit. Napasigaw ako. “Chef Rainer, nandito na po ako!” Malakas na sabi ko, maging si Master Kaiju ay nagulat sa aking ginawa. Napakamot ako sa aking buhok. “Sorry po,” kakamot-kamot kong sabi. Pero, okay lang dahil narinig ako ni Chef Rainer. Nakita ko ang pagbalik niya sa p'westo namin. “Sorry, Miss Isa! Hindi ko narinig iyong tawag niyo!” Nagulat ako