YCW - 16

1752 Words

NAKATINGIN lamang ako kina Blade and Blaze habang nagbubulungan sila sa isa't-isa. Kaya kinalabit ko si Blaze. “Anong gusto niyong gawin today?” pagtatanong ko ulit sa kanila. Nakita ang ngisi sa kanilang labi at nagkatinginan pa sa huli. “Um, swimming tayo, Mama!” Masaya niyang sabi sa akin at with matching action pa siyang nalalaman. “Swimming? Ayos lang ba sa inyo mag-swimming?” pagtatanong ko sa kanila at tinignan ko si Kenzo. “P‘wede ba sila?” pagtatanong sa kanya. Baka kasi bawal na sila maligo at mapagalitan pa ako. Pasado ala-dos na ng hapon pero mainit pa rin sa labas. Tumango siya sa akin. “Yes po, Miss Rhodisa. May bubong naman po ang pool sa Mansion kaya p'wede po sila.” Mahinahon na sabi ni Kenzo sa akin. “Tara na po, ihahatid ko na po kayo sa pool.” pagpapatuloy niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD