YCW - 28

2056 Words

HINDI pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Nasa harap ko si Master Kaiju ngayon. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya. “Master Kaiju, bakit nandito po kayo?” Nagtataka kong tanong sa kanya. “Susunduin ka. Tumawag si Rainer kay Kenzo na baka late ka niya maisundo dahil walang galawan ang kotse sa dinaanan niya. Kaya sinusundo na kita.” Kalmado niyang sabi sa akin. “Come on, Isa!” dugtong na sabi pa niya sa akin. Nakita ko ang hawak niyang payong kaya sumilong na ako roon. Hindi ako dumikit sa kanya dahil una ay nahihiya ako at pangalawa ay sobrang bango niya. “Closer, mababasa ka niyan.” Halos tumigil ang paghinga ko nang hawakan niya ang aking kaliwang balikat. Kita ko ang ugat niyang namumutok sa kanyang kamay. Ang haba ng mga daliri niya at ang laki ng kanyang kamay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD