YCW - 10

1787 Words

AFTER 30 minutes ay sinundo nga ako ni Mister Kenta. Hindi ko nga alam kung nakabisado ko ba ang wedding vows na binigay niya sa akin kanina. Nakayuko lamang ako habang papunta kami sa likod ng Mansion na ito. Gusto kong itanong kay Mister Kenta kung totoo ba ang sinabi ni Chef Rainer kanina, iyong tungkol sa Yakuza. Napatingin ako sa kanya at napayuko ulit. Pinaglalaruan ko ngayon ang aking daliri dahil sa kaba. “Anong gusto mong itanong, Miss Rhodisa?” Napataas ang tingin ko ng magsalita si Mister Kenta. “Ha?” Gulat na tanong ko sa kanya kaya inulit niya ang kanyang sinabi. “Um, t-totoo po bang angkan ng mga Yakuza ang mga Zenger?” Napayuko ako pagkasabi kong iyon. Bigla na lamang bumilis ang t***k ng aking puso. Dapat ba talaga tinanong ko iyon? Naghintay ako ng ilang segundo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD