Chapter 20.

2656 Words
After seven months. "Resha! Ang cute ng bago mo ah? Di ka nauubusan." Sabi ng isa sa mga ka trabaho ko. Magkakasabay kaming lumabas ng shop at nakita nila siguro na may sundo na naman ako. Tumawa ako bago kumaway sa kanila. Nakangiti ako'ng lumapit kay Gerard. Lalabas kasi kami nila Neil ngayon, pero si Gerard ang nag sundo sa akin. Hiniram nya yung lumang kotse ni Neil. Ibinibigay na iyon ni Neil sa kanya dahil hindi nya na rin naman daw nagagamit pero ayaw ni Gerard, kaya hiram lang daw. Nag beso kami at inalalayan nya ako papasok sa kotse. "So saan ang plano ngayon?" I asked while wearing the seatbelt. I spent the last five months just having fun, mostly with Neil, Dion and Gerard. Naging busy na sila Nella and the others sa kanya kanyang venture nila although once or twice a month ay nagkikita pa rin kami. This is one of those times na spontaneously na nag aya sila Neil na mag out of town kami at para masulit ay magdala na lang ako ng damit pagpasok para susunduin na nga lang ako after work. And I honestly, I got used to this. Dadaan kami sa condo ni Dion, doon muna ang mga sasakyan ipapark and then magte take kami ng cab papunta terminal. We don't usually use their cars, depende kung malapit lapit lang. "Bataan tayo. Ewan ko sa dalawa, doon daw nila gusto pumunta." Kibit balikat na sagot ni Gerard. Tumawa ako. "Okay lang, sila mas may alam eh." All packed naman na sila Dion at Neil when we arrived on Dion's condo. Tumawag sila sa terminal ng bus to ask kung anong oras ang alis ng mga bus and we still have an hour at wala pa naman thirty minutes and byahe kaya we stayed for a while. Maliliit lang naman ang mga dala ko'ng damit kaya maliit na backpack lang dala ko. "I am so excited. First time ko sa Bataan." Napapakanta pa na sabi ni Dion. "Ako rin naman. Sa inyo nga lang ako natuto mag gala ng ganito kalalayo." Sabi ko. "Puerto Galera pa ang last na bakasyon ko na malayo." Napatigil ako upon realizing na nandoon si Mikael noon, and that we actually attended Irina's party in a beach in Cavite. Napakurap ako nang marealize na nakatitig na silang tatlo sa akin. "What?" Kunot noo na tanong ko. "Nako. Naalala na naman ang kanyang prince charming na missing in action." Nakanguso na sabi ni Dion. Tumawa sila Gerard at Neil. "It's not funny!" Inis na sabi ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa glass walls ng condo ni Dion. Kitang kita ang busy street ng Ortigas. "Okay, change topic." Rinig ko na sabi ni Neil. "Change topic? Hindi naman natin maiisip yan kung hindi sya natulala." Sabi pa ni Gerard. Humarap ako sa kanila while my hands are crossed up in my chest. "So kapag natulala ako, sya agad?" Salubong ang kilay na sabi ko. Nagkatinginan pa silang tatlo, napa buntong hininga na lang ako at naupo ulit sa sofa kaharap nila. "Wala pa rin bang text o tawag o message sa sss?" Maya maya ay basag ni Neil sa katahimikan. Umiling lang ako. "Wala pa rin. Ewan ko, hindi ko pa alam ang gagawin ko." Pag amin ko. He told me na babalik sya. I was in doubt, pero naniwala pa rin ako. He told me na ibabalik nya si Irina sa Luxembourg and that he would settle everything, na matagal na silang pinapabalik but he just ditched the orders para sana makapag ayos pa kami. Wala naman syang sinabi kung gaano katagal.. pero hindi nya rin sinabi na maghihintay ako ng ganito. Wala syang message, tawag o kahit man lang like sa f*******:, maisip ko man lang na buhay pa sya at babalik pala sya. Seven months na ang nakakalipas pero wala pa rin. The first two month, kagaya ng dati ay inuubos ko ang oras ko sa labas para kapag umuwi ako ay matutulog na lang ako. I don't know, I guess it became a hobby. Naging mas makabuluhan na lang ang weekends ko dahil madalas mag aya ng out of town sila Neil, Dion at Gerard. Hindi naman madali, dahil hanggang ngayon, miss na miss ko pa rin sya. "Ay nako, wag na nga tayo mag drama." Biglang sabi ni Gerard. "Mabuti pa, tara na. Doon na tayo sa terminal mag hintay." Sumakay na kami ng cab papunta sa terminal. Magkahilerang upuan na tig dalawa kami nakaupo. Katabi ko si Neil, si Gerard at Dion sa kabila. Ako yung nasa bandang bintana. Dalawang oras ang byahe papunta sa Olongapo, from there may jeep kami na sinakyan at ilang sakay pa bago kami makarating sa Morong, Bataan. May pina reserve na si Neil sa Phi-Phi resort. I believe it's one of the most well know resort in the place. We got one room na kasya na kami lahat. Pasalampak ako na nahiga sa kama. Dalawang queen size bed ang kama at malinis naman ang kwarto. Dahil January ay iilan lang ang tao. Mas okay talaga kapag ganito, mas makakapag relax ka. "Umorder na ako ng pagkain. Mukhang masarap tumambay sa tabing dagat mamaya. Game ba kayo?" Sabi ni Gerard pagkapasok. Dumiretso kasi sila ni Neil sa counter, kami ni Dion ang nauna nang makuha na namin ang susi ng room. "Oo ba. " Agad na sabi ko. Linggo ng gabi kami uuwi, so two nights and two days kami. May mga activities naman kami na pwede magawa tomorrow at sa Linggo. Naexcite ako bigla. Pagkatapos namin kumain ay kanya kanya muna kami ng paglilibang sa mga cellphone namin. Malakas ang wifi sa resort and it's a good thing dahil para kay Neil ay importante na connected sya palagi, although may dala kaming portable wifi, hindi naman na kailangan since malakas nga ang wifi sa lugar. After an hour or two, pasado ala onse ay lumabas na kami. Kanya kanya kami ng suot ng jacket dahil sa lamig. One thing common about us is, hindi kami malalamigin. As much as possible, gusto namin na malamig ang lugar. Naglakad lakad kami sa beach at naupo sa sand. "Ang emo pala natin tingnan pag ganito." Reklamo maya maya ni Gerard. "Ikaw to'ng nag aya, ikaw pa magrereklamo." Pinalo ni Dion si Grard sa braso. "Di ba pwedeng magkamali? Akala ko masaya eh." Bwelta ni Gerard. "Shhh!" Saway ko. "Okay naman dito ah? Kaya nga tayo nandito para sa ganito. Relax. Walang ingay." After thirty minutes ay nagkaayaan na kami na bumalik. Natulog na kami at nagpa alarm si Neil para magising kami ng alas siete since alas otso ay may schedule kami for Pawikan Conservation Center and some Island hopping. Nagbihis kami at kumain bago kami naghintay na dumating yung motorboat na sasakyan namin. I am too damn please to see the clear water. After namin mabisita ang Pawikan Conservation Center, we did some Island hopping, of course, naligo na rin kami sa ilang shores bago kami bumalik sa resort before lunch. Naligo at nagbihis na muna kami bago kumain. We decided na mag night swimming na lang mamayang gabi, so after eating ay tumambay lang kami sa room namin at nanuod ng tv. A little while at napansin ko na naging busy si Neil sa cellphone nya. Nagkatinginan pa kami nila Dion at Gerard when Neil received a call tapos lumabas pa sya ng room. "Ano yon? Ano meron?" Tanong ko bigla. Nag kibit balikat si Dion. "Malay!" "Baka business lang, wag kayong tamang hinala." Naiiling na si sagot ni Gerard. "Okay, fine." I just rolled my eyeballs. Pinagpatuloy na namin ang panunuod. Nag ikot ikot rin kami sa lugar. Tolerable naman ang init at presko naman ang hangin. We took some pictures too. Madami dami rin kaming nakuha kanina sa Pawikan Conservatory Center at sa pag a Island hopping. Pero si Neil ay maya maya pa rin ang tingin sa cellphone. "Ano ba yan, bakla! Kanina ka pa sa cellphone mo!" Bigla ay sabi ni Dion kay Neil. Gulat na napatingin sa amin si Neil na parang nagulat pa dahil sa pagsabi ni Dion ng obvious. "Nagka problema lang sa office." Sabi nya sabay bulsa ng cellphone. Nag merienda kami at naghintay dumilim bago naisipan mag swimming na sa pool. Hindi na muna kami nag dinner dahil busog pa naman kami. "Huy! Hindi pa ba okay problem sa office nyo?" Tanong ko kay Neil. Nagtitipa na naman kasi sya sa cellphone nya. "M-medyo okay na. Tara?" Inilapag nya sa bedside table ang cellphone nya at sabay sabay na kaming lumabas. Pero nainis na kami nang umahon na naman si Neil dahil ichicheck nya daw yung cellphone nya. "Naiinis na ako. Pagsasabihan ko na talaga yan pagbalik." Nakanguso na sabi ni Dion. "Relax lang. Malay mo may problema talaga sa office nya? Mahirap naman nga if lumaki. Naghirap sya itayo yon." Sabi pa ni Gerard. Naka topless silang tatlo habang ako naman ay naka two piece. I feel so relaxed. Medyo natagalan si Neil kaya sinundan ko na sya, pero nakita ko sya na palabas ng kwarto pero sa ibang way dumaan. I was about to call him nang maisipan ko na sundin ko na lang sya. I was dripping wet at wala naman masyadong tao kaya sinundan ko pa rin sya. I saw him walked towards the main entrance. Na froze na lang ako nang makita kung sino ang pumasok at sinalubong nya. Si Mikael. He has his facial hair, humaba ng bahagya ang buhok nya at naging wavy iyon but he still look so damn good. Parang ang sarap padaanin ng mga daliri ko sa buhok nya. He was holding a small travelling bag in his left hand. Parang biglang naging jell-o ang tuhod ko. Hindi ako maka alis o maka galaw. Nag uusap na sila ngayon at pareho silang unknowing na nadoon lang ako sa harapan nila. They laughed. At gustuhin ko man na mag walk out o magtago, which is my first instinc, hindi ako makagalaw. Sila naman ang na froze nang sabay silang tumingin sa direction ko. Huminga ako ng malalim. “Resha? Honey?” Kita ko ang tuwa sa mukha ni Mikael. Pero galit ako. Inis ako. Bakit ang tagal nya? Bakit ngayon lang? Bakit wala man lang tawag o message? Doon ako nagkalakas ng loob na tumalikod at mabilis na maglakad palayo sa kanilang dalawa. Kuyom ang mga palad ko. I can still hear them calling me. Patakbo ako’ng pumasok sa kwarto namin and I was about to lock it when it was pulled away from me. Itinulak iyon ni Mikael and I saw his serious face. “Look, honey. I know you’re mad at me right now, pero gusto ko mag explain.” Humihingal pa na sabi nya. He was still holding at his bag. Tiningnan ko sya ng masama. “Palagi na lang bang ganito? Bullshit.” Mariing sabi ko. “I know it doesn’t look good on me, but please.. please, honey.” There he goes again with his plead. “Galit ako sayo, Mikael. At ano bang ginagawa mo rito?” I curled up my arms into my chest. “Pumunta ako sa inyo, Mamsi told me na umalis kayo nila Neil so I contacted Neil.” Sabi nya habang humahakbang palapit sa akin. “B-bakit si Neil, bakit hindi ako?” Nawala ako sa focus, he was walking towards me step by step. Umuurong ako kada hakbang nya papalapit. “Because I know you’re mad, Resha. I know, kasalanan ko na naman. And I wanted to surprise you.” Lumambong ang mga mata nya, kaya umiwas ako ng tingin. Humahakbang pa rin sya papalapit sa akin, nang may mabunggo ako. Akala ko ay mahuhulog na ako when I felt Mikael’s arms around my waist. Naibaba nya na ang hawak nyang bag. “Careful.” Bulong nya. His mouth’s already on my ears. Mabilis ko syang tinulak at tumayo ako ng maayos. I was still clad in my bikinis! Sigurado ako na pinuntahan na ni Neil yung dalawa at sinabi na nandito si Mikael kaya wala ni isa sa kanila ang nasa pinto ngayon! Ugh! I feel frustrated. “Honey..” “Don’t you honey honey me! Bakit hindi ka man lang tumawag o nag message? Para malaman ko man lang na buhay ka pa? Na babalik ka pa?” Galit na tanong ko. “Alright, fine. I was prohibited, okay? Nalaman na nila yung sa amin ni Irina. Sinabi ko. Nagalit silang lahat and I swear, at that moment akala ko hindi na ako makakaalis doon.” Napahilamos sya gamit ang mga kamay nya. “Honey, I swear I feel like dying not able to talk to you. But I had to endure all of that for this.” Mabilis na naman syang nakalapit sa akin at agad ko’ng naramdaman ang braso nya sa bewang ko. “I am here now, okay? I promise, hindi na ako aalis. Dito na lang ako.” Hindi ko alam pero umiyak na lang ako. Kita ko pa na tumawa sya bago nya ako hinila para yakapin. I hugged him back. Parang biglang sasabog yung puso ko sa saya. “I hate you!” Umiiyak na sabi ko sa kanya. “Shhh. I’m sorry, honey. I really am.” He was kissing me on my hair as he was saying that. Tinulak ko sya at pinalo sa dibdib nya. “Why are you always doing this to me? Palagi mo akong sinasaktan at pinapaiyak!” Hinuli nya ang kamay ko at hinalik halikan. “I’m sorry. Last na ‘to, I promise.” Hinila nya ako ulit at yinakap. Naghiwalay kami nang may umubo sa may pintuan. I saw Neil came in. Kasunod sila Gerard at Dion. May dalang bag si Dion. “K-kanino yan?” Kunot noo na tanong ko. Hindi pa rin ako binibitiwan ni Mikael. “Uhm Honey, I guess, magpatong ka na muna.” Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Namula ako upon realizing na naka skimpy two piece pa rin ako. “B-bakit? Naliligo kami, eh.” Sabi ko na lang. “Uhmm..” Mikael chewed his lips na parang may sasabihin na hindi masabi. “Magbihis ka na muna, Resha.” Sabi ni Neil. Inilapag nya ang bag sa gilid ng kama. Tiningala ko si Mikael. I am confused. “Why?” “I want you to know how serious I am with you.. Kaya rin ako natagalan because I had to convince them na may mahal na akong iba. So…” “So?” Pagpapamadali ko sa kanya. “So.. M-my mother’s with me.” Nahihiyang sabi nya. “What?” Nanlaki ang mga mata ko. “Seryoso? Ngayon? Dito?” Tumawa si Kael. “Yep. So please, magbihis ka na. Alright? We’ll wait for you in the cafeteria.” Binitawan nya ako at hindi na naman ako makagalaw. Nauna nang lumabas sila Neil, Gerard at Dion. “Resha.” Nilingon ko si Mikael. Hindi pa pala sya nakakalis. “Yes?” Walang sabi sabi na hinapit nya ako at hinalikan ng mariin. I responded to his kisses. Para akong nabuhayan ng loob because of it. Kawap kami humihingal nang maghiwalay na kami. He caressed my face and I smiled. “Magbihis ka na.” Tumango ako sa kanya. Humiwalay na sya sa akin but not before bulungan nya ako. “Get ready, honey. Pipikutin na kita.” Nakalabas na si Mikael nang malakas ako’ng tumawa. If there’s one reason kung bakit ako papayag magpapikot sa kanya, it’s probably the same reason bakit nya ako pipikutin. It’s because we love each other. And we’ll stay at that one reason alone.. or maybe more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD