Gusto ko'ng magalit sa sarili ko dahil kahit ayaw ko na sana na umasa ay patuloy ko pa rin pinagdarasal na sana ay mahalin na rin ako ni Mikael. That night became one of the worst night of my life.
Pero hindi ako nagmukmok. Unlike before, I made sure now that life goes on. Kaya kahit mugto ang mga mata ko ay lumabas ako at nagpunta kung saan saan.
Para ako'ng tanga na pasulyap sulyap sa cellphone ko. Umaasa na mag message sya sa akin o tumawag. Pero pauwi na ako ay wala pa rin. Gusto ko na naman maiyak.
Ang pangit sa pakiramdam ng ganito.
Hindi ko magawang isipin ngayon na walang Mikael sa buhay ko. I wanted him in my life. But damn it, why is he doing this to me? To us?
Sabay kaming kumain ni Mamsi ng hapunan. Pinasigla ko ang boses ko dahil ayoko na ma open sa usapan si Mikael. Ayoko na rin na mag worry si Mamsi. Bahala na.
Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos.
Doon ko nakita na may dalawang message sa cellphone ko. Both from Mikael.
Bumilis ang pintig ng puso ko at hindi ako makagalaw. I was jusy looking at my phone. Umatras ako saglit at pinakiramdaman ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at puno ng kaba na kinuha ang cellphone ko.
Mikael: I miss you.
Mikael: Are you home?
Ilang minuto lang ang pagitan ng mga message, at halos kalahating oras pa lang ang nakakalipas mula nang matanggap ko iyon.
Mariin akong napapikit habang mahigpit rin ang paghawak ko sa cellphone. Gusto ko umiyak. I want him so bad. Hindi ko na kilala ang sarili ko. I never thought I'd love someone like this. As much as I love Mikael.
Tinitigan ko lang ang cellphone ko. Nag iisip ako kung magrereply ako o hindi.
Sa huli, I gave in. I type my message.
Me: I am home.
Tatlong salita, pero the fact na nagreply ako means ako pa rin ang talo. I gave in again. I stupid, i am crazy. I am a fool. But I love the man at umaasa pa rin ako sa kanya.
It started there. Hanggang text na lang sya. Paminsan minsan nagrereply ako, minsan hindi. Until that next weekend came. Mabilis ko'ng inayos ang mga gamit ko dahil gusto ko makauwi ng maaga. Pero nang makalabas ako sa office ay nakita ko na naghihintay si Mikael sa labas habang nakasandal sa kotse nya.
Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko.
Palinga linga sya, hindi nya agad nakita na nakalabas na ako. He was playing with his keys. Natigil iyon nang makita nya ako. He stood straight, at ako naman ay nagtuloy tuloy lang ng lakad.
"Resha.."
"What do you want?" Matigas na tanong ko. Hindi ako tumitingin sa kanya. I don't want to look at him dahil kitang kita sa mata ko kung gaano ko sya ka miss.
"Can I take you out to dinner?" Mahina lang iyon, parang bulong lang.
Napalunok ako bago dahan dahan syang tiningnan. Bahagya syang nakangiti. Mas maaliwalas ang itsura nya kumpara sa dati. He was wearing a dark blue polo na itinaas ang sleeves at kita ang tattoo nya. Ah, the tattoo. Bigla ko'ng naisip ang pagkiskis ng balat nya sa balat ko.
Mabilis ako'ng napailing nang ma realize na mali ang mag nasa kay Mikael sa ngayon. No matter how irresistible and hot he may look now as he always been, kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko.
"Why?" Walang reaction na tanong ko. Mahigpit na ang paghawak ko sa strap ng shoulder bag ko.
Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib nya bago sya humarap sa akin. Imbes na sumagot ay ngumiti lang sya at binuksan ang pintuan ng kotse nya para papasukin ako. I don't know what's the deal but I still got inside the car.
Umikot sya at mabilis na naka sakay na rin. He started the engine quietly. The familiar scent of the car embraced me. It made me calm.
Ilang minuto na ang nakakalipas at wala pa rin nagsasalita sa amin. Pareho lang kaming naka focus sa daan until my phone rang. It's Damien.
I got my phone, pero bahagya ko munang nilingon si Mikael na naka focus pa rin ang tingin sa daan bago ko sinagot ang tawag ni Damien. We exchanged numbers nang magkita kami sa Cubao way back. Hindi ko na nga naisip actually.
"Hey!" Pinasigla ko ang boses ko.
Ramdam ko na lumingon sa akin si Mikael.
"Hi, Resh! You busy?" Medyo maingay ang background ni Damien.
"N-not really. Kamusta?" Bahagya akong napapalingon kay Mikael na ngayon ay nakatingin na sa akin. Naka stop ang sasakyan dahil sa stop light at nakatuon ang atensyon nya sa akin.
"I am doing good. How about you?" Masigla ang boses ni Damien. Hindi na kataka taka. Naging madali ang mag move on sa kanya dahil naka mindset sa kanya na enough is enough.
"O-okay lang." Nilingon ko si Mikael. Nakakunot ang noo nya habang nakatunghay sa akin. Iniwas ko ang tingin ko, imbes ay sa bintana ako tumingin.
"That's nice. Uhm, listen. I called to invite you if you're not busy. I have a gig tonight in Timog."
Napatango tango ako. It's a nice idea, actually.
"Really? Sige, I'll just call you later for the direction. I'll be there." Mabilis na sagot ko. Hindi ko na kailangan pag isipan pa, I want to go. I need a drink and a company like Damien.
"Okay, that's good. Mamayang alas nueve pa naman simula ng salang namin, I guess nandito ka na no'n?"
Tiningnan ko ang wrist watch na suot ko. Pasado alas singko pa lang naman. If ever man matapos agad ang dinner namin ni Mikael, uuwi muna ako para magpalit. Naka uniform pa ako.
"Yeah, sure. I'll be there. Thanks. See ya!"
"See ya."
I was smiling as I put down my phone. Naexcite ako bigla. Why, sa panahon na ito, pakiramdam ko ay si Damien ang tao na pinaka nakaka relate sa akin kahit pa sabihin na nasa moving on stage na sya. Isa pa, malamang na maka inom ako which is matagal tagal ko na rin sana na gusto.
"Who was that?" Agad akong napalingon ng marinig ko ang malamig na boses ni Mikael. Matiim ang tingin nya sa akin.
Napakurap ako saglit. "Just someone." Malamig na sagot ko rin.
Kita ko na nagkuyom ang palad nya bago nya muling pinaandar ang sasakyan dahil nag GO nasa stop light.
"May lakad ka mamaya?" Maya maya ay tanong nya ulit. This time ay hindi na sya tumitingin sa akin.
"Yes." Wala naman ako balak magtago sa kanya, at wala naman sya magagawa. We're not together.. at least were not together again, yet.
Bumuga sya ng hangin. "I'll come with you."
Tumaas ang kilay ko. "No, you are not."
Liningon nya ako. "I will, Resha." Halatang determinado na sabi nya.
I pressed my lips. Ayoko mainis, kaya pinapakalma ko ang sarili ko. "No, Kael, you are not coming. Let's get this dinner over with para makauwi pa ako."
Binilisan nya ang pagpapatakbo hanggang sa marating namin ng mabilis ang isang restaurant na kinainan na namin before. Hindi ko na sya hinintay na pagbuksan ako ng pinto dahil lumabas na ako. That stopped him from a moment, pero ako na rin ang nauna maglakad.
It felt nice, actually. Kahit walang linaw ay nagpakita sya sa akin. It's better than just being missing in action again. Pero hindi ko alam kung mabuti ito o hindi dahil tumataas ang percentage ng pag asa ko na magiging okay kami ulit.
Nang maka order na kami ay tsaka ko sya hinarap. "So what do you want to talk about?" I made sure na wala akong reaction.
He was just looking at me. His eyes sparkling, parang nakakita sya ng kung ano na ayaw nya na iwan ng tingin. Gusto ko umiwas ng tingin pero hindi ko magawa.
"I.. I miss you." Mahinang sabi nya.
Tumawa ako. "Right."
"Thanks for accompanying me." Sabi nya pa.
"It's fine." Tipid na sagot ko.
Lahat ng sabihin nya ay one to two words lang ang sagot ko. Honestly, I wanted him to suffer too, kung totoo man na apektado sya. We ate in silence, pero nang matapos na kami ay hindi nya ako tinigilan hanggang sa nasa sasakyan na kami na sasama sya kung saan man ako pupunta.
"You can't come with me, Kael." Matigas na sabi ko.
Hindi na sya sumagot. Nag drive na lang sya.
Nang itigil nya na sa tapat ng bahay namin ang sasakyan, walang sabi na lumabas na lang ako bigla. Wala akong sinabi sa kanya para umalis na sya. Diretso akong pumasok sa bahay. I kissed Mamsi nang makita ko na nandoon na sya. Sinabi ko na may lakad ako at umakyat na ako sa taas.
Nag shower ako at nag bihis muna ng oversize shirt. Pasado alas siete pa lang naman kasi. Kakain na muna ako kaya bumaba ako ulit only to see Mikael sitting in the couch, kausap pa si Mamsi.
"Why-" Kunot noo at gulat na sabi ko.
Sabay na lumingon si Mamsi at Mikael sa akin.
"Andyan ka na pala. Hindi mo sinabi na kasama mo si Mikael? Muntik ko na isara yung gate." Naiiling na sabi ni Mamsi.
"Eh M-mamsi.." Hindi ko masabi na hindi naman dapat papasok si Mikael. Kasama ko lang sya kanina.
"Tara, kumain na tayo. Ikaw na lang hinihintay namin." Tumayo si Mamsi at nauna na maglakad sa kusina.
Tiningnan ko ng masama si Mikael, imbes ay lumakad sya palapit sa akin at hinapit ako sa bewang. Hindi ako nakapag react agad pero pinalo ko ang kamay nya at nauna na akong naglakad.
Walang nagsabi kay Mamsi na kumain na kami. Mabuti na lang rin at hindi ganon kadami ang kinain ko. Naka kain pa rin naman kami ni Mikael ng niluto ni Mamsi na caldereta. Tahimik lang ako habang kung anu ano ang pinag uusapan nilang dalawa.
"Aalis pa po kasi kami maya maya. Sasamahan ko pa po si Resha."
Automatic na napatingin ako sa kanilang dalawa.
"Aalis pa pala kayo, Resha?" Nakangiti na tanong ni Mamsi.
"Ah.." Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Hindi na nahintay ni Mamsi ang sagot ko dahil humarap na sya ulit kay Mikael. "Mabuti naman kasama ka, for sure gagabihin kayo. Mas alam ko na safe si Resha."
Hindi na ako nakatutol nang sabihin iyon ni Mamsi. Alam ko na iniisip nya na baka okay na kami ni Mikael, na we are working it out. Hindi ko masabi ang status namin dahil kahit ako ay hindi ko alam.
"Wag po kayo mag worry, hindi ko naman papabayaan si Resha." Sagot naman agad ni Mikael.
Tumayo na lang ako bigla. "B-babalik na po ako sa kwarto." Maaga pa naman kasi para magbihis ako.
"Oh, sige. Ako na bahala rito. Umakyat na kayo ni Mikael." Nakangiti na sabi ni Mamsi.
Hindi na ako sumagot at naglakad na lang paalis. Hindi agad sumunod si Mikael. When I entered the room, bigla kong naalala yung panahon na nandito sya and I pleasured him. I was standing in front of my bed where it happened at randam ko na unti unting uminit ang pakiramdam ko.
Umiling ako. Pilit kong inaalis ang nararamdaman ko. I shouldn't be feeling this way. I still need him to tell me that he feels the same. That way mapapanatag ako na akin talaga sya, na dapat kami talaga.
Napalingon na lang ako mula sa pag iisip ko ng malalim when I heard a clearing of his throat. Nakapasok na pala si Mikael.
"W-wala ka naman gagawin dito.. Pwede kang manuod na lang sa baba ng tv." Mabilis na sabi ko.
Nakapamulsa sya. Hindi ako magsasawang sabihin kung gaano sya ka pleasing to the eye. He's too dayum hot and good looking to be ignored.
"I can stay. I want to stay." Mahinang sabi nya at umupo sa gilid ng kama ko.
Kinakabahan ako. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at naupo rin sa gilid ng kama ko pero may space mula sa kanya.
Walang nagsasalita sa amin, nakatitig lang kami pareho sa lapag for quite sometime. The atmosphere is thick and I don't know whether to like it or hate it.
"Resha.." Biglang tawag nya.
"What." Hindi pa rin ako gumagalaw.
"I am sorry." Mahinang sabi nya.
"For what?" Gusto ko tuloy matawa.
Huminga sya ng malalim. "For everything." Humarap sya sa akin at lumapit. Kinuha nya ang kamay ko. "This may not be the right time for me to say this, or you might not believe but I love you too, Resha."
Nilingon ko sya. Napaawang ang labi ko.
"I have been loving you too since I don't know when. Hindi ko alam kung bakit ako takot na aminin iyon sayo. Hindi ko alam kung bakit hinayaan kitang mauna magsabi noon. I was such a jerk. And I am here not just to say that. I want you to feel it." He squeezed my hand at bigla akong nanghina.
I wanted to cry, pero nangibabaw ang kagustuhan ko na hindi na muna magpadala sa mga salita ni Mikael. It's not that I don't trust his words because I do, and that's what made me doubt myself.
"I am sorry for all the mess and heartache. I want another chance, Resha. Just please.. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka. I was never this crazy for someone." Kita ko ang pagsusumamo nya.
Kumurap kurap ako para iwasab ang maiyak.
"About time, Mikael." Walang reaction na sabi ko.
"Resha.."
"I told you, all you need to do is sort out your feelings and give me that one reason for me to stay. And you did. But it's not as easy as it sounds. Nasaktan mo rin ako. Lahat ng nangyari, masyadong masakit." I tried to be cold as I was talking.
"I know, I know." Yumuko sya. "I won't promise anything, Resha. Hindi ko alam kung ano pa ang mga pwede mangyari in the future but I will be there. For you."
Tumango ako. "Fine. This is your last chance, Mr. Feinberg and this will not be easy." Matigas na sabi ko.
And I meant every word. I won't make it easy for him now.