Chapter 6

2528 Words
Arabella pov's Ang akala ko ay magiging masama na talaga ang araw ko na yun,Ang dami kasing nangyari,pinahiya at iniinsulto ako nang husto ni David,nasira pati yung dapat surpresa sa akin ni Grant. Sa totoo lang nakakapagod din pala yung palagi ka nalang pinapahiya. Napapagod na ako sa panghahamak at pambabalewa ni David sa akin at higit sa lahat nakakapagod nang umasa sa isang tao na kahit kelan ay hindi naman talaga ako kayang pahalagahan at mahalin. Bute pa nga si Grant,inaalala niya ako palagi and I am much appreciated sa ginawang pagsurprised niya sa akin kanina,kaya lang ayun sinira lang ito ni David..gag* talaga yun! Alam ko sa sarili ko kung ganu ko kamahal si David,halos lahat na nga nang gusto niya ay sinusunod ko, kahit hindi na ito tama hinayaan ko lang siyang gawin lahat sa akin. Pero parang may mali na,parang sa sobrang pagnanais kong mahalin niya din ako,ay nakalimutan kuna ang sarili ko. Siguro panahon na para isipin ko naman ang pansarili kung kapakanan. I know David will never love me back no matter what,kahit pa siguro ialay ko ang buhay ko sa kanya,he never see my worth,no matter how I love him so much ay wala pa ding halaga lahat ng iyon sa kanya,mas lalo pa nga ata siyang galit na galit sa akin ngayon. Bigla naman akong napaisip kung kanino kaya galing ang mga bulaklak at chocolate na yun? Grabe hindi ko inaasahang may magkamaling magregalo sa akin ng ganun,dahil yun ang unang pagkakataon na nakatanggap ako nang ganun klaseng regalo,na mula sa hindi ko pa kakilala at sa mismong birthday ko pa talaga. Mababaw pero it made my day. At dahil dun,medyo nabawas bawasan ang sama ng loob ko sa nangyaring kaguluhan kaninang umaga. Andito ako ngayon sa bench malapit sa hall nang university, pinapanuod ko ang mga estudyanteng nagpapractice ng sayaw nang biglang napansin kong papalapit si Grant sa akin. " Hi..." bati nito sa akin. " hello halika upo ka,gusto ko lang magpasalamat sayo sa ginawa mo kanina, sobra kong nagustuhan yung surprised mo sa akin,And I just want to say sorry for what happened." Ang malungkot kong wika. " it's okay...gagu lang talaga yung lalakeng yun!well.. wag na natin isipin yun,nga pala Happy birthday ulet." he said at inabot sa akin ang Isang maliit na kahon. " Anu to?" I asked. " open it..it's my birthday gift for you." Ang ngiteng wika nito. " Grant ,Anu kaba dina kailangan...this is too much...okay na ako...thankful na ako sa lahat nang efforts mo,lalo kanina and most importantly thankful ako na my kaibigan akong katulad mo." I said to him. " I know,but I have to give you this,come on Ara this is just a little thing...please?" he said at tinanggap ko naman ito at ngumite sa kanya at agad kung binuksan iyon. I saw a white gold necklace,grabe napakaganda ng kwentas and again it's my first time na makatanggap nang ganitong regalo. " Wow...Ang ganda nito Grant pero sigurado akong mahal din nito ,di ko ata kayang tanggapin to Grant." I said to him "No,I will never accept for a no Ara... You are priceless Ara,don't you know that?and you are worth it sa kahit na anu pang klaseng mamahaling bagay sa mundo." he said to me. At agad naman akong nag blushed sa sinabi niyang yun, nakakilig lang isipin dahil may mga tao padin palang nakakaappreaciate sa akin. I am priceless! "T- Thank you Grant." I said at agad naman niyang kinuha ang kwentas at isinuot ito sa akin.. At agad naman namilog ang mga mata ko ng bigla nalang niya akong hinalikan sa aking pisnge at kasbay dun ang biglang pagyakap niya sa akin. Sinubukan ko itong itinulak pero masyado siyang malakas mas hinigpitan pa niya ang pag yakap sa akin at bumulong. "ssh..stay still..wag kang mag alalala,may binibigyan lang ako ng leksyon." he whispered at agad naman akong kumalma..napaisip tuloy ako sa sinabi niyang yun..Leksyon? kanino? Nang bumitaw na siya mula sa pagkayap sa akin ay agad ko itong sinumbatan " ikaw ha? bakit moko hinalikan? I thought you are my friend!" I told him with too much disappointment. " Yes I am,that's why I did those." he just chuckled. " talaga ba Grant at tinatawanan mo pa talaga ako! nakakainis ka!" I said at hinampas ko pa ito s balikat niya. " forget it ,that was nothing." he said..sasagot pa sana ako nang bigla kaming napalingon sa isang baritonong boses na nagsasalita sa likuran namin. "let's go home!" he said none other than,the great John David Alonzo! tss! Agad namang tumayo si Grant at humarap kay David.. " ako nang maghahatid sa kanya pauwe! " Grant answered. " I'm not f*cking talking to you asshole!" David yelled. " relax,easy man..your being hot again!" Pang aasar ni Grant dito. " Tatayo kaba ? o kaladkarin kita papuntang kotse? "David said to me na agad naman nagpanting ang tainga ni Grant sa narinig niyang yun mula kay David, Nagulat nalang ako nang,bigla nalang niyang kinuwelyuhan si David. " Grant stop...please..." pagpigil ko kay Grant dahil nagkakainitan na naman silang dalawa " Treat her as human not an animal! " Grant said! " You don't f*cking care!! kaya BACK OFF!!" David said na halatang galit na galit na naman ito. Agad na akong tumayo para mapigilan silang dalawa.I can't take this anymore.. " Grant let's talk some other time,I'm sorry but maybe I really have to go." ang paalam ko kay Grant at nauna na akong naglakad kay David papunta sa sasakyan. Wala akong ganang kausapin ang taong ito, dahil punong puno na ako sa kanya. Agad akong sumakay sa likuran bahagi nang sasakyan nito. Nang narinig ko bigla ang,pagtaas nag boses nito! " I am not your f*cking driver! lumipat ka dito sa harapan!" utos ni David sa akin naiinis na talaga ako sa kanya,Ewan ko ba,kotang kota na kasi siya sa akin,sa araw na ito! Napapalitan na ata ng galit ang pagmamhal ko sa kanya sa dami niya nang atraso sa akin. Pero kahit na anung pagmamatigas ko wala pa din akong nagawa,lumipat pa din ako sa harapan. Nang nakalipat na ako sa harap ay padabog kung sinara ang pinto at asar na asar kong hinila ang seatbelt dito, but unfortunately hindi ko ito mahila- hila lalo tuloy nag init ang ulo ko. "bwisit talaga" I said to myself.. Agad naman akong nagulat nang lumapit bigla siya sa akin at hinila ang seatbelt. Agad akong napatingin sa kanya nang siya namang nakatitig sa akin while fixing my seatbelt,our lips was an inches apart At nalalanghap kuna ang kanyang mabangong hininga.. Yes I'm so pissed of him,but ngayong were just inches apart, nararamdaman kuna naman ang kakaibang init,at abnormal na pag t***k nang puso ko. Hindi ko maintindihan pero whenever he's near to me bigla nalang akong lumalambot. Pero pilit kong pinigilan ang sarili ko,I can't be so weak this time. Hindi ako magpapadala.Agad naman akong nakahinga nang maluwag nang bigla kong narinig ang paglock ng seatbelt. At agad naman niyang inistart ang kotse.. " Boyfriend mo naba yun Grant na yun?" he asked while staring the necklace in my neck. I just smirked.. " Anu bang pakialam mo?" Hindi ko gustong isagot sa kanya,pero yun ang lumabas sa bibig ko. He chuckled, at tumingin ito sa akin.." it's your first time na sinagot moko ng ganyan." he said. " masyado ka kasing matanong,Anu naman sayo kung boyfriend ko si Grant?Wala namang tayo diba?Diba nga you were just enjoying my body?? so what's the point of asking my personal life? and I gues I am free to accept some suitors!wit or without your permission!" I said to him full of sarcasm.... Maski ako ay nagulat ako sa mga nasasabi kong yun kay David,this isn't me at all. Hindi siya umiimik at kita ko ang pagtagis ng bagang nito at nakita ko nalang itinodo niya ang pag apak ng selenyinador nang kotse nito. Sobrang bilis nang ginawa niyang pagpapatakbo dahilan para makaramdaman ako nang sobrang takot . " D - david..Can you please s- slow down....ba- baka mabangga tayo.. please." pakiusap ko sa kanya dahil pkiramdam ko ay lumilipad na kami sa sobrang bilis niyang magpatakbo.Pero parang wala itong narinig! " David anu ba! I said slow down!! papatayin mo ba ako?? kung gusto mong magpakamaty then go ahead!!wag mokong idamay" Galit na sabi ko dito at tumingin lang ito sa akin. " Next time wag kanang sumaby kung aarte ka lang nang ganyan." he said at base sa reaksyon ng mukha niya ay galit na galit ito! Anu bang bago? he always seem to be mad of me. Nang dumating kami sa bahay agad akong bumaba nang sasakyan at hindi na nag abalang tignan pa si David. Halos diko pa din maprocess sa utak ko sa sobrang bilis nitong nagpaptakbo kanina pati utak ko ata nailipad na. Agad naman akong napahinto nang makita ko si Tita Karena at nakangite sa akin.. " Ijah magpalit kana agad and dinner is ready...may ipakilala ako sayo." she said. Agad naman akong tumango at umakyat na sa kwarto ko at naligo at nag bihis agad. Sino naman kayang ipakilala niya sa akin.. Pinili kung isuot ang Isang off shoulder na red dress na above the knee ang haba sa akin,Wala lang nagagandahan lang ako sa damit na iyon . At litaw na litaw dito ang malulusog kong mga dibdib,and I can say that bagay na bagay ito sa binigay na necklace ni Grant sa akin. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin and I smiled.. Well,Hindi naman pala masamang mag ayos paminsanminsan,masasabi kong malaking bagay din pala talaga ang dating ng kasuutan sa pag iitsura nang isang tao. Lumabas ako sa kwarto ko at nabigla naman ako nang nakita ko si David sa labas nang kwarto ko. Titig na titig ito sa akin maybe hindi siya makapaniwalang kaya ko din maging proper. Sanay kasi siyang basahan ako sa paningin niya. " What are you wearing?" he asked at base sa pagtatanong nito ay mukha itong naasar na naman.Anu na naman kaya ang problema nang taong ito! " none of your business!" I answered. " you look like a slut in that dress! now go and change now!" utos niya sa akin,pero inirapan ko lang ito at hindi ko ito sinunod. Bagkus iniwanan ko ito at bumaba na nang hagdanan,pero talagang kung mamalasin ka nga naman talaga ay bigla akong natapilok sa suot kung sandallas. Palibhasa kasi hindi ako sanay magsuot ng ganitong klaseng footwear,Wala na akong nagawa kundi ang ipikit ang aking mga mata dahil alam kong any moment ay bubulagta na ako sa sahig. But instead sa sahig ako bumulagta ay naramdaman ko ang matitigas na bisig na yumapos sa akin agad akong nagmulat ng mga mata ko. At nakita ko ang isang hindi familiar na lalake.Agad napakunot ang noo ako at nagtataka kung sino iyon.. " Sino ka?" I'd asked him at agad akong dumerechu nang tayu.He smiled at me..God makalaglag panty ang mga ngite niya at my dimple pa siya sa kanyang pisnge. He has that prominent eyelid at mapupungay ang kanyang brown eyes at Ang ilong nitong sobrang tangos. Grabe,perfect lang? hay naku Arabella! magtigil ka! " Guys kanina pa ako nag antay sa Inyo nandito lang pala kayo.Uhm well ijah..this is Sean,my eldest son.Well almost year lang naman pagitan nila ni David,kaya halos magkakaedaran lang din kayo,anak siya ang sinasabi ko sayo,she's Arabella." tita Karena said. Nakatitig lang siya sa akin at nakangite,Anu kayang nakakatawa?may sayad ba ito?if I know ganun din siya kay David,o baka mas malala pa. But I can't denied the fact that he has that wonderful smile, that David haven't one,but ofcourse parehas silang guapo to be exact. God kung anu anu na naman tong pinagsasabi ko!hay naku! nakakapahamak ang mga kaguapohan Arabella! Nasa hapag kainan na kami ngayon,nasa tabi ako nang tita Karena habang nasa tapat naman kami ang magkapatid. " Hey bro,how's school? " Sabi ni Sean kay David close kaya silang dalawa? Well siguro,Kasi kita kong namimiss nila ang isa't Isa,ngayon ko lang din nalaman na may kaptid pala itong si David. " Nah....school is fine as always.But you know what kuya,dapat lumipat ka na din nang school dito,grabe ang daming magaganda sa university." Sabi ni David na agad naman akong napairap. Babaero talaga tss! " Naku David,puro ka talaga babae,kailan ka paba aayos?" tita Karena said. " Tss!hindi ka parin pala nagbabago dude." Sean chuckled. " Well I think..I don't have to go to university to find a gorgeous one..I guess she's already in front of me now." Sean said,habang nakatingin ito sa akin at halos mabulunan ako sa juice na iniinum ko ngayon,habang narinig ko ang sinabi niyang yun. " Are you okay?" Sean said at agad akong inabutan ng tisyu. " I'm fine..s- salamat." sagot ko naman. " Mom,can I ask a favor?' Sean said. " anu yun anak?" sagot naman ni tita habang tuloy tuloy ang paghihiwa sa steak.. " I want to get married...I want to marry Arabella.." Ang walang pag alinlangan na sabi niya sa harapan naming tatlo na halos nawindang ako sa sinabi niyang yun! Married? Kasal? Tss! Hindi ako makpaniwalang may pagkasira ulo pala talaga itong magkapatid na to! " WHAT?? anak! maghuhunusdili ka nga! Hindi biro ang pag aasawa!" tita Karena said. " You're crazy kuya! why it's her?? kakameet mo lang sa kanya kasal na agad?"umiiling iling na wika ni David. " what guys? you seemed so surprised..." Sean chuckled..." Life is too short kaya dapat madaliin na natin,what do you think?"dagdag pa ni Sean,habang nakangiseng nakatingin sa akin. " Nakadroga kaba kuya? you're impossible!" David said at umiiling iling itong muli. " Why not? I known her for almost a year,I'd asked mom everything about her.. And for the record.....of course I did asked mom if maybe you and her you know..but mom said you hate her a lot.. and that's good news then...and I am planning ,to marry her very soon....because I like her." ang confident na wika ni Sean at agad pa itong kumindat sa akin. God anu bang klaseng pag uugali itong magkapatid na ito,yung isa sobrang suplado at ito namang Isa akala mo addict,very impulsive! Grabe napakastraight forward nitong lalaking to! kakakita lang namin kasal agad??may mga tama talaga sa utak tong magkakapatid na to. " kuya,may boyfriend na yan si Arabel,kaya malabong magppakasal yan sayo and..." David said and paused for a while. "her heart belongs to someone else." David said habang nakatitig ito sa akin.Halos nag akyatan naman lahat ng dugo ko sa aking mukha,sa narinig kong turan ni David. "Oh..that's sad... Well,will see... boyfriend palang naman ihh." Sean said,habang sinusubo ang steak na nasa tinidor. " Tama na yan guys,napipressure na si Arabella sa inyo.ijah..are you okay? wag mong intindihin yan mga sinasabi ni Sean,he was just kidding,okay?" tita Karena said. Agad naman akong nakahinga nang maluwag nang marinig ko ang sinabi ni tita. I really felt the awkwardness that time kaya agad akong nagpaalam sa kanila dahil hindi kuna kaya pa ang trip nitong si Sean. Grabe nakakaubos nang laman ang mga sinasabi niya knina Anu daw? kasal?he must be crazy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD