“YOU BETTER taste right, for crying out loud. I’ve been cooking you for hours!” Hindi na napigilan ni Holly ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang nakakunot-noong anyo ni Aleron na nakaharap sa kalan. Maging siya ay nagulat sa ngiting iyon, ang kauna-unahan niyang ngiti pagkalipas ng walong araw na pananatili niya sa isla. Sa buong durasyon ng pananatili niya roon ay puro si Aleron lang ang nagsasalita sa kanila. Ayon sa binata ay may dalawang caretaker roon pero pinauwi na muna nito dahil gusto nitong ito ang personal na magsilbi sa kanya, isang bagay na pinagdududahan niya ng husto dahil sanay itong ito ang pinagsisilbihan. People have always treated Aleron as a king. Kaya simula nang magboluntaryo ang binata na maging alagad niya, wala pa siyang nailalag