NAPALUNOK si Aleron nang dahan-dahang mag-angat ng mukha si Holly patingala sa kanya. Sa kabila ng kalamigan na pumupuno sa mga mata nito nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin maitatangging taglay pa rin nito ang pinakamaamong mukhang nakita niya sa buong buhay niya. Nakaramdam siya ng pagmamalaki. This beautiful woman used to be his. Used. Bumalik ang kirot sa puso niya. Mayamaya ay tumayo ang dalaga. “Mag-usap tayo.” Anito bago binalingan ang mga readers nito roon. “Please excuse me for a while.” Dere-deretso na si Holly sa paglabas ng bookstore. Magsasalita na sana itong muli nang makita nito ang mga staff niya roon. Sunod-sunod itong napabuga ng hangin. “I want us to talk in private. Where can we do that?” “Sa office ko na lang.” “Fine. Lead the way.” Tumango na lang si Aleron b