Ardel Jake's P. O. V. Akmang ilalabas ko ang bagong sigarilyo mula sa bulsa ko pero nakita ko si Roselle, ang pinsan ko sa side ni Daddy. Naglakad ito papalapit sa akin. "Inaway mo 'yong nerd, 'no? Halata sa mukha niya yung takot," aniya at pumamewang. "Nakasalubong mo?" Tumango siya at bumuntong hininga. Tuluyan kong kinuha ang sigarilyo saka sinindihan ito. Pinanood ako ni Roselle at tumawa. "Kailan ka kaya magbabago?" aniya at humawak sa railings ng rooftop. "Hindi na, walang kahit ano o kahit sino ang makakapagpabago sa akin. I chose to be like this--no, actually they made me feel to be like this," ani ko at humithit sa sigarilyo. "Anong balita, sa pag-uwi ng Mommy mo?" tanong niya. "Umuwi siya para ipakasal ako sa babaeng hindi ko kilala. Gusto niya gawin 'yon para daw may fut