Chapter 7

1116 Words
Ardel Jake's P. O. V. Wala akong ganang naglakad papasok ng bahay. Sinabihan ako ni Mommy na maaga umuwi pero dahil ayoko sumunod sa kaniya at nagpagabi ako sa daan. Palapit na ako sa main door. Narinig ko ang mahihinang tawa ni Mommy, napansin ko naman sa main door na may ibang sandals at sapatos sa stall. Tumingin ako sa loob ng bahay. Nag-e-echo ang boses ng isang lalake. "Ardel, anak. Mabuti at nandito ka na, kanina ka pa hinihintay ng Mommy mo," ani Yaya. Tumango ako at walang ganang hinubad ang sapatos ko saka naglakad papasok ng bahay. Akmang aakyat na ako ng hagdanan pero bigla na lamang akong tinawag ni Mommy. Naroon sila sa hapagkainan at may mga kasama siya. "Ardel, come here. You need to meet someone," maligayang sabi ni Mommy. Napabuntong hininga ako at nilingon si Mommy. Nakakita ako ng isang may edad na babae na nakaupo sa tapat ng isa pang lalake na humarap sa akin at ngumiti. Napansin ko naman na ang babaeng katabi nito na mukhang dalaga ay hindi lumilingon. "Napakagwapo naman pala ng anak mo, Camille." Nagsalita ang lalakeng may edad na pero malaki ang katawan, mahina namang natawa si Mommy. "Iba talaga ang dugo ng asawa ko, syempre kanino pa ba siya magmamana. Gwapo at maganda ang magulang." Niyukom ko ang kamao ko, bakas sa mukha ni Mommy na pinepeke niya lang ang tawa at ngiti niya, hindi naman siya ganyan kasaya sa akin. Palagi siyang gigil at cold. "Greet them, sila ang in laws mo," ani Mommy habang naglalakad ako palapit sa kanila. Napakunot ang noo ko, parang pamilyar ang babae na nakatalikod, ayaw niya humarap at sobrang curious ako kung sino siya. "Ardel, I said greet them." Tunog ng tono ng pananalita ni Mommy, ngumisi ako dahil naiinis na siya sa akin. Alam kong matigas ang bungo ko at sinasadya ko 'yon. Siya rin naman ang dahilan bakit ako naging ganito. "I wasn't inform na pupunta pala kayo dito," ani ko habang nakatingin sa babaeng may edad na. "Y-Yes, actually it's a surprise for the both of you. Gusto naming makilala niyo ang isa't isa lalo na at ikakasal kayo ng anak namin," aniya. Tumango ako. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. "Anak, greet him," bulong ng may edad na lalake sa katabi niyang babae na pamilyar sa paningin ko. Tumingin ako sa kaniya at hinihintay na lingunin niya ako. Kung hindi siya ang tipo ko, mahirap na maging masaya sa kasal na 'to. "O-Opo," rinig kong sambit ng babae. Nanlaki ang mga mata ko, kilala ko ang boses na 'yon. "Mahiyain talaga ang anak niyo, hayaan niyo at sa umpisa lang 'yan," ani Mommy. Tumayo ang babae at nang humarap ito sa akin ay tila ba gumuho ang mundo ko. Ang nerd na makulit na kaklase kong pumupunta sa rooftop na favorite place ko. "I-Ikaw!?" inis kong sambit. "A-Ardel..." aniya. Para bang hindi siya nagulat nang makita ako, agas siyang yumuko. Kagaya ng palagi niyang ginagawa. Napairap ako at napahawak sa sentido ko. "Mommy, I thought---" "You thought what? May problema ba sa anak ko?" tanong ng lalake na may edad na. Bigla siyang tumayo dahilan para mapaatras ako. Tila ba nalula ako sa tangkad nito at sa laki ng balikat niya, namumutok ang muscles sa kaniyang manggas ng polo. Mabilis akong umiling dahil sa takot. "Dapat lang na magkamabutihan kayo ngayon pa lang," ani ng may edad na babae. "Medyo pasaway lang 'yang si Ardel pero mabait ang anak ko," ani Mommy. Tinignan ko siya. Sobrang plastik ng pinapakita niya ngayon. "I can't believe this, I'm gonna marry you?" tanong ko. Hindi makatingin sa mga mata ko si Mavis, napansin ko namang kinukutkot niya ang kaniyang kuko. Marahil ay kinakabahan siya, natatakot na kaya siya sa akin? Sana naman huwag na siya pumunta sa rooftop. "Pupunta na ako sa kwarto ko, it's nice meeting you," ani ko kay Mavis. "Ah--okay sige..." Mabilis ko silang tinalikuran at naglakad paakyat sa hagdanan. Pagpasok ko sa kwarto ko at pahagis kong nilagay ang bag ko sa couch saka dumiretso sa banyo para mag-shower. "I can't accept this f*cking marriage. Hindi ako ikakasal sa babaeng walang taste, ni-wala siyang sense of fashion, ang panget niya," bulong ko. Napamura ako habang umaagos ang tubig sa katawan ko. Wala akong magawa, nasa poder ako ni Mommy. ***************** Mavis Nhea's P. O. V. N anginginig ang kamay ko habang pilit kong hinahati ang ham na nasa plato ko. Nakita naman ni Daddy ang struggle ko at siya mismo ang naghati ng ham para sa akin. "Thanks, Dad." Ngumiti si Daddy sa akin. Bigla akong napatingin kay Mrs. Camille na ngayon ay nakangiti sa akin. "Mukhang baby na baby mo si Mavis, Paulo," aniya. Napayuko ako dahil sa hiya. "Prinsesa ko 'to, ganoon talaga." Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Halata sa mukha ni Ardel ang galit niya kanina, siguro kung walang nakakakita baka sinaktan na niya ako dahil ayaw niya ako pakasalan. May parte sa akin na gusto ko na lang magpakain sa lupa. Nakakahiya na makita pa nila Mommy yung pandidiri ni Ardel na malamang ako ang magiging asawa niya. Pero gusto ko 'to, gusto ko siya. Kahit masakit at malungkot, haharapin ko siya at magkakaroon ako ng rights na tawagin siyang asawa dahil ikakasal kami. "The wedding will be held next year, right?" tanong ni Mrs. Camille. "Yes, kaya sana ngayon pa lang matuto na ang dalawa na tumayo sa sarili nilang mga paa. They will live in a same roof soon," ani Mommy. Iisang bubong? Iisang bahay? Kakayanin ba niya na makasama ang katulad ko? "Dapat ngayon pa lang naghahanda na tayo, do you think of any reception, church, gowns?" tanong ni Mrs. Camille. "I think dapat ang ikakasal ang mag-decide niyan. Mavis, anak. You must talk to Ardel about that, kung makakausap mo siya ngayon or bukas, mag-decide na kayo para maayos ng maaga," ani Mommy. "Are they classmates?" tanong ni Mrs. Camille. "Yes, matagal na kayong magkaklase, hindi ba?" tanong ni Dad. "Ah--hindi po, this year lang po kami magkaklase, iba po section namin last year," bulong ko. "Mabuti pala at palagi kayo nagkikita, you'll get to know each other. I know somehow medyo pasaway ang anak ko, but I hope hindi 'yon disadvantage para magustuhan mo siya," ani Mrs. Camille sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Napalunok ako ng ilang beses. Kung alam niya lang, sobrang tagal ko nang hinahangaan ang anak niya, pero mula sa malayo lang ako nakatingin. "Are you going to stay here until ikasal sila?" tanong ni Mom kay Mrs. Camille. "Yes, I want to have some time with my son." Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nakikinig sa kwentuhan nila. ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD