Mavis Nhea's P. O. V. Kinabukasan, habang nag-aalmusal kami ay bigla na lamang naging seryoso sila Mommy at Daddy. "We talked to Camille yesterday, hindi ka na namin nakausap kagabi because you went to bed early." Napaangat ako ng tingin kay Mommy nang magsalita ito. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko ng cereals. "Tungkol po ba 'to sa sinabi niyang pagtira ko kasama si Ardel?" tanong ko. Tumango si Daddy. "Nasabi na niya sa 'yo? Sabi ni Manong Rey galing ka kala Ardel kagabi, nakapag-usap na kayo?" tanong ni Mommy. Binitawan ko ang kutsara na hawak ako at ngumiti. "Actually, galing ako doon para sa report pero nagkita kami ni Tita Camille at kinausap niya ako tungkol sa pagtira ko sa kanila kasama si Ardel." "Are you okay with that, anak?" tanong ni Dad. Napalunok ako. Sa totoo