Mavis Nhea's P. O. V. Nakikinig ako sa usapan ng tatlo. Tahimik lang akong nakatayo sa likod nila. Nandito kami ngayon sa gilid ng canteen, kumakain sila habang nag-uusap-usap. "Ang dami kasing gawain. May assignment pa tayo sa science tapos may reporting pa. Gagamit ba tayo ng PowerPoint?" tanong ni Kenneth. "Yup, hindi ba may laptop ka, Ardel?" tanong ni Sofia. "Oo, meron." Napatingin ako kay Ardel. "Siguro mas maganda kung sa inyo na lang tayo gumawa ng report, para maayos na lahat sa laptop mo, tapos dalhin mo na lang dito sa school yung laptop. Ako na bahala sa content ng PowerPoint." Iba ang ngiti ni Sofia matapos niyang magsalita. Nakakaramdam ako ng selos kahit alam ko namang walang-wala ako sa kaniya kung sakali na magkaroon nga sila ng relasyon. Sino ba namang hindi magkak