Nagising si Elle sa kalagitnaan nang gabi nang maramdaman ang paghilab ng malaking tiyan. Impit siyang napadaing dahil dito at mahigpit na napahawak sa bed sheet. "s**t!" Wika niya nang mas tumindi ang sakit na para bang may humihila sa baby niya mula sa uterus niya. Agad niyang kinapa ang gilid ng kama at tuluyang napaiyak nang wala doon ang asawa. "HOMER!" Mas tumindi lalo ang sakit dahil sa pagsigaw niya. Feeling niya ay ikamamatay na niya ito dahil mababa lamang ang tolerance niya sa pain. Sunod niyang naramdaman ang pagdaloy ng malapot na likido sa binti niya at kahit gusto niya itong tignan at buksan ang lampshade ay hindi niya magawa. Hindi siya makagalaw sa takot na mas dumoble ang sakit. "HOMER!" Muling sigaw niya kasabay nang pagbukas ng pinto. "Elle? Bakit?" Tarant
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books