"Ariella!" Pagtawag ni Jin sa Ate niya. "What? I am just doing what I think is right." Sagot naman ng Ate niya. Mabilis na lumapit si Jin sakanila at hinila iyon palabas ng hospital suite. Hindi na niya nagawang habulin pa ang mga ito kaya napabuntong hininga na lamang siya at sumandal sa unan na nasa likod niya. Hindi niya magawang tignan ang mga naiwan na kasama sa loob ng silid na iyon. Naiinis parin kasi siya sa mga ito. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pag-upo ng apat sa couch sa kanan niya habang si Homer ay inalalayan ang Mama nito na umupo sa isa pang couch sa kaliwa ng higaan niya katabi ang asawa nito habang bumalik sa gilid niya si Homer. Nanatili siyang nakatitig sa kamay niya na nakapatong sa tiyan niya. "Uh-hi? I'm Akiko, bestfriend ni Heaven at childhood