"Welcome home, Hunter!" Malapad na ngiti ang sinalubong ni Homer sa kakambal nang pumasok ito sa magarang entrance door ng mansion nila. Mahigpit niya itong niyakap na ginantihan naman ni Hunter. "Salamat, bro. Namiss kita." Anito na kapwa nila ikinatawa. Sunod na lumapit sakanya ang mga magulang na agad din siyang niyakap ng mahigpit, at halos madurog ang puso ni Jake nang makita ang mga luha ng kanyang Ina habang nakayakap sa kakambal niya. Lumaki sina Hunter at Homer na talagang close sa kanilang Ina. Tinuring nila itong reyna nila at pinakahuling tao na maaari nilang saktan. Mahal na mahal nila ang Mama nila at kahit na may nagawang hindi maganda si Hunter sa buhay niya ay hindi nagbago ang pagmamahal ng Ina sakanila. Dahil din dito ay hindi lumaki ang dalawa nang may inggitan,