Hindi na mabilang ni Elle kung ilang oras na siyang nananatili sa loob ng comfort room na nakaupo sa harapan ng toilet bowl. Simula kasi ng magising siya kaninang umaga ay agad niyang naramdaman ang pagbaliktad ng sikmura niya at naisuka na niya ang lahat ng kinain niya kinagabihan. At kahit wala na siyang mailabas na laman ng kanyang tiyan ay patuloy parin siya sa pagduwal kahit na hirap na hirap na siya. She can't help but to cry hard habang nakahawak sa tiyan niya. Hindi niya akalain ganito kahirap ang pagbubuntis niya at lalo lamang siyang naiiyak dahil wala siyang mapagkuhanan ng lakas. "Ate Ella..." Her Ate and her Kuya Jin just went home yesterday para tignan ang kompanya nila doon. And even If they are insisted na sumama siya ay tumanggi siya dahil na rin sa gusto niya ang kli