KABANATA-2

1398 Words
Ang balak niyang pagpasok ngayon ay hindi natuloy dahil mas kailangan unahin ang mga postponed deliver nila kahapon ng kanilang mga produkto na dried mango. Kailangan niyang maideliver 'yon lahat dahil may mga nagrereklamo na silang costumer dahil bukod sa palaging ubos ang kanilang paninda ay talagang mabenta sa mga tindahan at supermarket ang kanilang homemade na dried mango. Alas siete palang naman ng umaga at alas nuebe pa ang oras ng kanyang deliver ngunit gising na siya at pansamantala nang nililinis ang kanyang mahal na kotse. Panay-panay din ang dungaw niya sa loob ng kanilang bahay dahil inaabangan niyang lumabas ang kanyang kapatid na si Calli dahil ihahatid niya pa ito sa University na pinapasukan. Sumimsim siya ng kape bago tumayo para pumasok sa loob ng kanilang bahay para tingnan kung gising na nga ang kanyang kapatid. May pag ka aporado siya kahit sa anong bagay. “Gising kana ba? Mag a-alas otso na kaya, Callixta!” Iritado niyang saad habang kumakatok sa pintuan ng kuwarto ng kanyang kapatid. “Lalabas na ako, Kuya.. Hintayin mo nalang ako sa baba.” Tugon ni Calli sa kanya at nag kamot na lamang siya ng kanyang ulo. Hindi siya tumugon at basta nalang bumaba ng hagdanan para hintayin nalang ang kanyang kapatid sa labas. Ilang minutong paghihintay at dumating na si Calli. Naka sibelyan ito kaya naitaas niya ang kanyang isang kilay na may peklat. Siniringan lamang siya ni Calli dahil sa inaasta niyang awra. Nanggigil palagi si Calli kapag nakikita niya itong sinusupladuhan siya ng kanyang Kuya! Hindi naman sa hindi bagay sa kanya ang magsuplado. Nanggigigil lang talaga ang kapatid niya dahil sa peklat nito na nasa kanyang kanang kilay dahil nagmumukhang badboy siya which is true naman. Bumagay sa awra niya ang peklat niya kaya mas pinanindigan nalang talaga niya ang pagiging suplado niya. “Bakit hindi ka naka-uniform, huh?” Pasuplado niyang tanong kay Calli. Iniripan siya nito kaya sinundan niya ito ng tingin. Mang iinis muna siya ng ilang segundo. Hindi niya binubuksan ang lock ng pintuan ng kanyang kotse kung kaya't hindi ito makakapasok. “Kuya naman, mali-late na ako! Ma...tingnan mo po si Kuya..” Nayayamot na sigaw ng kanyang kapatid na nagdulot naman ng kanyang malakas na pagtawa. Para siyang demonyo sa paningin ni Calli sa tuwing tumatawa siya nang malakas. “Bakit kasi muna hindi ka naka-uniform? Makikipag date ka siguro ano?” Pang iirita niya kay Calli. Alam naman niya kung bakit hindi ito naka-uniform ngayon pero dahil gusto niyang mangyamot kaya nag patay malisya nalang siya. Hindi yata mabubuo ang kanyang araw na hindi binubwesit ang kapatid! “Bahala ka nga d'yan! Babyahe na lang ako!” Padabog na sambit ni Calli kaya lalo lang siya natuwa. Buo na naman ang araw niya. Natigilan si Calli ng marinig nito na biglang lumagitik ang pintuan ng kotse niya kaya napapihit pabalik si Calli patungo sa kanyang kotse. Kinagat niya ng bahagya ang kanyang ibabang labi bago pinasadahan ng tingin ang kapatid niyang sitting pretty na sa likuran. Hindi niya ito pinansin dahil imbes na sa unahan ito uupo ay doon pa talaga sa likuran kung saan nag mumukha siyang driver nito. Ngumisi ng pilya ang kanyang kapatid dahil sa wakas ay nakabawi din ito sa kanya. “Daaanan nalang kita mamaya kapag natapos na akong mag deliver. Siguro naman tapos kana sa mga inaayos mo,” aniya. Tumango naman si Calli bago ito bumaba ng kanyang kotse. Ngayong araw ay tinatapos na ni Calli ang pag aayos nito ng transfered papers at pag tigil sa University dahil bukas na bukas ay luluwas na nang Maynila ang Mama niya at kapatid niya. Doon na maninirahan at siya na lamang ang matitira sa kanilang bahay pansamantala dahil hindi rin magtatagal ay susunod din siya sa Maynila. May mga aayusin lang din siyang requirements sa kompanyang pinagtatrabahuan ngayon. Mataas na ang puwesto niya doon kung kaya't medyo nag aalinlangan siyang magpalipat pero dahil mabait ang kanyang boss pinayagan siya nitong lumipat sa sister company ng kanyang pinagtatrabahuan at ang mas lalong naging pabor sa kanya dahil gano'n din ang magiging puwesto niya kung sakali. Sinimulan na niyang i-deliver ang mga produkto nilang dried mango hanggat maaga pa. Dinala na niya ang mga ito kaysa sa bumalik pa sa kanilang bahay para kuhanin. Takaw gasolina lamang iyon para sa kanya! Tamang alas dose ng tanghali nang matapos siyang mag deliver kaya dumiretso na siya sa kanilang bahay at hindi na hinintay si Calli dahil nag txt naman ito sa kanya na mamaya pa daw ito matatapos sa pag aayos. Tamang kararating niya lang sa kanilang bahay at hindi pa nakakababa ng kanyang kotse nang may tumawag sa kanyang cellphone. "Play, bro!" Si Toper isa sa mga barkada niya sa kanilang lugar. "Pass.. Masakit katawan ko, andami kong dineliver kanina, kayo nalang muna. Nakakapaglaro naman kayo na walang magaling na inside shooter." Padaplis niyang kantyaw sa kanyang kausap. Playing basketball is their happiness. Dumadayo sila kung saan-saang barangay lalo na kapag weekends dahil doon lang siya walang trabaho. Hindi naman sa pagmamayabang pero palagi silang champion sa pa-liga sa kanilang baranggay. Pinatayan siya ng kanyang kausap. Naiiling nalang siya bago nag kamot sa kanyang ulo at bumababa na nang kotse. Kapag naisipan talaga ng mga barkada niya na mag basketball kahit katirikan ng araw ay walang pakialam. Palibhasa covered court naman kaya ayos lang din. Wala ang kanyang Mama kung kaya't may panahon siyang maglaro kahit sandali lamang. Hindi rin naman niya matiis na hindi humawak ng bola kaya nagmadali siyang nagpalit ng jersey na damit. Tamang-tama maraming dayo ngayon dahil byernes na! Pag labas niya nang gate ay nasilayan na naman niya ang eksaktong bahagi kung saan siya na disgrasya. After that accident, he was left with a scar across to his eyebrow, he became somewhat obsessive about finding others with similar scars. Pero, bakit napapangiti siya imbes na mayamot man lang sana dahil sa natamo, nagiging badboy ang awra niya pag dating sa ibang tao. Lalo na't may pagka-malago ang buhok niya ngayon. Under-cut ito pero naiitali na niya ang bandang tuktok dahil may kahabaan na. Wala pa siyang planong mag pa gupit kaya bahala na! Lalo na siyang pinagdidiskitahan ng mga kaibigan niya dahil nakaka-agaw pansin itong peklat niya pati na yung kabuuan niyang ayos sa araw-araw. Tsss. "Uy! Anjan na si Kale the badboy, kala ko ba pass ka?" Kantyaw sa kanya ni Toper sabay pasa ng bola. "Gago! Pasalamat ka nababagot ako sa amin." Pasa niya ulit ng bola kay Toper. Nagtawanan naman ang iba. "Sus! Ang sabihin mo hindi mo rin matiis na hindi makalamas ng bola." Natatawang sambit ni Benjamin. Halos mag a-alas sais na ng gabi nang matapos silang maglaro. Nag pahinga lang saglit at dumiretso na sila sa kanilang bahay upang mag meryenda dahil sa pagka-panalo nila. Pagkatapos ng ilang minutong pagtambay sa kanila imbes na umuwi na ang mga ito ay napagplanuhan pa nilang mag inuman. Sino ba naman siya para tumanggi eh, parang hinahanap din ngayon ng katawan niya ang alak. They were in the middle of their conversation when Toper suddenly interrupted to asked him about his sudden leaving to Manila. Ipinaliwanag niya ang dahilan kaya nakita niyang sumang-ayon naman sa sinabi niya. "Uuwi parin naman ako dito para mag bakasyon." Sambit niya sa mga barkada bago inisang lagok ang alak. Guhit sa lalamunan! Shït! Palibhasa hindi naman talaga siya sanay na uminom ng alak, mababa ang alcohol tolerance niya kaya hindi siya umiinom palagi. Madalang pa sa minsan, umiinom siya ng beer minsan kapag alam niyang pagod siya o' di kaya kapag gusto ng katawan niya. Isang oras din bago sila natapos ng pag-iinom at isa-isa nang nag si alisan ang mga barkada niya. Kaya, mag-isa nalang siya na naka-upo sa ilalim ng mangga. Dating gawi, tuwing gabi, kasama ng mga umiingay na mga insekto ay siya namang pag tahimik niya para mag muni-muni at iisipin ang mga nakaraan. Nakaraan na pinipilit niyang kinakalimutan ngunit walang preno namang tumatatak sa kanyang isipan. Shït! It's just annoying because why does she have this effect on him? Dahil sa pag-iisip na 'yon ay hindi niya alintana na pinapapak na pala siya ng mga lamok doon. Swerte naman nila, nakasipsip sila nang dugo na galing sa isang pogi, mabait, matulungin at hardworking na lalaki. Wala nga lang girlfriend kaya lalong swerte ang mga lamok!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD