KABANATA-15

1118 Words
“Ate, Max?” Napatingin siya sa kanyang likuran nang may isang babae na tumawag sa kanya. If she's not mistaken it's Calli's voice. Nilapag niya ang hawak niyang basket na may laman ng kanyang mga pinamiling infants clothes. “Calli,” nakangiti niyang tugon sa dalaga. Simula nang makarating siya galing sa England two weeks ago ngayon lang ulit sila nagkita nito. Tila na-miss siya ni Calli dahil may pag yakap pa ito ng mahigpit sa kanya. Napangiti naman siya ng matamis dahil inaamin niyang na-miss niya ring makipagkwentuhan sa madaldal na dalagang ito. “How are you? Gabi na, bakit andito kapa sa Mall? Hindi pa ba kayo nag sasara?” May pagtataka niyang usisa kay Calli bago pinakawalan ito sa pagkakayakap. Inayos niya ng bahagya ang buhok nitong magulo at basta nalang ikinawit sa likod ng tenga nito. Matagal na silang magkakilala ni Calli pero ngayon palang talaga niya ito napapagmasdan ng harap-harapan. May similarities ito sa isang tao na kilala niya ngunit hindi niya naman alam kung sino. “Kasama ko po ang Kuya ko kanina kaso nag paalam siya dahil may importanteng tumawag sa kanya....your pregnant Ate, Max? Wow!” Nagulat siya bigla kung paano lumakas ang boses ni Calli nang masulyapan nito ang kanyang malaking tiyan. She's six months pregnant but it's like nine months at malapit ng manganak. Siguro dahil sadyang malaki siya kung mag buntis. Nginitian niya si Calli bago hinimas ang kanyang tiyan. “Yes, I'm pregnant and he is a baby boy,” nakangiti niyang saad. Awtomatiko namang naituptup ni Calli ang isang palad sa bibig nito. Hindi ito makapaniwala na six-month na agad ang tiyan niya. Has she really stayed in England that long? Kamakailan lang siya nag pa check up at nalaman na lalaki ang dinadala niyang bata. She was happy that something had come into being from the mistake she had made before. She got pregnant by a man she only met once. Is she regret what she did before? Siguro hindi naman dahil una sa lahat bakit hindi niya sinubukang ipalaglag ang bata ng malamang niyang nagdadalang tao siya. Bagkus tinanggap niya 'yon ng buo at pinangalandakan pa sa pamilya niya na nabuntis siya ng isang lalaki na hindi niya naman karelasyon at higit sa lahat hindi niya pa naman kilala ng lubusan. “Wow, you are so pretty pregnant Ate, Max. Congratulations po sa inyo ng hubby mo. I think kailangan 'to malaman ni Mama. Sa amin kana po mag dinner, Ate... please?” Hubby? Husband? Napangisi siya sa ng lihim dahil sa sinambit ni Calli. I don't have a husband! Aniya na tanging sa isip na lamang niya sinabi. “Sure. Na-miss ko ring makipagkwentuhan kay Tita kaya go ako.” Ganado niyang wika. Wala na rin naman siyang bibilhin na gamit ng bata kaya umu-oo na din siya. Besides nababagot din siya sa Mansion nila kapag ganitong gabi na dahil tanging siya lamang ang naroroon. Si Jaxxon naman ay bihira nalang naman kung umuwi sa Mansion Ibarra. Staka na-miss niya ring kumain ng dried mango na gawa mismo ng mga ito kaya pumayag narin siya. Bit-bit niya ang basket patungo sa counter nang basta iyon agawin ni Calli sa kamay niya kaya pinabayaan niya nalang din. Aminado siyang natutuwa siya kapag kasama niya si Callixta. Sa tagal nilang magkakilala napalapit narin siya sa mag-ina. “Goodevening po, Tita.” Bungad niya sa Mama ni Calli. Abala ito sa pagluluto pero nagawa parin siyang balingan. Nagulat ito at basta nag hinaw ng kamay at tinanggal ang suot na apron para yakapin siya ng mahigpit. Napayuko din naman agad ito sa kanyang umbok na tiyan. Kung ano ang reaksyon kanina ni Calli ay ganon din ito kaya napatawa siya ng mahina. Mag-ina talaga dahil iisa ang reaksyon ng mga ito. “Ang ganda mo namang buntis, Hija. Tamang-tama luto na itong niluluto ko. Binilisan ko talaga ang pagluluto nang marecieve ko ang txt ni Callixta. Ma-upo kana, Hija at maghahayin na ako.” Anito at sinunod naman niya. Wala talagang pinagbago ito simula nang una niyang makita ito. Inilibot niya ang paningin sa loob ng bahay na siyang kinaugalian niyang gawin sa tuwing mapapapunta siya bahay ng mga ito noon. As always she feels comfortable when she is there. Ang pagkaka-alam niya may Kuya pa si Callixta at abala ito sa trabaho kaya hindi niya palagi naaaktuhan kapag ando'n siya. “Nasaan ang asawa mo, Hija?” Tanong sa kanya ng Mama ni Calli. Napatigil siya sa pag nguya ng kinakain niya. Tipid siyang ngumiti bago yumuko. Tumango-tango ang Mama ni Calli at na gets agad ang simpleng pag tugon niya. “Sorry,” sambit nito sa kanya ng walang boses. “Okay lang po. To be honest hindi ko po pinaalam na nagbunga ang aming ginawa. We're not civil and it's just a mistake po at hindi ko rin naman ito pinagsisihan.” Seryosong wika niya. It's true that they're not civil at lalong hindi sila magiging civil dahil wala siyang balak na ipaalam at ipaako iyon kay Kale and knowing that there is nothing score between the two of them. Hindi niya alam kung bakit hindi niya naiisipan na ipaako iyon kay Kale na kung tutuusin ay kayang-kaya niya naman na gawin iyon. She is a brave woman but she doesn't know why she shouldn't use it to tell the truth to Kale. “Siguro hindi ka pa handa na ipaalam iyon. Ayaw kong panghimasukan ang tungkol sa buhay mo Hija pero bilang may karanasan sa gano'ng bagay mas maige na ipaalam mo sa ama niyan. Alang-alang sa bata, Hija. Kung hindi ka pa handa ngayon, balang araw darating din ang lakas ng loob mo na sabihin ang totoo sa ama niyan.” Seryoso at puno ng aral na payo nito sa kanya. Napayuko siya at basta tinitigan ang kanyang tiyan habang hinimas-himas iyon. She knew to herself that this old woman had a point. May punto ito at nakakapag-isip din siya ngayon. Pero paano nalang ang hinahanap niyang lalaki na nagligtas sa kanya noon? “Ma, pakihanda daw po ng gamit ni Kuya na nasa kuwarto niya. Dadaanan niya daw po dito ngayon,” sigaw ni Calli na nasa sala. Wala naman siyang pakialam kung maabutan siya ng Kuya nito. Ang totoo gusto niya ring makita at makilala ang Kuya ni Calli pero dahil masyadong gabi na kaya nag paalam narin siya. Wala na ring magawa ang mag-ina kundi ang pakawalan siya kahit bitin sa oras ang kamustahan nila. Kumaway siya sa mag-ina bilang pamamaalam nang biglang may bumusina sa likuran ng kotse niya kaya isinarado na niya ang bintana ng kotse at sinimulan nang pihitin ang manibela para umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD