Chapter 2

1478 Words
Chapter 2 [ Twinkle ] Huminga ako ng malalim at tiningala ang building na nasa aking harapan.  Buenavista Group of Companies. Napalunok ako ng ilang beses para pakalmahin ang aking buong katawan dahil sa kaba. Hindi alam ni Fritz na dito ako magpupunta, ang paalam ko sa kanya ay dadalaw ako sa puntod ng aking mga magulang. Hindi kasi ako mapapalagay hanggat hindi ko nakakausap at nakakaharap ang lalaking mahal na mahal ng bestfriend ko. Iba ang sitwasyon na kakaharapin ni Fritz lalo na at alam kong may malaking galit si Sean dito. Hindi ko maintindihan sina Tito Alaric kung bakit kinailangan nilang sundin ang kagustuhan ni Fritz.. Sa kalagayan niya ngayon natatakot akong masaktan siya at mauwi sa isang atake.. na maaari niyang ikam--------------- Napailing ako sa tinatakbo ng aking isipan. Hindi iyon mangyayari.. hindi ako makakapayag na masaktan siya..  Taas noong naglakad ako papasok ng building.  " Good Morning po, Maam." may ngiti sa labing bati sa akin ng isa sa mga security guard na nagbukas na salamin na pintuan sa aking harapan. Bagamat pinagmamasdan nila ako mula ulo hanggang paa dahil sa aking kasuotan na para akong college student dahil tanging maiksing short na maong, white polo shirt at isang itim na chucks ang aking suot.. mistula akong napadpad o naliligaw sa kanilang harapan. Hindi ko naman maiaalis sa kanila iyon dahil sa nakikita ko sa paligid lahat sila pormal, naka pang office attire. At isa pa alangan namang mag office attire gayung ang init init ng klima sa Pilipinas. " Good Morning. " " Ah, Maam may appointment po ba kayo? Or isa po kayo sa mga istudyante na mag O-OJT di-------------------- Sinasabi ko na nga ba at iyon ang iniisip nila sa akin. Kahit pa nga mataas ako sa pangkaraniwang babae dahil ang aking height ay 5"8 . Madalas pa rin akong mapagkamalang estudyante, hindi ko alam kung bakit basta ang sabi sa akin ng aking mga kaibigan baby face daw ako.. sa edad kong 24 napagkakamalan akong 18 years old. Pero dahil wala akong appointment at biglaan ang aking pagsugod dito minabuti ko ng sakyan ang sinabi ng isang security guard sa akin. Saka na lang ako iisip ng palusot kapag nakarating na ako sa sekretarya ng kumag na lalaking iyon. " A-Ah opo, balak ko pong mag fill up ng form para sa OJT. Saan po ba pwedeng mag-------- "Ay maam, pumunta na lang po kayo doon sa information desk, kunin niyo sa isa sa mga attendants doon ang form. " " Thank you po. " nakangiting tugon ko sa kanya bago ako naglakad papalapit doon sa itinuro niya. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Marami akong nakikitang naglalakad at iniiwasan ako dahil sa kanilang pagmamadali, nilinga ko ang mga security guard na nasa aking likuran. Nakatalikod ito sa akin at nag uusap. Humarap ako sa information desk at kasalukuyang may tatlong tao doon na nakatayo. Huminga ako ng malalim at naglakad ako ng may pagmamadali patungo sa elevator na nasa kanang bahagi ko lamang. Nakisabay ako sa apat na babaeng nagmamadaling pumasok doon. Halos hindi ako humihinga dahil sa kabang aking nadarama.  What now.. ni hindi ko alam kung anong floor ang kinalalagyan ng lalaking iyon. Kung nasaan ang kanyang opisina. Ang tanga tanga ko kasi.. wala akong kaplano pl------------- " Shet!! ang gwapo gwapo talaga ni Sir Sean!! Kahit na nga ubod ng sungit nun.. hindi ko pa rin maiwasan na matulala sa tuwing nasa harapan ko na siya. " sabi ni Girl 1 na mataba.  Nasa likuran ako ng apat na babaeng aking kasabay na wala ng ginawa kundi ang maghagikhikan sa aking harapan.. Damn! ang titinis ng boses.. nakakairita... pero did she just said S-Sean?  " Tama!! kahit pa nga laki niya akong pinapagalitan ayos lang basta ba masilayan ko ang kanyang kapogian. " Girl 2 said na parang maiihi o matatae na ewan dahil sa kilig.  " Sorry na lang kayo, ako ang magdadala ng report na pinabibigay ni Mrs. Salameda. Kaya pasensya na lang kayo dahil masisilayan ko na naman ang lalaking aking iniibig. " the 3rd Girl said na kulang na lang mapunit ang labi dahil sa malaking pagkakangiti. So siya lang pala ang dapat kong  sundan dahil doon siya patungo.. kung sinuswerte ka nga naman. " Ay!! ang daya!! " " Sayang ahhhh!!!" Naitakip ko ang aking dalawang kamay sa aking magkabilang tenga dahil sa sobrang lakas ng sigaw nilang dalawa. Idagdag mo pang kulob at maliit lang ang space ng elevator. Makasigaw akala mo sob---------------- ting " Ciao girls!! " mabilis akong sumunod sa babaeng iyon na nagmamadaling lumabas ng elevator muntikan pa ngang matumba yung dalawang babaeng nakaharang sa aking daraanan. " Sorry." pahabol kong sabi sa kanila habang nagsasara ang elevator.  This is it.. wala ng atrasan ito. Naglakad ako papunta sa isang pintuan na may nakalagay na Office of the CEO. Luminga linga ako sa paligid para hanapin ang kanyang sekretarya pero talagang sinuswerte ako at wala iyon doon sa kanyang pwesto, napangiti ako ng malaki ng dahil doon. Hinawakan ko ang doorknob  at iniiikot iyon pabukas only to be stop dead on my tracks when suddenly may isa pang kamay na pumatong sa aking kamay. " Going somewhere Miss? " hindi ako pwedeng magkamali, kahit ilang taon kaming hindi nagkita.. kilalang kilala ko ang kanyang boses, may kaunti mang pagbabago pero kahit kailan ganoon pa rin ang epekto noon sa akin. Hindi ko magawang lingunin ang pinanggalingan ng malamig at malalim na tinig na iyon. Hinatak ko ang aking kamay na nakahawak sa doorknob dahil hindi ko gusto ang kilabot na aking nararamdaman dahil lang sa simpleng paglalapat ng aming mga balat.. tapos yung puso wala ng tigil sa mabilis na pagtibok na akala mo aatakihin ako sa puso.. damn!! so many years have past pero ------- Sean Buenavista how can you do this to me? I swear to God.. matagal ko ng naibaon sa limot ang nararadaman ko sayo. " M-Mis------------- untag niya sa akin ulit, pero umatras ako papalayo  at dahan dahan akong humarap sa kanyang direksyon .. nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagbuka ng aking bibig ng bahagya.. ang gwapo.. ang gwapo gwapo niya!!  damn it Twinkle kumalma ka!! parang ngayon ka lang nakakita ng gwapo samantalang sa amerika naglipana sila.. p-pero------------ hindi kasing gwa---------------- " You look very f-familiar. Have we met before, Miss?" daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang pag angat ng sulok ng kanyang labi na tanda na natutuwa siya sa pagmumukha kong tanga... I mean I admit.. Im drooling over him pero masisisi niyo ba ako? Mula sa kanyang buhok na parang hindi sinuklay, sa mga matang kulay dagat, ang ngiting iyon na nakakapagpalambot ng tuh------------  That very familiar gesture and mannerism..Pinagtatawanan niya ako.. deep inside pinagtatawanan niya ako.. wala na talaga siyang ipinagbago..kahit noong mga bata pa kami.. ganyan na siya..  napakalakas mang  bully.. ako ang pinakapaborito niyang asarin at paiyakin.. kung hindi niyo naitatanong sa kasamaang palad magkababata kaming tatlo  Si  Fritz  ako at si  Sean.. tanging si Fritz lang naman ang hindi niya kayang paiyakin at asarin..  kasi ito ang paborito niya no.. I mean ang mahal niya. Nakakainis bakit ba hinahayaan kong maglakbay ang aking diwa sa nakaraan?. Eh ano naman kung bagay na bagay sa kanya ang black three piece suit  na suot niya, kung mukha siyang greek god dahil sa tindig at pagkakatayo niya sa aking harapan.. kung mukha siyang hari dahil sa otoridad na aking nakiki------------ peste!! wala akong oras na papurihan siya maghapon dahil si Fritz ang dahilan kaya ako nandito sa kanyang harapan. I cant be like this. Matagal ko ng kinalimutan ang pagmumukha niya, matagal ko ng pinatay ang mga bagay na nagpapaalala sa mga nakaraan naming dalawa.. kaya kailangan kong panindigan iyon.  Lumunok ako ng maraming beses at huminga ako ng pagkalalim lalim para bawiin ang aking huwisyo na tila hangin na tinangay ng kanyang presensya. Inilahad ko ang aking kanang kamay at tila balewalang sinalubong ko ang kanyang mga mata na pinag aaralan akong mabuti, bahagya pang nangingig ang aking kamay pero nakabawi rin ako agad kahit pa nga naramdaman kong tumutulo na ang aking pawis sa noo pababa sa aking pisngi kahit pa nga full air condition ang aming kinalalagyan.. grabe naman kasi siyang makatitig.. nakakailang.. At talaga bang ganun kalaki ang pinagbago ng aking itsura at hindi niya ako maalala. Tsss.. " I'm Twin----------- " Wow still the same as ever, Kelly. Hanggang ngayon para ka pa ring asong sunud sunuran kay Fritz. Wala ka pa ring sariling pag iisi------------- Kelly.. He fvcking called me Kelly.. siya lang ang tumatawag sa akin ng ganyan.. kapag trip na trip niya akong buskahin!!! the nerve of this man!! how dare him!! compare me to a lap dog!! wala siyang alam!! wala siyang karapatan na insultuhin ako lalong lalo na ang bestfriend ko!! walang hiya talaga siya!! walang puso!! walang kapreno preno!! just like the old times!! wala pa rin siyang pinag bago!!! binabawi ko na ang lahat ng sinabi kong papuri sa kanyang kanina !!  " Damn you Ian!!! hindi ako aso!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD