Chapter 1

2112 Words
Chapter 1 [ Fritz ] NAIA INTERNATIONAL AIRPORT... Its good to be back. Ilang taon ba akong nawala sa Pilipinas?  4 years.. 4 years have past. Napangiti ako sa mga taong nakikitang kong hindi magkamayaw sa paglalakad sa aking paligid. Ang mga balikbayan na katulad kong napakalaki ng mga ngiti sa kanilang mga labi dahil kagaya ko sa wakas makikita na rin nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Parang tanga kong sinamyo ang paligid.. na para bang may maaamoy akong kakaiba gayung wala naman.. Talagang hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik na ako. Huminga ako ng malalim, ipinikit ko ang aking mga mata  at umusal ng mahinang pasasalamat sa diyos dahil binigyan niya ulit ako ng isa pang pagkakataon na makabalik sa aking pinagmulan. Nagsimulang manlabo ang aking paningin,  huli na ng mapagtanto kong lumuluha ako. Bago ko pa man mapahid iyon para hindi mapansin ni Twinkle Dicen  ang aking  bestfriend at private nurse.. narinig ko na ang tinig niyang punung puno na ng pag aalala. " Fritz, are you alright? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?" hawak hawak na niya agad ang aking kanang palapulsuhan habang binibilang niya ang t***k ng puso ko doon. Kagat labing napailing na lang ako dahil sa ginagawa niya. Nasa panic mode na naman siya, nakahinga lang siya ng maayos at kumalma lang  ng matiyak niyang ayos lang ako, na walang problema sa akin. Kinuha niya ang kanyang panyo na nasa bulsa ng pantalon niya sa likuran at marahan niyang pinunasan ang aking magkabilang pisngi.  " S-Stop crying Fritz, bago ko pagsisihan kung bakit hinayaan at pumayag ako sa kagustuhan mong umuwi tayo dito sa Pilipinas. Im really against it l-lalo na sa k-kalagay------------  " Im fine, Kels. Ayos lang ako. Maayos na ang kalagayan ko.  Ilang beses mo pa ngang  pina ulit ang tests hindi ba? P-Please kahit ngayon lang o sa buong duration na pag stay natin dito sa Pilipinas  kalimutan muna natin iyon. Nakakapagod marinig sa inyong lahat ang salitang ' are you alright?' na para bang may mangyayari sa aking masama. Na parang any moment now magco collapse ako. Dont mind my tears.. its just tears of happiness dahil sa wakas nakabalik na ako.. Alam mo naman kung gaano ko namis ang Pilipinas hindi ba?" punung puno ng pakiusap ang aking tinig habang hawak hawak ko ang kanyang dalawang kamay, magkaharap kami habang nakatayo kaming dalawa. Kunut noong pinagmasdan niya ang aking itsura. . pinag aaralan niya ang aking mukha na para bang may hinahanap siya doon. Bumuntong hininga siya ng pagkalalimm lalim bago siya nagsalita ulit.  " If I know, hindi naman talaga Pilipinas ang namis mong bruhilda ka.. kundi ang lalaking iyon. Tss.. kahit kailan talaga para ka pa ring bata kung umiyak at magdrama.. Umayos ka oy ipinapaalala ko sayo 23 years old ka na. At isa pa.. alam mo naman na nag aalala lang kami sayo, hindi ba? Alam mo naman ang traumang dinanas namin sayo noon, kaya wag ka ng magtaka kung bakit ganito kaming ka paranoid pagdating sayo. " mahigpit ko siyang nayakap ng dahil doon, dahil alam kong nakuha ko na ang loob niya.. nadala ko na naman siya sa paglalambing.   " Salamat twinkle ko. . salamat talaga. " bulong ko sa kanya ng paulit ulit. Tinapik  tapik niya pa ang balikat ko.  " Siguraduhin mo lang na hindi ka masasaktan ng damuhong lalaking iyon dahil sinasabi ko sayo.. isang sakit lang ang kaya ng puso mo, Fritz. At mapapatay ko talaga siya kapa----------- " Shhhh.. pangako, hinding hindi niya gagawin sa akin iyon. At kung sakali mang mangyari iyon, ako na mismo ang magtitigil ng kabaliwan ko, Twinkle. I-I just want to help him. I just want to be there for him lalong lalo na ngayon na nanganganib bumagsak ang negosyo nila. Gusto kong ako ang maging kadamay niya. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal di ba? W-Wala ehh siya lang talaga.. siya lang ang nagmamay ari ng puso ko, kay------------- " Ipinapaalala ko lang sayo, Fritz baka nakakalimutan mong galit siya sayo.. galit na galit siya sayo. He hate you.. no hate is not the right word.. more on he despise you dahil iniwan mo siya hindi ba? iniwan mo siya ng walang paliwanag.. what made you think that he will accept your help? Ganyan ka na ba talagang kadesperadang makabalik sa kanya? " kagat labing napatungo ako dahil sa mga sinabi niya. Dahil pasok na pasok at shoot na shoot sa banga ang mga sinabi niya. Every word she said sting.. huminga ako ng malalim bago ko sinalubong ang mga mata niyang punung puno na naman ng pag aalala. I smiled to her.. and  pinched her cheeks.. hard.. yung talagang magmamarka sa balat niya.. hahahha.. ganyan ang ganti ko sa kanya sa tuwing napipikon ako ehh.. di ko kasi kayang magalit sa kanya.. dahil, kahit mayroon kaming hindi napagkakasunduan .. mahal na mahal ko siya para ko na siyang kapatid.. bestfriend ko siya ehh kaya alam niya ang makabubuti sa akin. Sa sobrang tagal ng pinagsamahan namin.. masyado kaming close.. to the point na kaya siya nag nurse dahil sa akin.. sa akin para maalagaan niya ako ng mabuti. " O-Ouuuchhhh.. a-aray.. Fritzzzz m-mashaaaakit.. ------  o-oo na.. tatahimik na ako.. bi-bitawww naaa!!! " yun lang naman ang hinihintay ko ehh, binitawan ko ang kanyang mga pisngi at nagsimulang maglakad pero mabilis naman siyang sumunod. " Fritz, Im serious. If he hurt you and made you cry ako na mismo ang kakaladkad sayo pabalik ng New York sa ayaw mo man at sa gusto.  I really cant believe Tito Alaric and Tita Celestine agree with this.. even your brute brother.. mapapahamak ka ehh, masasaktan at masasaktan ka.. marami namang paraan para makatulong sa kanila, hindi mo na kailangang ipain sa buwayang iyon ang sarili mo.. marriage for business merge--------------------- "A-Ako n-naman ang m-may gusto noon.. ako ang h-humiling s-sa kanil------------- " Whaaat!!? nababaliw ka na ba talagang babaita ka!! W-What the hell were you thinki---------- hinablot pa niya ang kanang braso ko dahilan para mapatigil kaming dalawa sa paglalakad. Tikwas na tikwas na ang ang dalawang kilay niya tanda na talagang nagagalit na siya sa akin. " Mahal na mahal ko siya, Twinkle. Kahit anong gawin kong paglimot sa kan--------------- " Putsa!! one day, yang letseng pagmamahal mo na yan ang papatay sayo ng maaga, Fritz!!! I really cant believe this. Ano bang meron sa lalaking iyon at patay na patay ka at hulog na hulog ang puso mo doon!! Pwede ka namang magmahal ng iba, wag lang sa kanya dahil alam nating dalawa n----- Ayokong marinig.. ayokong marinig ang mga sasabihin pa niya dahil alam kong mababanggit niya ang pangalan ng babaeng iyon.. ang babaeng naging dahilan ng lahat ng kaguluhan sa buhay ng lalaking aking pinakamamahal. Masakit.. masakit isipin na nagmahal siya ng iba bukod sa akin. Nagmahal siya ng  todo at nakalimutan niya ako.. samantalang ako sa bawat oras, araw, buwan at taon na dumaan kahit kailan hindi ko siya naisip ipagpalit.. hindi ko naisip na humanap ng iba dahil siya lang.. siya lang ang  pinangarap kong makasama habang buhay.. nagkataon nga lang na kinailangan kong lumayo dahil na rin sa aking kondisyon. " J-just p-please stop.. stop a-and s-support m-me, Twinkle. " parang wala sa sariling ginulu gulo niya ang kanyang maikling buhok ng dahil sa sobrang frustrations sa akin. Inis na inis siya, kitang kita ko ang ebidensya sa namumula niyang magkabilang tenga at sa mga mata niyang hindi tumititig sa akin.. dagdag mo pa ang kamay niyang nanginginig.  " F-Fine!! Pero hindi pa tayo tapos mag usap tungkol dito!! Let's go at baka naiinip na sila sa atin sa arrival area. Narinig mo ako Fritzielyn  Jade Montemayor, mag uusap pa tayo. " puno ng conviction na sabi niya sa akin habang hawak hawak niya ang aking kanang kamay. Seryosong seryoso siya dahil binanggit niya ang buo kong pangalan. Hinihila niya ako pero nasasabayan ko naman siya. . napangiti ako at bahagya kong pinisil ang kanyang kamay. Nilingon niya ako at ngumiti siya ng tipid sa akin and murmured ' I love you '. " Love you too, Twinkle ko. " napawi pansamantala ang aking agam agam. Nakaramdam ako ng kasiyahan lalo na sa tuwing maiisip kong magkikita na rin kami sa wakas. Ang tagal tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon.. na muling makita ang lalaking una ko sa lahat ng bagay.. una kong crush, puppy love, boyfriend, una kong halik.. una kong yakap maliban sa aking mga magulang at kapatid.. ang una kong pag ibig..  Sean Buenavista..  ' G-Ga '  magkikita na tayo.... ------------------------- Pabalandrang bumukas ang pintuan ng aking opisina. Pero kahit pag angat ng tingin hindi ko magawa dahil tutok na tutok ako sa pagbabasa ng paulit ulit sa contract ng mga Lim. Ito na lang kasi ang last na barahang hawak hawak ko para maiahon ko ang aming kompanya sa pagkalugi at pagbagsak. Its a multimillion contact na makakasalo sa pagkawala ng mga Ayala sa amin. " Lisa, di ba ang sabi ko ayaw ko ng istorbo ngayon. Pinacancel ko na lahat sayo ang schedule ko di ba? At isa pa wala akong oras humarap ngayon sa kani------------- " But we need to talk son. "  Napasandal ako sa sa swivel chair ng mabosesan ko ang may ari ng  tinig na iyon. Its Dad at kasama nito si Mommy na may alanganing ngiti sa labi. Lumapit siya sa akin at agad akong dinampian ng masuyong halik sa aking noo habang nakaupo ako. I just smiled at her gently and kissed her right cheek. " Mis na mis na kita anak, hindi ka na umuuwi sa bahay. Halos two weeks na, saan ka nagpupunta ha? kahit pagtawag hindi mo man lang magawa. " " And look at you. Natutulog ka pa ba? Nakakain ng maayos? Pinababayan mo ang saril------------ "I'm fine, dont worry about me. Busy lang talaga ako Mom. Nirerebisa ko pa ang contract at presentation para sa mga Lim. Alam niyo namang kailangan kong makuha at ma close ang multimillion proposal na iyon hindi b---------------- " You dont have to that, Sean. Actually kaya kami nagpunta dito  para pag usapan ang malaking problema ng ating kompanya. " kumunot ang aking noo ng dahil sa mga sinabi ng aking ama na seryosong seryoso na nakatingin sa akin habang nakaharap mula sa aking kinauupuan. " Ano pong ibig niyong sabihin?" " Mayroon na akong nakitang makakatulong sa atin para makabawi tayo dahil sa pagkawala ng Ayala International. Actually last week ko pa siya nakausap, ilang beses na kitang pinuntahan dito pero hindi kita madatnan at hindi ko rin makontak ang phone mo. At sa totoo lang hinihintay na lang nila ang aking sagot. They were willing to help m------------- " Wala ka bang tiwala sa akin Dad? " may bahid na inis kong tanong sa kanya. Naikuyom ko ang aking dalawang kamao sa inis na unti unting bumabangon sa aking dibdib. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon at krisis, kaya nga ginagawa ko ang lahat lahat ng makakaya ko para maitama ko ang lahat ng aking pagkakamali. Losing Ayala International because of my damn foolishness was a great mistake on my part pero hindi ko naman masisisi ang pamilya ni Yann------------ ipinilig ko ang aking ulo para mawala ang masalimuot na alaalang iyon. Hindi nakakabuti ang patuloy kong pag iisip sa kanya. Mas lalo ko lang nararamdaman ang sakit sa aking dibdib na hindi na yata mawawala, dahil sa aking katangahan at kagaguhan. " Hindi ganoon ang ibig sabihin ng Dad mo iho, an-------- " Then what?  I know I f****d up big time. Kaya nga inaayos ko ang problema, kaya ako gumagawa ng par---------- " Watch your mouth, Sean. Daddy mo pa rin ang kausap mo. " panenermon sa akin ni Mommy habang nakakunot ang noo. " Hindi dahil sa wala akong tiwala sayo anak. Pero kaunti na lang ang oras na natitira sa atin. We need to fixed everything bago mawala lahat ang mga pinaghirapan nating lahat. Hindi  kita sinisisi sa mga nangyari. Kung tutuusin hindi pera ang pinag uusapan natin dito, dahil kahit hindi ka magtrabaho at makabawi kaya pa din nating mabuhay ng marangya.. We have enough money na kahit ang mga kaapu apuhan mo pa ay makikinabang.. But were talking about legacy here.. your great grandfather legacy at ang mga taong buong buhay nila dito na nagtrabaho." Pikit matang bumuntong hininga ako. Nakokonsensya ako.. tama si Dad.. tama siya. " Sino? Sino Dad ang nakausap mo na tutulong sa atin? " " Ang Montemayor Group of Companies. Ang Tito Alaric mo. " Nagsimulang bumilis ang t***k ng aking puso. Para akong tangang napatulala sa kanilang harapan. Nawalan ako ng kakayahang makabawi.. dahil naglalakbay na ang aking isipan sa isang babae na matagal ko ng ibinaon sa limot..  ang u-una kong p-pag ibig.. ang kanyang mga mata.. ang kanyang ilong.. labi.. ngiti.. boses.. Teka bakit ko nga ba iniisip ang babaeng iyon?   I made a mistake of loving her.. That sweet angel face of a devil.. Damn you Fritz!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD