DAY 46 September 22. Thursday AWARE ako na napanood rin ni Mama ang video ng argumento namin ni Papa. Pero mukhang sinusubukan niya umakto na parang walang anuman kaya hinayaan ko na lang siya. Lalo at siya pa ang kusang kumatok sa kuwarto ko para ayain ako mag breakfast na siya raw ang personal na nagluto. Ayokong sirain ang umaga niya kaya ngumiti na lang din ako at sumama sa kaniya pababa sa dining room. Kumakain na kami ng breakfast nang marinig namin ang malakas na lagabog ng front door. Then narinig ko ang mabigat at mabilis na mga yabag. Nagkatinginan kami ni Mama. Parehong na-tense. Kasi alam namin pareho kung sino ang bagong dating. “Hindi siya umuwi kagabi?” gigil na tanong ko. Mariing tumikom ang bibig ni Mama at tumango. I clenched my fists in anger just when my father e
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books