DAY 19 August 26. Friday SURPRISINGLY, I wasn’t able to focus on my classes today. Gusto kong paniwalaan na na-di-distract ako ng ingay at kasiyahan sa buong campus. May parade pa kasi at kung anu-anong pakulo ang student government bago tatahimik ang buong school mamayang hapon kasi pupunta naman ang halos lahat ng estudyante sa hotel kung saan ang venue ng dance party. I’m sure hindi ako distracted sa kakaisip kay Kira. Na hindi ako distracted sa fact na kami ang magka-date sa party. I’m sure it’s not because I’m looking forward to seeing her again. After ng last class ko umalis na rin ako ng campus para umuwi sandali. Kailangan ko rin kasi magpalit ng damit. Then bago ako magmaneho papunta sa subdivision niya tinext ko muna siya kung ready na si