Lunes na naman. Nasa dibdib ko na naman ang kaba, ang takot, at ang nerbiyos. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Steven kung sakaling magkakaharap kami sa araw na ito. Noong nakaraang linggo, sinuwerte ako. Hindi ko lang alam kung magiging masuwerte pa rin ako sa linggong ito. "Ano ito?" nagtatakang tanong ko kay Manuel na isa kong kaklase habang inaabot niya sa akin ang notebook niya. "May nakasulat dyan sa likod. Basahin mo mamaya dahil andyan na si Ma'am," pabulong niyang sagot sa akin habang natatakpan ng libro ang mukha niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga kaklase ko na bantay-sarado ako ng mga teachers namin. Napailing na lang ako sa kaklase ko at patagong binuksan ang notebook na iniabot niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nilalaman ng sulat na nasa li