Chapter 6

1273 Words
"I'm very sorry, Darcy. Nawalan ako ng kontrol." Hindi ko siya pinansin. Pinahid ko ang isa na namang luha na nalaglag mula sa mata ko. Kahit na hindi niya itinuloy ang pagpasok sa akin kanina nang lubusan, ay may pumasok pa ring bahagi ng p*********i niya sa akin at nagdudulot pa rin iyon ng hapdi sa likuran ko. "Please, patawarin mo ako. I promise, I won't let it happen again without your permission." Napailing ako sa kanya. Hindi ko na paniniwalaan pa anomang sasabihin niya. Sirang-sira na siya sa akin. Sinira niya ang tiwala ko sa kanya. Attorney pa naman siya pero sinungaling siya. "Please talk," muli niyang pakiusap. "Ayoko nang makita ka, Attorney. Ito na ang una at huli. Sinabi mong hindi mo na kami guguluhin ni Carla kaya sana ay panindigan mo iyon," matigas kong lahad. "Ayoko, Darcy. Paninindigan ko ang nasimulan ko na. I'll talk to your parents. I want a formal relationship with you." Napanganga ako sa kanya. "Hindi kita mahal, Attorney. Si Carla ang mahal ko! At kahit na... Kahit na muntik mo na akong... maangkin kanina, hindi nangangahulugan iyon na mamahalin na kita! Sigurado rin ako na ayaw sa'yo ng mga magulang ko. Sigurado akong hindi nila gugustuhin na makarelasyon kita!" Natigilan ako nang magdilim ang ekspresyon ng mukha niya. "Lalo na... lalo na kapag nalaman nila ang ginawa mo sa akin kanina. Abogado ka kaya alam mo ang tinutukoy ko!" pagtatapang-tapangan ko sa kanya. Nagsipagtayuan ang mga balahibo ko nang tuso siyang ngumisi sa akin. "Sa'yo na mismo galing na abogado ako, Darcy. And it seems like I have to use it to convince your parents to allow you to have a relationship with me. Sino ba ang makakapagpatunay na ayaw mo sa ginawa ko sa'yo? Kusa kang sumama sa akin. Masaya ka kaninang kumakain at namamasyal tayo. Sa paningin ng lahat ng naroroon kanina at naging saksi natin ay may malalim tayong relasyon na dalawa. Hinalikan kita at sinagot mo ang mga halik ko. Ikaw pa nga ang kusang naghubad ng mga damit mo at tinulungan mo pa akong hubarin ang suot ko. Nang sabihin mong ayaw mo, ang ibig sabihin niyon para sa akin ay ayaw mong tumigil ako. Hindi ba at dapat ka pang magpasalamat sa akin dahil gusto kong panindigan ang pag-aalis ko sa kainosentehan mo?" Pakiramdam ko ay sinisilaban na ng nagbabagang apoy ang buong mukha ko. Napanganga rin ako sa mga sinabi niya. Napakatuso niya! "Baka naman kaya galit na galit ka at naninindigan na ayaw mo dahil hindi ko itinuloy, Darcy? Huwag kang mag-alala. Kapag nakuha ko na ang pagpayag ng mga magulang mo ay aaraw-arawin kita." "Napakamanyak mo, Attorney!" "Seryoso ako, Darcy!" Singhal niya sa akin kaya natameme ako. "Ipagdasal mo na pumayag agad ang mga magulang mo or else, gagamitin ko ang pagiging Simon ko sa inyo." Iyon ang huling sinabi niya bago tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Nagmamadali akong bumaba ngunit mas maagap si Samuel Simon. Kaagad siyang nagpunta sa tabi ko at umakbay sa akin kaya naman napatitig sa amin ang mga magulang kong naghihintay sa aming pagdating. "Pasensya na po kung ginabi kami sa biyahe. Masyado po kasing nag-enjoy si Darcy kanina," mabait niyang sabi sa mga magulang ko. Namutla naman ako dahil sa double meaning na tono ng boses niya sa salitang nag-enjoy. "Ah, okay lang naman po, Attorney. Linggo naman bukas," sagot ni Mama sa kanya. "Pumasok ka na at magbihis, Darcy," pormal namang sabi ni Papa. Nahalata iyon ni Samuel kaya naman pumisil ang kamay niya sa balikat ko bago niya ako binitawan. "Maaari ko ba kayong makausap ng pormal, Mr. and Mrs. Monte?" Nagtatakang napatingin si Mama sa kanya samantalang mukhang nakaramdam na si Papa. "Hindi po ba pwedeng sa munisipyo na lang, SPM?" walang kangiti-ngiti niyang tanong. "Personal ang sasabihin ko, Darius." Pumormal na rin si Attorney Simon kaya lalong nagkatensiyon. "Tara po sa loob, Attorney," paanyaya na ni Mama. "Darcy, umakyat ka na para makapagbihis ka," utos nito nang nasa loob na kami ng bahay. Nagmamadali na akong umakyat nang hindi lumilingon kay Attorney. Hindi ko ipinahalata sa paglalakad ko na mahapdi pa rin ang likuran ko. Mabilis akong kumuha ng tuwalya at saka dumiretso sa banyo. Kaagad kong hinubad ang suot ko at napalatak ako ang makita ang mga marka ng sipsip at kagat ni Attorney. Napangiwi ako nang muling manhapdi ang gitna ng likuran ko. Nagkasugat pa ako roon. Kagat-labing tiniis ko ang mga hapding naramdaman ko sa buong katawan kong nabasa ng tubig. Sinabon ko nang maigi ang balat ko at umaasang mabubura niyon ang mga marka. Halos isang oras yata ako sa loob ng banyo dahil nang pumasok ako sa kuwarto para magbihis ay naghihintay na sa akin sina Papa at Mama. Kaagad silang napatingin sa dibdib ko na may mga tila pasa na nakakalat. Nahihiyang tinakpan ko ang mga ito ng braso ko at kaagad na akong nagbihis sa likuran nila. Nang muli ko silang harapin at mangiyak-ngiyak na si Mama habang galit ang ekspresyon sa mukha ni Papa. "Totoo nga ang sinabi ni Attorney. May relasyon kayong dalawa at may nangyari na sa inyo, Darcy." Tuluyan nang napaiyak si Mama. "Mama." Umiling ako kaya lalong nagdikit ang mga kilay ni Papa. "Anong ibig sabihin ng pag-iling mo, Darcy?" mapanganib na tanong niya. "Pa, hindi ko gusto..." natatakot kong panimula. "Ang alin? Ang makipagrelasyon sa kanya? Kung gayon, bakit ka pumayag na may mangyari sa inyo?" sabat ni Mama. "Hindi, Ma. Hindi ako pumayag na... na pasukin niya ako pero aaminin kong nadala ako," hiyang-hiya kong pag-amin. Lalo silang naguluhan dahil sa sinabi ko. "Diretsahin mo nga ako, Darcy. Tumanggi ka ba noong halikan ka niya?" Umiling ako bilang sagot. "Umayaw ka ba noong hubaran ka niya?" Nakayuko na akong umiling. Napamura si Papa. "So pumayag ka nga!" Galit na galit niyang singhal sa akin. "Pero umayaw ako noong...noong ipapasok na niya iyong kanya!" Humagulgol na si Mama ng iyak. "At anong ginawa niya noong umayaw ka?!" muling tanong ni Papa. "Naka...nakapasok na 'yung kanya pero...pero tumigil siya at inalis iyon sa akin..." paputol-putol kong kuwento. Matagal kaming natahimik. "Gusto niyang panindigan ang nangyari sa inyong dalawa," mahinahon nang sabi ni Papa. "Pa, ayoko sa kanya. Si Carla ang mahal ko. Siya ang gusto ko." "Kung siya ang gusto mo, sana hindi ka nakipaghalikan sa kapwa mo lalaki! Sana hindi ka nakipaghubaran. Sana napanindigan mo iyang sinasabi mong pagmamahal mo sa nobya mo!" panenermon ni Mama. "Pa..." pagpapasaklolo ko. "Matindi ang hangarin ni SPM na makasama ka sa iisang bahay, Darcy. Sigurado akong hindi niya tatanggapin ang pagtanggi mo sa kanya," nahihirapan ang loob na lahad ni Papa. "Anong gagawin natin, Darius?" nangangamba na ring tanong ni Mama. "Alam natin na nakukuha nila lahat ng nagugustuhan nila. Ano ang magiging laban natin kung ayaw ng anak mo sa kanya? Pareho nating alam kung ano ang kahihinatnan ni Darcy kapag nasa iisang bahay na lang sila. Baka babuyin niya ang bunso natin. Gagawing parausan..." Sa pagkakataong ito ay muli na namang humagulgol ng iyak si Mama kaya pati ako ay napapaluha na rin. Ayoko. Ayoko ng ganong klaseng relasyon at sitwasyon. Kung kanina nga ay napakahapdi na, paano na lang kapag... "Aaraw-arawin kita, Darcy..." Nanginig ako at nanghina nang maalala ko ang pangako ni Attorney sa akin kanina. "Mag-impake ka, Darcy." Halos maputol ang leeg ko nang mabilis kong lingunin si Papa. Seryoso siyang nakatingin sa akin at basang-basa ko sa mukha niya ang pinalidad ng kanyang desisyon. "Dalhin mo ang lahat ng importanteng gamit mo. Aalis ka na sa bayang ito. Magtatago ka mula sa Attorney Samuel Simon na iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD