Nakarating kami sa isang pintuan na nakakandado mula sa labas. Hindi ko sinasadya at napa-sign of the cross ako nang bumukas ang pintuan. May naabutan kami isang tauhan sa loob na nila pinapakain si Steven na bugbog-sarado. "Labas. May bisita iyan," utos na tauhan sa kasama. Agad naman itong sumunod at iniwan na kaming dalawa si Steven sa loob. Tila ako lumulutang habang naglalakad papalapit kay Steven. Nakatunganga lang siya na tila nasa loob ng sarili niyang mundo. Dahan-dahang akong naupo sa tabi niya, pinipigilang maiyak sa nakikita kong itsura niya. Halatang nalinisan na siya ngunit bakas pa rin sa katawan niya ang kalat na pamumula at ang mga sugat at pasa. Namamaga rin ang kanyang buong mukha. Nangangalumata siya. Hapis na hapis ang kanyang mukha. "S--Ste-Steven..." Nangingini