Buong durasyon ng aming hapunan ay tahimik lang ako at nakikiramdam. Ganon din ang ate ko. Sumasagot lang kami kapag natatawag ang pansin namin nina Samuel at Gob. Dumating ang dessert at dumating rin si Valentin. Bumati siya sa lahat habang ako ay napatingin kay Patrick upang makita ang reaksiyon niya sa pagdating ng secret lover niya. Ngunit nanatili siyang tahimik na kinakain ang dessert na nakahain sa harapan niya. "I've got good news for you, Kuya," sabi ni Valentin nang makaupo na siya sa tabi ko. "But first, who is this pretty lady sitting beside Patrick?" tukoy niya sa ate ko na agad na namula ang magkabilang pisngi. Napasulyap naman ako kay Patrick para makita ang reaksiyon niya kung magseselos ba siya sa atensiyong ibinibigay ni Valentin sa ate ko. Ngunit nanatiling seryoso s