Chapter 32

2213 Words

Tumumba si Samuel sa lapag dahil sa ginawang pagsuntok ng kanyang ama. Gulat akong napaestatwa sa aking pagkakatayo. "Walang sinuman ang hinahayaan kong makialam sa ginagawa ko sa buhay ko kahit na anak ko pa." Lalo naman akong nanigas nang ako naman ang balingan ng matandang lalaki. "Sa oras na may gawin kang hindi ko magugustuhan, titiyakin ko na magiging lamang-dagat ka rin kasama ang pamilya mo." Lalo akong nanginig sa sinabi niyang iyon at hindi na nagawang saklolohan si Attorney. Bago kami tuluyang iwan ay nagbilin ito na walang sinuman ang makatututol. "Dito na kayo maghapunan at magpalipas ng gabi." Nang mawala na ito sa paningin ko ay napaupo ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Nakabawi naman na si Samuel at umupo na rin sa tabi ko habang nagtatagis ang mga balikat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD