HADEN: NAPAPANGUSO ako habang nasa opisina ko. Kababalik pa lang namin ni Sofi mula sa bakasyon namin sa isla nila. Pero kailangan ko na ring bumalik sa trabaho dahil may tungkulin akong ginagampanan. Gusto ko sanang makausap sila Mama ng masinsinan. Kahit naman hindi maganda ang ang naging sagutan namin noong nakaraan ay gusto ko pa ring magkaayos-ayos kami. Kung tutuusin naman ay sila ang may mali. Tama bang kampihan nila si Kuya sa pag-set-up sa akin para maikasal ako kay Sofi? Mabuti na lang at naging maayos na ang lahat sa amin ni Sofi. Kahit paano ay nagkaroon ako ng kakampi at masasandalan. Napahilot ako ng sentido habang nakatitig sa laptop ko kung saan pinagmamasdan ang larawan namin ni Kuya. Kahit naman palaging nilalamangan ako ni Kuya mula pagkabata ay hindi ako nagtanim