HADEN: KABADO ako habang naghihintay kami ni Sofi dito sa sala ng mansion na tinuluyan namin. Nakayakap lang naman ito sa braso ko na tila pinapakalma niya ako. Kahit naman kasi Ninong nito ang nagpatawag sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo na't wala akong ideya kung bakit niya ako pinatawag. "Relax, hubby. Nandidito ako," bulong nito na mapatayo kaming may mag-asawang pababa ng hagdanan. Napapalunok ako na naninigas ang kamay. Marahan namang pinipisil-pisil nito ang kamay ko na maramdaman ako dahil magka-intertwined ang mga daliri namin. Napatitig ako sa lalake na ikinabilis ng t***k ng puso kong magtama ang mga mata namin! Natigilan din ang mga ito na sa akin nakatutok ang paningin. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan na dama kong nagsimula na rin akong pamawisan. Dah