HADEN: LUMIPAS ang mga araw na wala namang naging problema sa pagsasama namin ni Sofi. Wala kaming pinagtatalunan at laging open sa isa't-isa. Tuluyan na ngang umalis si Sofi sa showbiz at nagbayad pa ng danyos para sa pag-pull out niya ng kontrata sa agency nito. Hanggang isang umaga. Naipabalita na may parating na malakas na bagyo at magla-landfall ito sa. . . Tarlac! Nag-aalala ako para sa kapakanan nila Papa at Mama. Kahit naman tuluyan nila akong hindi pinapansin ay mahal na mahal ko pa rin naman sila at utang na loob ko pa rin ang buhay ko sa kanila. Nabalitaan ko rin na nanalo si Kuya Hades na governor sa probinsya namin. Masaya ako para sa kanya. Dahil naabot niya ang pangarap niya. Pero nangangamba rin dahil. . . p'wedeng-p'wede na niyang bawiin sa akin si Sofi. Sa nakalipa