Five

2336 Words
CHAPTER 5 JASMINE… PANAY ANG LUNOK NIYA habang hindi maalis-alis ang titig niya sa monitor ng laptop niya. Ilang gabi na ba siyang napupuyat kakapanood ng porn? Isang linggo o isang buwan na yata. Basta matagal-tagal na rin. “Ejeske! May gano’n?” Gulat na gulat siya habang pinapanood ang nangyayari. Nawiwindang siya sa totoo lang, pero at the same time na-a-amaze na siya sa mga nalalaman niya. For the thirty one years of her existence wala siyang kahit na anong bahid ng kamunduhan sa katawan. Kasi wala talaga siyang kabalak-balak na gawin ang bagay na ito. But for a reason, siguro dala na rin ng edad niya. Gusto niyang subukan at gusto niyang magkaanak na. At paano ba magka-anak? Hindi naman iyon mangyayari na ang bata ay ibe-bake sa oven para mabuo. Iyong magmamasa ka ng harina na lalagyan ng tubig, asin at itlog at samahan ng pampaalsa. Ang bata ay nabubuo sa kamunduhan, iyon ang totoo. Hindi totoo ang love making na iyan, hindi totoong nabubuo ang isang bata dahil sa mahal ng babae at lalaki ang isa’t isa. My gulay na cold, e’di sana walang mga batang pinapanganak nang dahil sa na-rape ang mga nanay nila. O iyong mga bata na nabuo sa sinasabi ng karamihan na maling relasyon o aksidente. “Gulay na gold, aksidente? Ano iyon, naglalakad ang babae at lalaki sa kalsada tapos nadapa silang parehas na nakapatong ang lalaki sa babae tapos ano nabuo ang bata? Huwag ako, please. Huwag ako,” ang madalas na sinasabi niya kapag may nababalitaan siyang nabuntis sa mga kaklase o kaya naman ay mga kakilala niya. Babies are made because you lust with someone, nakipag-anuhan ka sa someone na iyon at iyon na nga bata na. No need to sugar coat every words, kasi kahit na anong pagpapaliwanag mo kung paano nabuo ang isang bata. Ending niyan ay nakipag-s*x ka kaya may anak ka. And that’s what she’ll going to do. Hindi naman siya naniniwala sa love-love na iyan kaya better na mag-anak na lang siya. At least kung magkaanak na siya may makakasama na siya sa pagtanda niya. Oh! Well, don’t get her wrong mahal o mamahalin niya ang magiging anak niya. Its her own flesh and blood okay, sa opposite s*x lang naman siya hindi naniniwala na may true love. Hindi ba nasabi naman na niya iyon noon pa na hindi siya naniniwala sa love. “Ay! Tete mo pink!, Mama naman!” sigaw niya ng bigla ba namang bumukas ang pinto. Tutok na tutok pa naman ang mga mata niya sa monitor ng laptop niya, buti na lang at nakatakikod ang laptop niya sa pinto at hindi nakita ng nanay niya ang pinapanood niya. “Ikaw Jasmine iyang bibig mo tatahiin ko na. nagiging bastos na ang bunganga mo ah!” sermon ng nanay niya. Napataas ang kilay niya ng makita ang nanay niya na may dala-dalang mga natiklop na damit. Napatingin tuloy siya sa orasan ng wala sa oras, alas-onse na ng gabi ang sabi sa relos. “Ma, ngayon ka lang nagtiklop ng mga nilabhan ninyo? Gabi na ah!” sita niya sa nanay niya ng dumeretso na ito sa damitan niya para ilagay doon ang mga damit niya. Pinameywangan siya ng Nanay niya nang matapos nitong ilagay ang mga damit niya sa cabinet niya. “Ikaw na bat aka, kanina ko pa sinasabi sa ‘yong ilagay mo na sa damitan moa ng mga ito. Ano ka may katulong? Ako na nga ang nagtiklop tapos makikita ko pa rin sa sala nakakalat doon,” anito na ikinakamot niya ng ulo. Oo nga pala naalala niya na binilin sa kanya ng nanay niya iyon kanina nang matapos silang kumain ng hapunan. “Sorry Mama, hindi na mauulit.” Tumayo na siya, inayos na niya ang laptop niya at naghanda na para matulog. Siguro natutuyuan na siya ng utak kakaaral ng dapat niyang gawin sa big night niya. Tapos isama pa na pagod siya sa dami ng mga damit na tinatahi niya ngayon na order ng soon to be tatay ng anak niya. “Magpahinga ka na, gabi na. kung ano-ano pa ang pinapanood mo. Hindi ka na lang maghanap ng nobyo mo nang gawin na lang ninyo iyang pinapanood mo nang magkaanak ka naman. Hindi iyon napapa-antanda na lang ng krus ang mga tiyahin mo na naririnig ang pinapanood mo sa baba.” Napakunot noo siya at tinignan ang pinapanood, wala namang sound ang pinapanood niya. Sure siya walang nakakarinig ng ungol ng pinapanood niiyang mga babae. “Anong pinagsasabi niyo d’yan Mama?” pagmamaang-maangan niya sa ina. Nakangisi na pinameywangan siya ng nanay niya nang harapin siya nito. “Sus, Jasmine papunta ka pa lang pabalik na kami ng mga tiyahin mo. Nanonood ka ng porn, huwag mo ng itanggi at naka-connect iyang laptop mo sa speaker sa baba at ginagamit naming pang-zumba iyan. Kaya pala madaling-madali kang pumanhik dine sa iyong kwarto. Naku, may pa-f*ck your so good pa iyang pinapanood mo,” ani ng ina na ikinapula ng kanyang mukha. Sh*t nakakahiya! Kaya pala walang sounds, ang akala naman niya dahil sa luma na ang laptop niya ay sira na ang speaker. Bakit ba hindi siya nagtitingin kung bakit hindi gumagana ang speaker niya. “Matulog ka, at bukas ihahanap na kita ng magiging nobyo mo at nang masubukan ang mga natutunan mo d’yan sa pinapanood mo,” sabi ng nanay niya na tumatawang iniwanan siya. “Sus santisimang nakababad sa suka, ano ba namang kahihiyan ito Jasmine!” sermon niya sa sarili niya. Naiinis na nahiga na lang siya at pinilit na matulog. Hindi naman na kailangan pa siyang hanapan ng nanay niya, bukas gagawin na niya ang plano niya. This time sana successful na at pangalawang buwan na niyang susubukan ito. Buti na lang at madalas na niyang nakakausap si Dylan, kaya masasabi niya na medyo close na sila. Pwede na niya itong ayain ng inuman bukas nang maisakatuparan na niya ang maitim niyang balak. “Bukas, makakatikim ka ng isang putaheng hahanap-hanapin mo Dylan,” kausap niya pa sa sarili niya bago siya nagpagulong-gulong sa kama niya habang impit na tumitili. ……………………………… MAAGA pa lang ayos na ang lahat ng mga dadalhin niya sa bahay nila Dylan para sa mga uniform na pinagawa nito para sa mga empleyado nito. May sampo pa lang siyang nagagawa pero dadaalhin na niya dahil iyon ang utos sa kanya ni Dylan. Minsan kahit dalawa pa lang ang natatapos niya pinapadala na sa kanya sa bahay ng mga ito para mapangalanan na at maidala na niya sa empleyado nito. “Ang aga mo naman anak,” sita ng nanay niya sa kanya. “Wala ka bang tatahiin at ang pustura mo naman yata ngayon?” takang tanong naman ng Tiya Salud niya. Tinignan niya ang sarili bago tumingin sa mga tiyahin at nanay niya na nasa sala nila at nakaupo lang at nanonood ng teleserye. Lahat ng mga ito ay nakatingin sa kanya na hinintay ang isasagot niya. “Maghahatid po ako ng mga natapos kong uniform kila Dylan ngayon,” paalam niya sa mga ito. Nang sabihin niya iyon tumingin na ang mga ito sa TV at nagpatuloy na sa pagnonood. Nailing na lang na lumapit siya sa makina niyang panahi at kinuha na ang dadalhin niya mga damit. “Anak, okay lang na gabihin ka. Fight lang, huwag ka ng magpagamit ng condom ha! At sabihin mong isagad ng mabuti nang may apo na kami,” pahabol na bilin ng nanay niya nang nasa may pintuan na siya. Nanlalaki ang mga mata niya na tumingin siya sa nanay at mga tiyahin niya. Buti hindi nakatingin sa kanya ang mga ito, kung hindi nakita ng mga ito ang reaksiyon niya na nanlalaki na nga ang bukas ng mga mata nakalaglag pa ang panga niya at ngang-nga pa siya. Gano’n ba ka-obvious ang gagawin niya o ang balak niyang gawin ngayon araw? Wala naman sigurong nakasulat na “hoy! Makikipag-s*x ako ngayon” sa noo niya para sabihin iyon ng nanay niya sa kanya. “Ma, ang halay ng choice of words ninyo!” hindi niya naiwasan na ireklamo sa nanay niya. Napabalik pa siya sa sala nila at tumayo siya sa tapat ng TV para pansinin siya ng mga ito. Buti na lang at hindi niya pa nabubuksan ang pintuan. Wala naman sigurong kapitbahay nila ang nakarinig sa nanay niya. Naku kung hindi nakakahiya at baka hindi na siya makalabas sa bahay nila kung magkataon. “Ano ba naman Jasmine! Umalis ka riyan at nasa climax na ang pinapanood namin,” reklamo ng Tiya Krising niya. “Jasmine, sus! Hindi ko na nakita kung naghalikan ba si Jose at Pedro!” sigaw naman ng Tiya Cresencia. Nang hindi siya umalis sa kinatatayuan niya hinatak na siya ng Nanay niya. Napapalatak siya habang nakatitig sa nanay niya at sa mga tiyahin niya na parang natalo sa sabong nang makitang commercial na ang nasa Tv nila. “Ikaw na bata ka, KJ ka talaga minsan. Once in a life time lang naming makikita na maghalikan si Jose at Pedro hinarangan mo pa,” reklamo ng Tita Salud niya. Wala na suko na siya sa mga ito, mga pang-out of this world ang trip sa buhay. Abangan ba naman ang halikan ng dalawang lalaki. Nanghahaba na ang nguso na tumuloy na lang siya sa pag-alis, wala siyang mapapala sa mga ito. Baka matuyuan pa siya ng dugo sa katawan at hindi niya pa magawa ang mga plano niya ngayon. Pagdating naman niya sa bahay nila Dylan deretso na siya sa loob hindi na siya hinaharang ng guard kasi kilala na siya ng mga ito. Minsan pa nga para silang kiti-kiti na hindi mapakali kapag nakikita na siya sa labas ng gate. “Oh! Jasmine glad that you were here now,” bati ni Dylan sa kanya. Nakangiti siya kanina eh! Maganda ang mood niya at maganda siya ngayon. Pero nawala ang ngiti niya ng makita ang babaeng nakakandong sa future sperm cell donor niya. Oo bumaba na sa donor na lang ang tingin niya sa hinayupak na playboy na ito. Naiinis siya, kung makalingkis sa bewang ng mukhang espasol na ito akala mo kagandahan ng babaeng ito. Humanda ka sakin mamayang gabi, lulupaypay ka sa akin. Banta niya sa isipan niya kay Dylan. Kahit wala na siya sa mood, hindi niya iyon pinakita sa binata at ngumiti na lang siya ulit. May lumapit na isang tauhan sa kanya para kunin ang mga dala niya. Ilang sandali lang ang hihintayin niya paalisin na naman siya ng mga ito dahil kailangan niyang ideliver na ang mga damit na dala niya. “Sitdown Jasmine,” ani Dylan sa kanya na agad naman niyang ginawa. Kailangan na niyang simulan ang plano niya, kasi sandali lang talaga siya sa loob ng bahay nito. Na palaging nangyayari kapag nagdadala siya ng mga uniform. “Ah! Dylan,” simula niya. Ilang beses siyang napalunok-lunok, kumukuha siya ng lakas ng loob. Kasi naman may espasol na nakaka-distract sa kanya. Hindi lang espasol ang babaeng nakakandong kay Dylan, may sa ahas din. Ang galing maglingkis sa leeg ni Dylan eh! “Yes, may problem aba Jasmine? Kailangan mo ba ng funds? Sandali at magpapaku−” “Naku! Hindi Dylan, may pera pa naman ako na natitira doon sa pinauna mo.” Awat niya sa iba pa nitong sasabihin. Malaki pa ang pera na advance p*****t ni Dylan sa mga order nito, hindi naman niya problema ang paged-deliver kasi inaabutan siya ni Dylan ng pamasahe at extra pay dahil sa abala na ibinibigay nito sa kanya. Malaki na nga ang naiipon niya sa totoo lang. Ngumiti na lang si Dylan at nakatingin na sa kanya, mas lalo tuloy siyang kinabahan. Hindi dahil sa titig ng binata sa kanya kung hindi sa babaeng espasol na nakatitig din sa kanya ngayon. “Ah kasi birthday ko, aayain sana kita na lumabas ngayon. Para pa-thank you ko na rin sa binigay mong malaking project sa akin.” Nahihiya siya habang nagsasalita. Hindi naman totoong birthday niya, hindi naman alam ng lalaking ito ang totoong birthday niya. Ano ba naman ang paki nito sa kanya eh parang tauhan lang din naman ang tingin nito sa kanya. Basta lahat ng kasinungalingan kailangan niya ngayong araw na ito maaya lang niya ng inuman ang lalaking ito. Ngayon kasi siya fertile, kaya kailangan niya ang sperm donor niya ngayong gabi, at walang iba kung hindi si Dylan. “Sure, saan ba ang venue?” tanong nito. Na-distract na naman siya ng humahalik na si espasol girl sa leeg ni Dylan na mukhang nagugustuhan naman ng binata. Tumikhim siya ng tatlong ulit ng hindi na siya tinitignan ni Dylan at nakikipagharutan na sa espasol girl na ito. “Ikaw, ang mamili ng lugar. Wala kasi akong maisip na magandang lugar eh!” sabi niya nang nakatingin na sa kanya si Dylan. Tumango ito na parang nag-iisip ng isasagot sa kanya. “Okay, I’ll text you the place later. Titingin ako kung saan magandang mag-celebrate ng birthday mo. Don’t worry about the bills, sagot ko na. You’re a big help with me, so isipin mo na lang na regalo koi to sa ‘yo.” After sabihin ni Dylan iyon siyang labas naman na ng tauhan nito at iniabot na sa kanya ang mga damit na ide-deliver niya. “Pancho, samahan ninyo si Jasmine ngayon para maaga siyang matapos na magdeliver. Birthday niya ngayon kaya kailangan makapagpahinga siya ng maaga. Thank you Jasmine,” utos ni Dylan sa tauhan nito. Nakangiti siya nang lumabas sa bahay nila Dylan. Nasa side niya ang swerte ngayong araw. Susulitin na niya, baka kasi pati ang pagbubuntis nasa kanya na rin ngayong araw na ito. ………………………….  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD