Six

3953 Words
 Chapter 6 JASMINE… NAPAPANGIWI SIYA habang papasok sa loob ng isang kilalang BAR sa Metro Manila. Dito kasi siya sinabihan ni Dylan na pumunta para sa sinasabi niyang “celebration” ng birthday niya. Kahit kailan talaga hindi niya gusto ang ganitong klase ng lugar. Kaya rin siguro siya naging old maid, manang o matandang dalaga dahil sa wala siyang night life. Ever since na tumuntong siya ng legal age hindi pa siya nagpupunta sa ganitong klase ng lugar ngayon lang. kung hindi niya lang kailangan na malasing si Dylan hindi siya pupunta sa ganitong klase ng lugar. Madilim, maingay na mausok pa, hindi lang iyon madami pang tao na nagsisiksikan na halos ang mga tao sa paligid niya. Malalim siyang napabuntong hininga, para lang mapaubo sa dami ng usok na nasinghot niya. Madaan ba naman siya sa taong nagbuga ng uso ng vape. Alam niyo ba iyon? Iyong vape, susmiyo pinasosyal lang na sigarilyo iyon. “Nasa’n na ba si Dylan? Kainis na lugar naman kasi ito!” bulong niya sa sarili. Kahit napipilitan, sinuong niya ang dagat ng mga tao para lang nakita ang pakay niya. Justo to be disappointed when she saw what her looking for. Dylan was just making out with two girls. Ganito na ba kahayok ang lalaking ito. And may I remind you Jasmine, ito ang gusto mong pagmulan ng genes ng anak mo. Anang parte ng utak niya na against sa gagawin niya ngayong gabi. She feels like there an angel and a demon besides her. Iyong nagtatalong inner goddess niya sa bawat gagawin niya ngayong araw. Maganda naman ang genes niya, gwapo at macho. Yummy naman sa tingin ko. Pwede na, ako naman magpapalaki sa bata. Hindi naman lalaking ganito ang anak ko if ever. Depensa Pa niya sa sariling pag-iisip niya. Parang nai-imagine niya tuloy na umiiling ang Angel side niya. “Ako Pa ba ang magiging choosy dito,” bulong na naman niya sa sarili niya. “Hey! Jasmine,” sita sa kanya ni Dylan ng mapansin nito nakatayo na siya sa harapan nito. Alanganin na ngiwi at ngiti ako ibinigay niya dito. Kung nakita Lang naman nito, kasi binati Lang siya nito tapos nakipaglaplapan na sa katabi. Napailing siya at siya na mismo ang nag-invite sa sarili niya na maupo. Pinakatitigan niya ang mga babaeng kasama ni Dylan. Wala dito si Espasol Girl. Iba na naman ang kasama ni Dylan. Ang sarap paliguan ng Holy water. Ani na naman ng isang bahagi ng utak niya. “Order ka Lang ng gusto mong drinks, and happy birthday by the way.” Sabi ni Dylan sa kanya. Huminga siya ng malalim, napapansin nga siya ni Dylan pero sandali Lang dahil sa mga babaeng kasama nito. Ngayon paano siya didiskarte kay Dylan kung ganitong may ibang nakaligkis sa binata. Naiinis na kinuha niya ang isang bote ng beer na nasa lamesa. Kailangan niya ng pampalakas ng loob, para mamaya maitaboy na niya ang mga babaeng ito sa tabi ni Dylan. Kasi kung hindi niya ito gagawin, mauuwi na naman sa bokya ang lahat. Baka sa susunod na buwan hindi na niya maaya pa sa ganitong klaseng lugar si Dylan at mawala na nang tuluyan ang mga plinano niya. …………………………………. PRESTON… SAME OLD NIGHT, walang namang pinagbago sa nakasanayan na niya. Kaibahan lang wala siyang iniintinding trabaho ngayon. Wala siyang inaabangan na tao na kailangan niyang pakibagayan o pakisalamuhaan. Because he is in his f*cking vacation. Two days one night. At nagsimula iyon kanina nang matanggap niya ang memo galing kay Alpha. Hindi man lang ginawang 48 hours. Talaga twenty four hours lang ang sinasabi nilang bakasyon, ganoon kaimportante ang mga oras sa organisasyon na kinabibilangan niya. How he wished that someday makapagpahinga siya, iyong bakasyon na totoo. Pero alam niya na walang ibang choice, kung gusto niya na nang pahinga mula sa serbisyo kailangan na niyang magpaalam. And that will be happen when he has his own family. Kasi naniniwala ang agency nila na ang pamilya ang kanilang priority. That their company, the SIS o secret intelligence services ay nabuo para sa pagprotekta sa pamilya ng mga Pilipino. Kaya sila nandito para masugpo na ang mga masasamang tao na siyang anay sa gobyerno ng Pilipinas. Tinatawag sila para mag-imbestiga sa mga malalaking kaso na hindi magawa ng mga naka-upong opisyal. Para walang bias na tinatawag, na walang lagayan na nagaganap at maibunyag ang totoong nangyayari sa gobyerno. Most of his assignments are all base on the government, mga tiwaling opisyal na hindi mahuli-huli dahil sa magaling lumusot. Maraming nagtatakip kahit pa ang mga trusted na ahensya ng gobyerno ay may natatagong tiwala rin. Alam naman niyang hindi mauubos ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno. Pero at least he tried to make some difference. Siguro namana niya iyon sa Nanay niya, na kahit wala sa hinagap niyang maging isang government official, nasa dugo niya ang paglilingkod kaya niya naisipan na tanggapin ang alok sa kanya nang SIS o secret intelligence service. Pero mabalik tayo sa bakasyon, sa bakasyon niyang hindi niya alam kung paano niya ma-e-enjoy talaga ng lubusan. Hindi niya pa alam kung maglalasing ba siya o mangbababae na lang siya ngayon. Huminga siya ng malalim, nakatingin sa mga nagpapasukan na mga bagong parokyano ng Bar. Then a group of sexy and gorgeous women came into his view. May pumasok na bagong idea sa isipan niya na alam niyang mag-eenjoy siya kahit pa ilang oras na lang matatapos na ang pinakaaasam niyang bakasyon. “Preston my man!” sigaw ng isang lalaki sa pangalan niya. Nang lingunin niya ito nakilala lang niyang si Greg, isang party goer na nakilala lang niya sa mga Bar. Just like tonight, nag-iinom na naman ang lalaking ito. Parang gabi-gabi naman nasa Bar ito at nag-iinom, wala yatang trabaho ang lalaking ito kung hindi ang mag-Bar. “Hey Greg,” pinilit niyang ngumiti at pakibagayan ito. Wala siya sa mood ngayong gabi. Sabihin nang user siya ng tao, pero wala talaga siyang pakay kay Greg ngayon kaya wala siya sa mood na makipag-usap sana sa binata. Pero nakalapit na ito sa kanya, ano pa baa ng dapat niyang gawin kapag ganito. Alam niyang maling plastikin ang isang tao, but that’s what his good at. Makipag-plastic-an sa mga tao sa paligid niya, people thinks that his a friendly guy. Pero ang totoo niyan, malayo siya sa mga nakikita ng mga tao na ugali niya. Hindi siya friendly, pinipili lang niya ang mga nagiging kaibigan niya. And Greg is one of those people, na pina-plastic niya lang. nilalapitan lang niya ito kapag may kailangan siyang makitang tao na essential sa trabaho niya. Greg as he said, a party goer maraming kakilalang mga tao sa paligid. Mapa-low class man iyan at high class, a high ranking officials, mga millionaire and billionaires. Name it and Greg can help you to find that person. Kaya kahit hindi niya ito totoong kaibigan hindi niya rin ito magawang talikuran at pakitaan ng hindi maganda. “Ang tagal mong hindi nagpakita dito,” ani Greg ng makalapit siya dito. He look around them, his in ‘The Palace’ he mean is they’re at ‘The Palace’. Isa high end bar in the middle of the City, kilala ng mga sosyal at mga pasosyal na mga Manila boy and girl. “Been busy this past few days,” sagot niya. Maka-tagal naman itong si Greg parang totoong ang tagal na niyang hindi nagpunta sa lugar na ito. It’s just three to four days he guess. Nandito siya noong huli para makita kung nagpupunta dito ang anak ng Senete representative na si Gilbert Paed. Nalaman kasi niya na alam ng anak nito ang lahat ng kalokohan ng ama. At kapalit ng pananahimik ng anak nito kailangan ibigay ni Gilbert ang lahat ng kapritso ng anak. Good thing that Paed’s child is a she, ang dali lang niyang napabilog ang ulo. Ilang malanding salita, malanding haplos bumigay na ang anak ni Paed sa kanya. And voila! Just a one night of full of lust and betrayal, nakuha niya ang lahat ng kailangan niyang information tungkol sa ama nito.   Humarap siya sa bartender and he order one glass of rum. Wala siyang balak magpakalasing ngayon, dahil bakasyon niya. Kailangan dilat siya ngayong gabi hanggang bukas ng hapon para ma-enjoy niya ang sinasabi ng boss niyang bakasyon. Kung hindi siya pwedeng magpakalango sa alak, magpapakalango na lang siya sa piling ng mga babae. That’s his plan now, he’ll spend his whole night and whole day with women. Yep plural, kasi balak niyang makipag-ulayaw sa mga babae siguro tatlong babae nang sabay-sabay ay okay na. Makikipag-s*x na lang siya ngayon kaysa sa malasing ng todo, mae-enjoy niya pa dahil makikipag-s*x siya sa babaeng gugustuhin niya at hindi dahil sa trabaho niya. That’s what his mind set of a plan as he saw those beautiful ladies just a minute ago. And his in the bar to get what he wanted, at walang makakapigil sa kanya ngayon sa gusto niyang mangyari. “Good, I have a lot of new faces tonight.” Ani Greg na ikinangisi niya. This is one of the other reason why his sticking with Greg, hindi man niya ito itinuturing totoong kaibigan at least they have in common. They both crave for women. Bukod sa maraming kilalang personalidad ang lalaking ito, marami rin itong kilalang mga babae na talaga namang makakapagpanginig ng laman-laman mo sa buong katawan. “Siguraduhin mong matutuwa ako sa mga new faces na sinasabi mo,” aniya habang sumusunod na sa binata. “Of course kailan ba kita dinis-appoint? Kahit sino nga na hanap mo naibibigay ko,” anito sa tono na nagmamalaki. Napapailing na lang siya habang nakasunod dito, hindi na niya pansin ang mga nasa paligid niya. Masyado pang maaga para sa ganitong party kaya hindi pa masyadong nagwawala ang mga tao. Later halos hindi na mahulugan ng karayum ang gitna ng dance floor. ……………………………… JASMINE… NAHIHILO NA siya, nakarami na siya ng inom at hindi na niya makita pa si Dylan. Sh*t naman talaga. Buong akala niya swerte siya ngayong araw na ito. Pero bakit hindi niya yata napaghandaan na madali siyang malalasing. Just to think of it, isang bote lang ng beer, at dalawang baso ng rum ang ininum niya ito at feeling niya lumulutang na ang buong pagkatao niya. “Dylan!” tawag niya. Mas lalo siyang nahihilo sa ilaw at sa dami ng tao sa paligid niya. Parang mas lalong dumami ang tao, mas umingay at mas lalo dumilim o dahil sa lasing lang siya. Yep, inaamin niya lasing na siya. Iyong plano niyang kukuha lang siya ng lakas ng loob sa alak nawala dahil kaysa bigyan siya ng lakas ng loob binigyan siya ng lakas tama at lakas hilo ng alam. Great! Lasing na ako, kung ano-ano na ang sinasabi ko ngayon. Nagpumilit siyang tumayo para hanapin si Dylan. Kailangan niyang magawa ang lahat ng plano niya kahit pa nagdududa na siya sa sarili niya dahil sa tama ng alak sa utak niya. Bakit ba hindi niya naisipan na madali siyang malalasing. Sana naghinay-hinay siyang uminom. Feeling expert pa naman siya kanina na nakatingin kay Dylan sa mga babaling haliparot habang tinutungga ang bote ng beer. Feeling niya kaya niyang makipagsabayan sa mga ito samantalang first time niya lang namang uminom ng alak. Napaigik siya ng mabangga siya ng kung sino habang nagpupumilit siyang hanapin si Dylan na bigla na lang nawala sa paningin niya kanina. “Sorry,” sabi ng isang babae. Ito siguro ang nakabanggaan niya, natawa siya ng makitang nakasalampak pala siya sa sahig. Hindi man lang niya naramdaman na napaupo siya, sobra na talaga siyang lasing. Tiningala niya ang babaeng nakabangga sa kanya, wala na. hindi man lang siya tinulungan na makatayo, ang galing naman. Naiinis na natatawa siyang tumayo, sa sarili niyang paa. Bigla siyang natawa sa isipin na iyon. “Dylan nasaan ka na ba?” parang siraulo na sabi niya. Pakiramdam niya pinagtitinginan na siya ng mga tao, pero wala siyang pakialam sa mga ito. Bakit maibibigay ba ng mga ito ang kailangan niya? “Ano ba ang kailangan ko?” tanong niya sa sarili niya. “Bakit hindi mo alam kung ano ang kailangan mo, Miss?” tanong ng isang baritonong boses mula sa likuran niya. Nang pumihit siya para harapin ang kung sinong damuho na basta na lang bubulong sa tenga niya kaysa mukha ang una niyang makita parang pader naman ang nasa likuran niya. “Hey, lasing ka na yata Miss,” sabi na naman ng pader. Natatawa na talaga siya sa sarili niya, pati ba naman pader naiisipan na niya ng ganito. Ganito pala ang takbo ng utak niya kapag may alak na laman. “Bakit mo naman nasabi?” tanong niya na tumatawa pa rin. Napaigtad siya ng may mainit at matigas na humawak sa balikat niya. Doon siya napatingala para tignan ang kung sinong nakahawak sa balikat niya. Napanganga siya habang nakatitig sa mukha ng lalaking may pinakamagandang mata sa balat ng lupa. Isama pa ang mga labi nitong nangungusap na parang sinasabi na ‘Jasmine halikan mo nga ako’. At ewan bakit at kung saan siya kumuha ng lakas ng loob at kapal muks, kasi hinalikan nga talaga niya ang lalaki. “T*ngina ang gwapo mo? Anakan mo nga ako!” aniya ng maghiwalay ang mga labi niya. Hindi niya alam kung ano ang naging sagot ng lalaki sa kanya. Pero ang sunod na naaalala niya para siyang nakalutang, tapos nakabaliktad lahat ng tao sa paligid niya. Hindi lang mga tao ang nakabaliktad sa paningin lahat yata ng bagay nakabaliktad na. “Sh*t! baliktad na ang utak ko! O ang mata ko?” aniya habang parang gumegewang din siya. “Aw!” reklamo niya ng maramdaman na may pumalo sa pang-upo niya. “Huwag kang malikot!” sabi ng isang boses lalaki. “Huwag kang malikot!” panggagaya niya sa nagsalita. “D*mn! This woman.” Sabi na naman ng lalaki. Tumawa siya, “d*mn this woman.” Panggagaya na naman niya. Napatili na lang siya ng para siyang ibinalibag, inihagis at iniitsa? Basta all of the above ang sagot niya. Iyon kasi pakiramdam niya. Para pa nga siyang nag-bounce na parang bola nang ilapag, ay hindi ibinalibag, inihagis at iniitsa sa kung saan. “Dylan,” aniya na nanghahaba ang nguso. Naalala na naman niya ang plano niya. Kailangan niyang makita si Dylan, maaya itong mag-check in sa hotel para matapos na ang plano niya. “Sinong Dylan?” tanong ng lalaki. “Ikaw, ang lalaking kukuha ng inosenteng ako! At ibibigay ko ang full performance. Si Dylan.” Aniya at tumawa pa na parang nakikiliti. “F*ck!” malutong na mura ng lalaki. “Pak pak!” aniya na tumatawa na naman. Mahabaging susmaryosep, ganito ba ang pakiramdam ng lasing. Nakakabaliw na paring nakikiliti? ……………………………….. PRESTON… ALL THIS WOMEN are all equally sexy, gorgeous with oozing sexy appeal. But none of this women gets his attention or should he says makes him burned with lust. “Hey my man, tahimik ka?” tanong sa kanya ni Greg. Ngumiti lang siya sabay iling sa lalaki, nagulat naman itong nakatingin sa kanya na para nakakita ito ng multo. Dinala siya nito sa isang VIP room para sana mag-enjoy. Pero naiinip na siya habang nakatitig sa mga taong nag-eenjoy naman sa company ng bawat isa. “I’ll go now,” paalam niya pa kay Greg na mas ikinagulat nito. Hindi na niya hinintay pa na sumagot si Greg at tumayo na siya at deretsong lumabas sa pintuan. Bago ito sa kanya, akala niya mag-eenjoy siya ngayon makakahanap ng mga babaeng makakasama sa buong magdamag. Pero hindi niya alam kung bakit nawalan siya ng gana, basta nang nasa loob na siya ng VIP room wala na. Para na lang siyang tuod na nakaupo doon at tahimik na umiinom. May mga nakakilala sa kanya pero sandali lang ang fame light sa kanya. As time passes, doble na ang bilang ng mga tao sa baba nang nasa hagdan na siya. Halos wala nang makitang space para sana tambayan. “Putek na blue, mauuwi pa yata akong bokya.” Aniya habang sinusuong ang dagat ng mga tao. Tuluyan na siyang nawalan ng gana, kaya baka mauuwi na lang talaga sa mahabang tulog ang natitirang oras ng bakasyon niya. “Ang gandang bakasyon nito!” reklamo na naman niya. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad palabas ng Bar nang makita niya ang isang babae na nakaupo sa sahig. Mukhang may nakabangga ito, at dahil sa lasing na hindi na nito nagawang magbalanse. Napailing siya habang pinapanood kung tatayo na ba ito o hindi pa. Natawa siya nang makita niyang tumatawa ito habang nagpupumilit na tumayo. Lasing nga talaga ang babae ito, hindi na siya nagtataka kung may magsamantala sa kahinaan ng babaeng ito. Bakit naman kasi iinom-inom ang mga babae na ganito tapos hindi naman pala kaya ang sarili. Pero hindi niya alam bakit? As in bakit siya naglalakad palapit sa babae at hindi palabas ng Bar. Nakita na lang niya ang sarili niya na nasa likuran na nang babae na parang may hinahanap. “Dylan nasaan ka na ba?” anito habang naglalakad na parang wala namang dereksyon. Basta nakasunod lang siya dito. Hindi naman ito nakakalayo dahil sa dami ng tao sa paligid nila. “Ano ba ang kailangan ko?” tanong nito. Lasing nga talaga ang isang ito. Napailing na lang siya, “bakit hindi mo alam kung ano ang kailangan mo, Miss?” tanong niya dito. Great at ngayon kakausapin na niya ang babaeng ito. At bakit ganito na naman ang pakiramdam niya para siyang naiinis na ewan? At tama ba namang kausapin niya ang babae at dumikit siya dito. Hindi lang iyon sa may mismong tenga nito siya nagsalita. And now he smell this woman, which smells like a baby powder or baby cologne. That is good for his nostril, and smell heavenly. Nagpigil siya ng hininga at tawa ng humarap ito sa kanya pero sa dibdib niya lang ito nakatingin. Na para bang hindi nito alam na tao ang hinaharap nito. Lasing talaga. “Hey, lasing ka na yata Miss,” aniya na nakatitig dito. Hindi na siya nagulat ng tumawa ito. “Bakit mo naman nasabi?” tanong pa nito habang tumatawa. She’s not looking at him, at gusto niyang makita ang mukha nito ng malapitan kahit pa nakita niya naman na kanina. Pero nasa malayo pa siya noon at madilim pa ang lugar kung nasaan sila. So he hold her at her shoulder para makuha ang atensyon nito. Kasi pakiramdam niya ang tingin nito sa kanya ngayon ay pader dahil sa dibdib talaga niya ito nakatingin kahit na nagsalita ito. At nang tingalain siya nito nakita niya ang pagnganga nito na para itong nagulat nang makita siya nito. Nakilala kaya siya nito? Kilala naman kasi siya ‘di ba? sikat kasi siya. Basta nakatitig ito o parang nakatulala sa kanya habang nakatingala sa kanya. Pero sandali lang iyon at siya naman ang nagulat ng walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa labi. Lip lock with tongue to tongue fight. Napapaungol siya sa paraan ng paghalik nito. He already kissed a lot of women, pero ito ang unang beses na para siyang kukuryente habang nakikipaghalikan. This woman is an expert kisser. Nalalasahan pa niya ang beer sa laway nito habang naghahalikan sila. Mas lalo tuloy siyang naniwala na lasing lang ito kaya ito ganito.  “T*ngina ang gwapo mo? Anakan mo nga ako!” anito na mas ikinagulat niya nang maghiwalay ang mga labi nila. Para siyang nahihipnotismo nito, nakatitig siya sa magandang mukha nito na alam niyang walang bahid ng kahit na anong make-up. Ano raw? Anakan? With all the courage he have binuhat niya ang babaeng ito na hindi niya pa alam ang pangalan. Gusto nitong anakan niya, sige pagbibigyan niya ito. Ito naman ang humiling at hindi siya. Huwag lang magsisisi ang babaeng ito kinabukasan dahil wala siyang balak na tantanan ito kahit pa nga mawala na ang kalasingan nito bukas ng umaga. “Sh*t! baliktad na ang utak ko! O ang mata ko?” bigla itong nagsalita. Nasa labas na sila ng Bar papunta na sila ng parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Bigla ba namang naglikot, akala niya nakatulog na nang buhatin niya ito. Parang sako ng bigas na pinasan niya ito sa balikat niya dahil ang likot-likot nito kanina nang buhatin niya ito pa-bridal style. Pero kahit pasan-pasan na niya ito sa balikat niya naglilikot na naman. Pinalo nga niya ito sa puwet. “Aw!” reklamo nito. “Huwag kang malikot!” reklamo niya rin dito. Baka mahulog niya ito at masaktan pa niya. “Huwag kang malikot!” panggagaya nito sa kanya. Parang gusto na niyang mag-back out, ang kulit ng babaeng ito. Baka ang ending dalhin na lang niya sa hotel at iwanan doon. Baka kaysa magawa nga nila ang sinasabi nitong anakan niya ito eh mauwi lang sa rambol. Ayaw pa naman niya sa lahat na mag-alaga ng taong lasing na lasing. “D*mn! This woman.” Naiinis niyang sabi. Tumawa ito, “d*mn this woman.” Panggagaya na naman nito sa kanya. Good thing nakarating na sila sa sasakyan niya at nabuksan na niya ang pintuan ng sasakyan. One more thing na ikaiinis niya baka iwanan na lang niya ito sa parking lot kapag nainis siya. Bakit ba naman kasi nilapitan ko pa ang babaeng ito. Sa isip niya na lang sinabi iyon baka kasi gayahin na naman siya ng babaeng ito. Napaayos siya ng tayo sa labas ng sasakyan niya at nakatingin siya sa babaeng nasa loob na nang sasakyan niya. Tumatawa ito na parang niroromansa, how it that? Napatingin siya sa p*********i niya na nagsisimula nang manigas. T*ngina, tawa pa lang nanginginig na ang katawan ko. What more mamaya kapag umuungol na talaga ito? “Dylan,” anito na parang nananaginip na niroromansa ng Dyan na tinatawag nito. Napakunot noo siya habang pinapanood ito at nagmulat na nang mata na para na namang may hinahanap. “Sinong Dylan?” tanong niya dito. “Ikaw, ang lalaking kukuha ng inosenteng ako! At ibibigay ko ang full performance. Si Dylan.” Anito na tumawa pa na parang nakikiliti. Para itong nang-aakit na porn star, sorry for the word pero iyon talaga ang tingin niya ngayon sa babaeng ito habang tinititigan din siya. Napatingin siya sa damit nito na walang kahit na anong bahid ng kamunduhan. Naka-tight jeans, white shirt and open shoes lang ito, again walang kahit na anong bahid ng kamunduhan, napakasimple lang na babae. Pero kung tumingin at magsalita parang daig pa ang isang professional porn star. “F*ck!” malutong na mura niya nang maramdaman ang p*********i niya na nagwawala na talaga. “Pak pak!” anito na tumatawa na naman. Tinitigan niya ito habang tumatawa, ilang sandali rin iyon bago niya inayos ang pagkakaupo nito at nilagyan ng seat belt. Nagmamadali na siyang lumipat sa side ng driver seat at mabilis na pinaandar ang sasakyan niya. Napapamura na lang siya habang nag-iisip kung saan kaya may malapit na hotel nang matapos na ang kalbaryo niya sa babaeng ito. Nagtitimpi lang siya, pero mamaya bahala na ang babaeng itong tanggapin ang panggigigil niya dito. ………………………………..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD